close
#GiveABookToday for my LitCrit Class

Noong nag-aaral pa lang ako at nag-mi-major sa English, halos hindi kami kumain ng mga kaklase ko makabili lang ng libro. Required man o hindi, kailangan may lagi kaming librong binabasa. Ako, tamad akong maghalungkat sa mga book sales. Kaya nabibiktima ako ng mga mamahaling editions. Pero sige lang. Wala mang laman ang tiyan, busog naman ang isip. Keri na.

May titser ako nun. Marla ang pangalan niya. Sabi niya sa amin noon, ganun din daw siya noong estudyante siya sa PNU. Hirap makabili ng libro. Pero sige lang ng sige. The more mahal ang libro, the more na mamahalin mo. The more maganda ang kwento, the more na itatago mo; o ipahihiram, para ma-enjoy naman ng iba.

Tuwing Disyembre, si Ma’am Marla, nagdadala sa school ng ilang kahon ng mga librong binalot sa diyaryo. Nagpapa-raffle siya sa mga English majors. Tutal Pasko naman daw, at mahaba-haba ang bakasyon, may oras para magbasa. Isa-isa kaming inaabutan ni Ma’am noon ng libro. Ung iba mga bagong titles. Ung iba naman mga pre-loved na niya. Ngayong titser na raw kasi siya, sumisikip na ang kwarto niya sa dami ng libro.

Hindi ko nakakalimutan un. LUHA NG BUWAYA ni Amado Hernandez ang nakuha kong libro noong Disyembre na un.

Kaya naman noong ako na ang nakabuo ng sarili kong personal library, dumaan ang mga taon na pinapanood ang mga libro kong naninilaw sa alikabok at amag. Gustong gusto ko man ang mga ito, wala na akong oras para basahin pa uli ang mga ito. A book is without a soul, if without a reader. Walang saysay ang pagtambay ng mga libro sa loob ng kuarto ko, na tinititigan lang ako sa pagtulog ko.

Nagsimula akong mag-donate ng libro noong December 2013. Bumalik ako sa PNU para hanapin ang titser na nagturo sa akin na umibig sa mga libro at ipamahagi ito kapag okey na ako. Sa tulong ng book club namin na Flips Flipping Pages, naka-kolekta kami ng mahigit sa 200 na libro.

#GiveABookToday Deecmber 2013

Ayan si Ma’am Marla. Ung may hawak ng pinaka-iingatan kong Geneology of Shakespeare’s Works. Medyo masakit sa akin na mawalay sa akin ito. Pero napunta naman kay Ma’am. Alam kong magagamit niya un. Bonggang bongga.

For this Academic Year, nakapag-handle ako ng isang klase ng mga English major. Paborito ko pang major subject – Literary Criticism. Napansin kong tulad ko noon, limited din ang kakayanan ng mga estudyante kong makabili ng mga libro. Kaya naman naisip kong agahan this year ang aking #GiveABookToday.

Last Monday, I gave some of my pre-loved books to my LitCrit students. Sampu lang naman sila. Pero kahit ganun, hindi madaling mamili ng ipamimigay. Katatapos lang naming mag-aral ng Kritisimo, at medyo matataas na ang kilay ng mga estudyante ko. Kaya heto ang mga napili kong ipamigay.

#GiveABookToday for my LitCrit Class

Masaya, masakit, nakakapagod. Parang pinuputalan ako ng kamay, pero gratifying rin naman. Kasi alam ko, na luluwag kahit papano ang kwarto ko. Bukod sa doon, I know that my books will continue to live once my students open and read its pages.

Eto sila.

#GiveABookToday for my LitCrit Class
  1. Pam got Yann Martel’s THE LIFE OF PI 
  2. Rachelann got Arthur Golden’s MEMOIRS OF A GEISHA
  3. Jessa May got Zoë Heller’s NOTES ON A SCANDAL
  4. Emma Mae got Jostein Gaardner’s SOHPIE’S WORLD
  5. Angela got Gabriel Garcia Márquez’ HUNDRED YEARS OF SOLITUDE
  6. Czarina got Bill Bryson’s A SHORT HISTORY OF NEARLY EVERYTHING
  7. Regiel got Stieg Larsson’s THE GIRL WITH THE DRAGON TATTOO
  8. Ellaine Mae Joy got Shilpi Somaya Gowda’s SECRET DAUGHTER
  9. Eric got Katherine Applegate’s THE ONE AND ONLY IVAN
  10.  Bryan got Kurt Vonnegut’s THE SIRENS OF TITAN

At dahil Literary Criticism ang class, at dahil we’re pushing for Outcome-based Education, may twist and #GiveABookToday ko this year. Each of them will need to come up with a critical essay (at least 500 words) para sa nakuha nilang libro.

This way, we’ll be able to collaboratively get a feel of all the books that they got. Another, is we’ll be able to write freely and creatively, na walang iniisip na grade o deadline. Kunsensya lang.

Harsh, ba? Hindi kaya.

On top of this, I loaned to Eric my brand new copy of Harper Lee’s GO SET A WATCHMAN. Siya kasi ang unang nakatapos sa amin when the class did our TO KILL A MOCKINGBIRD Read Along. He’s coming up with a write-up for this, too.

So you see, sa simula lang naman mahirap magpakawala ng libro. Kasi kapag naibigay mo na siya, masaya ka na uli. Kasi buhay na uli ung aklat. Alam mo na mabubuklat na siya muli at makakapagpasaya at makapagtuturo ito muli.

 

 

Tags : #giveabook#giveabooktodaybooksliterary criticismliteraturereadingteaching
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426