close
Screen Shot 2015-10-01 at 12.31.43 AM

Super thank you sa inyong mga sumali sa ikalawang online game natin para sa Jellicle Blog. In fairness, overwhelming ang response ngayon. Nawa’y sa ginawa nating ito’y nakatulong na rin tayo sa pagpo-promote ng THE NORMAL HEART ng Necessary Theater na magsisimula sa Biyernes, October 2, 2015 sa Carlos P. Romulo Auditorium.

Ngunit dahil ito ay isa pa rin contest, iilan lamang ang natural na mananalo. As promised, I am giving away two tickets to the Top 5 Winners who got the most number of points (nagawa nila ito dahil sa pag-si-share, pag-po-post, pag-ri-re-post at pag-ri-refer sa mga kaibigan nila). Nakakagulat kasi may nakakuha ng 200 points!

The Normal Heart Jellicle Contest Leaderboard

Meron din naman mga nag-tie. Kaya minarapat ko na lang na mag RandomPicker.com para sa limang pangalang nakakuha ng 45 points.

And the winners are:

Rank #1 Azer Parrocha 200 Points (2 tickets)
Rank #2 Jason Feria Antolin 150 Points (2 tickets)

The Normal Heart Jellicle Contest Random Picker

As per RandomPicker.com:
JCBautista13 45 Points (2 tickets)
Joz Ella 45 Points (2 tickets)
Jozel Pajuelas 45 Points (gives her free tickets to Gulliver Mendoza) (2 tickets)

CONGRATULATIONS, sa inyo!!!

So eto ang mga gagawin mamaya.

  1. Dapat, free ka mamayang gabi (October 1) ng alas siete hanggang alas onse ng gabi. Alas siete y medya ang pagbubukas ng bahay tanghalan. Wag idahilan ang trapik dahil given na yan. Ang magdahilan ng trapik – panget.
  2. Dahil tig-da-dalawa kayo ng mga napanalunang tickets, magdala ng isang kaibigan. Yung makakaramay mo kapag naiyak ka; mapipisil kapag kinilig ka kay Bart Guingona at Topper Fabregas; o mahahampas kapag natawa ka sa mga silent punchlines ni Red Concepcion
  3. Magdala ng extra tissue. Panyo ay pwede rin. Nakakaiyak ang kabuuan ng palabas. Pero empowering.
  4. Dun tayo magkikita sa lobby ng Carlos P. Romulo Auditorium. Sa RCBC Plaza un. Sa Makati. Kung hindi mo alam kung saan, magtanong-tanong. O mag-Waze. Madali lang yan. Malaking building un. Glass-and-steel-sushal-malamig-sa-loob-magjaket.
  5. Ngayong gabi ay magpapadala ako ng mga SMS sa mga mobile numbers ninyo. Dalhin ang teleponong tinext ko. Ito ang inyong ipapakita sa akin para patunayan ang inyong pagiging tunay na kayo.
  6. Sa pag-abot ko sa inyo ng ticket ay magpapa-picture tayo. Ipost natin ito sa ating mga FB at ido-document ko sa site. Tulong na rin natin para sa mga producers ng show. Maliit na bagay. Wag nang umarte.
  7. Ang palabas na ito ay Rated PG. Striktong patnubay ang kailan. May mga temang seksual, lenguahe, karahasan, horror, o droga na hindi angkop sa mga bagets. Siguraduhing nasa tamang edad kayo. Kung hindi ay baka hindi tayo papasukin ni Grace Poe sa loob. (boses kasi nya un). Char.

The Jellicle Blog would like to thank ZyMedia Services for facilitating this online contest. Mahal na mahal na kita, Yankee! Special thanks, too, to Tito Toots Tolentino for believing in our online media circle. Your confidence just  keep us going. And finally, to The Necessary Theater for giving our followers an opportunity to witness THE NORMAL HEART for free!

***

Ang THE NORMAL HEART ay isang dulang isinulat ni Larry Kramer noong mid-80s na tumatalakay ng mga pinagdaanan ng mga naunang makaranas ng pag-uri at pagsikil ng karapatan dahil sa HIV/AIDS. Nang magsimulang magkaroon ng mga taong nagpakita ng mga simtomas ng HIV/AIDS noong 1982 hanggang 1984, naging isang malaking palaisipan na kung anung klaseng sakit ito na naglao’y naging isang misteryosong epidemya. Sa mga unang taon na ito ay nabuo ang mga bagong tanong na wala pa noong kasagutan. Lumaganap ang diskriminsayon at opresyon, higit lalo sa mga naapektuhang MSMs (Men having Sex with Men). Ito ang tinatawag na Zombie Years ng HIV.

Naging matagumpay ang una nitong pagpapalabas at naglao’y nagkaroon ng mga marami pang mga re-staging sa New York. Nanalo rin ito ng Tony Awards para sa Best Revival noong 2011, Best Featured Actor in a Play para kay John Benjamin Hickey at Best Featured Actress in a Play para kay Ellen Barkin. Sumunod naman dito ay isang adaptation ng dula para sa telebisyon na ipinalabas sa HBO. 

Ngayon buwan ng Oktubre, muling ipalalabas ng Necessary Theater ang nasimulan nilang proyekto noong Hulyo. Ito ang re-run ng THE NORMAL HEART. Itinatampok dito sina Bart Guingona, Topper Fabregas, TJ Trinidad, Red Concepcion, at marami pang iba.

Napanood ko ito noong unang ipalabas, a couple of months ago. Maganda, mahusay, malinis, makabagbag-damdamin. Higit dito, ito ay tuluyang nagtuturo, at pumupuna sa hindi pa rin nawawalang istigma ukol sa HIV/AIDS sa bansa. Tayo ngayon ang New York noong 1982 – 1984. Habang tumataas ang mga datos, ay mas lumalalim ang pag-uri, paghusga at kakulangan ng malawakang moral na suporta para sa mga kapatid nating positibo.

Layunin ng palabas na ito na iharap sa Pilipinong manonood ang katotohanan tungkol sa HIV/AIDS. Layunin nito na sa pamamagitan ng repleksyon ay ma-usisa natin ang kakulangan ng suporta mula sa gobyerno, sa karamihan ng ating mga kaibigan at pamilya, at maging sa simbahan. Nais nitong ituro na ang pagtaas ng mga datos ay tunay na nakababahala, at ang mapanghasik na pakikipag-(alam mo na), ay isang maaring dahilan para magkaroon nito.

Pero tama na muna ang lektyur. Manood muna tayo. Makinig. At mula doo’y maari nang makapag-isip at makagawa ng mga susunod na hakbang.

Ang THE NORMAL HEART ni Larry Kramer ay ipalalabas sa RCBC Auditorium mula October 2 hanggang October 11. Para sa mga tickets, mag-log-in lamang sa Ticketworld.com.ph.

Mehel ke keyeng lehet.

Tuloy ang ligaya.
Tuloy ang laban!

Featured photo courtesy of THE NECESSARY THEATER

Tags : Bart Guingonahiv awarenesshiv/aidsthe necessary theaterthe normal heart
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

2 Comments

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426