close
artsMusic

NEWS: Kundiman, Kwentuhan at Katuwaan Isang Online Performance Series ng mga Awiting Kundiman

96536335_622956491900192_5767471935508185088_n

Inihahandog ng Performatibo Manila ang kanilang ikalawang serye ng Kundiman, Kwentuhan at Katuwaan. Ito ay isang online performance series ng mga awiting kundiman na binigyang buhay at itatatanghal gamit ang social media. Mula sa kanilang unang serye ng pagtatanghal noong nakaraang Mayo 6 na binigyang buhay ang mga awitin ni Nicanor Abelardo, ang inaabangang ikalawang serye na pinamagatang, “3some: Santiago, Abelardo at Molina” ay isa na namang kaaya-ayang pagtatanghal sa musika ng tinaguring mga hari ng kundiman. Ito ay magaganap sa Performatibo Manila Facebook Live sa darating na Miyerkules, ika-13 ng Mayo, 7:00 ng gabi.

Kasama sa mga magtatanghal ang mga bagong henerasyon ng kundimang mangaawit na sina: Alijah May Requillo Raz, Bernadette Mamauag, Greg de Leon, Hesusa Labaro Mosquera, Khevin Almario, Lorraine Lisen, Nazer Salcedo, Nolito Gregorio, Ron Biñas, Zscharmaine Barretto, Mr. Arne Sunico Lubasan bilang pianist at si Vim Nadera bilang moderator. Kasama din si Professor Harold Galang na siya namang may special participation sa seryeng ito.

Nilalayon ng Performatibo Manila at lahat ng bumubuo ng Kundiman, Kwentuhan at Katuwaan (Isang Online Performance Series ng mga Awiting Kundiman) na makapag bahagi ng tuwa sa pahanon ng pandemic at bigyang pagkakataon ang ating mga kabataan na mas mapalawig ang pagkakilala sa ating musika at kultura sa paraang makabago at malawak ang maabot. Ang programa sa bawat seryeng itatanghal ay may diskusyon sa history ng awitin at kompositor upang patuloy na makapag turo tungkol sa ating nakaraan.

Maari din makibahagi ang mga manonood sa pamamagitan ng pagkuha nila ng kanilang sariling bersyon ng paboritong awiting kundiman. I-video lamang ang sarili gamit ang mobile phones o video camera at ipadala sa: performatibomnl@gmail.com ang kanilang kuha kasama ang pangalan, edad at lugar (city address). Ang mapipiling may pinaka magandang interpretasyon ay ipalalabas sa programa.

Sa iba pang katanugan tungkol sa pagtatanghal na ito, maaring magpadala ng mensahe sa email ng Performatibo Manila or dumirekta sa kanilang Facebook page.

Para mapanood at sumama sa darating na Kundiman, Kwentuhan, Katuwaan, i-click lamang ang FB Page ng Performatibo Manila sa darating na ika-13 ng Mayo, 7:00 ng gabi.

Kita-kita, mga ka-kundiman!

Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426