close
The National Museum

O, ayan. Natalo si Pacquiao. Siguro mainit ang ulo mo sa pagkatalo niya. O kaya kay Mayweather. O baka doon kay Manong Referee. O baka dahil nagbayad ka ng PHP 2,500 para sa pay-per-view at talo pa rin. Siguro naman naitulog mo na yan, o nag-inuman na kayo ng mga ka-tropa mo matapos ang laban. O dinaan na lang sa videoke.

Kami ni Nanay, nanood kami ng play RUN FOR YOUR WIFE. Itinawa na lang namin.

Ganun talaga. Hindi araw araw, tatama ka sa jueteng. Get over it. Hindi naman talaga para sa’yo ang laban ni Pacquiao e. Para sa kanya yun. Hindi matatapos ang pambu-bully ng China kung nanalo siya. Hindi bababa ang unemployment sa Pinas kung napatumba niya ung ‘Kano. At mas lalong hindi nito masu-solusyunan ng panalo niya sa Vegas ang korapsyon sa bansa.

Bukod dito, hindi binawasan ng pagkatalo ni Pacquiao ang paka-Pilipino mo. Tandaan mo, sa kanta lang ung PARA SAYO ANG LABAN NA ‘TO. Ang totoo niyan, saan man tingnan, para sa kanya lang un, at sa mga mas yumayaman ng dahil sa kanya, at kay Mommy Dionisia.

The National Museum

Pero ngayong buwan ng Mayo, merong para sa’yo, at dito, hindi ka talo. Dahil National Heritage Month, binubuksan ng National Museum ang kanilang mga pinto para sa lahat. Hindi mo na kailangang maghintay ng araw ng Linggo para makapasok ng walang bayad. Hindi mo na rin kailangang maghanda ng dating nakasanayang PHP 150.00 para sa entrance fee kapag Lunes hanggang Sabado. Libre ang The National Museum para sa lahat ng gustong pumunta, bumisita at mag-selfie.

Huli kong nasulyapan ang NM noong Pebrero lang. Nagulat ako sa nakita ko. Napakalaki na pala ng pinagbago nito. Dati kasi, kahit taga PNU ako (na halos nasa kabilang kalsada lang ng NM) minsan lang naming pinuntahang magka-kaklase. Ang baduy kasi. Old school na old school. Kaya medyo boring. Pero ngayon, aba, kakaiba na! Para akong nasa American Museum of Natural History sa New York, o sa Louve ng Paris. Natuwa ako sa pagbabago. Malamig, presko, maluwag, at napakarami. Napansin kong pinag-isipan lahat ng sulok, pinondohan para umayos at ma-appreciate natin ang galing ng Artistang Pilipino.

Mga dati kong estudyante ang kasama ko noong Feb. The photos that you see are taken by Mr. James Murillo, isa sa mga estudyante ko. Alam n’yo? sobrang tuwang tuwa sila when we stepped inside the galleries. Parang kulang ang oras, parang unang hakbang mo pa lang sa loob, alam mong mabubundat ka na sa tingin. Siempre, sila, picture dito, picture doon, but what’s most important is that they finally realized how abundant our local art and history are. Some of them told me that they’ll come back, kahit ibig sabihin nito ay ang pagluwas ng Maynila. They’ll tell their families and friends of the experience, promise nung iba sa akin. Manghihila din daw sila.

The National MuseumThe NM also brags its Natural History section. Ito ung building na malapit sa Luneta. Dun naman sa Visual Arts Gallery, ung dating House of Senate (o Congress) na nakatapat sa Intramuros, houses all the paintings and sculptures of our own visual artists. Dalawa ang mga pwedeng puntahan. Punta ka. Mas exhilarating ang pagpunta sa ganun.

Anong pwedeng dalhin sa loob ng NM? Magandang tanong yan. Bawal magdala ng pagkain at inumin sa loob ng museum. Iiwan mo ang mga ito sa labas. Gasino nang i-deposit mo ang bag mo kina Ate Guard. Kunin  mo lang ang mahahalagang mga gamit. Yes, pwede kang magdala ng cellphone o kamera sa loob ng NM. Basta ba walang flash.

Bakit bawal ang flash? Ganito kasi yan: may mga solutions na inilalagay sa mga relics at antiques at paintings ng NM para siguraduhing hindi ito masira o mabulok. Siempre, matagal na ung mga un. Kailangang pag-ingatan. Pag nawala o nasira ang mga yan, forever na yun na hindi na maibabalik. Ang flash ng camera ay isa sa mga “maaring” maka-freeze ng mga inaalagaang relics sa isang museum. Of course it’s still very arguable. Keme na. Maganda naman ang lighting inside the galleries, at ang lakas maka-kinis ng skin. Totoo. Subukan mo.

The National MuseumSo come and visit your National Museum this month and celebrate the Heritage Month. Tama na muna ang mga Dubsmash. Hindi masamang mag-Dubsmash (lalo na kung Nora Aunor film ang gagamitin mo), o mag-selfie ng mukha mo o piktyuran ang Starbucks Frap mo, pero mas masaya ang magpakuha kasama ang mga ipinagdiriwang nating mga art works.

Minsanan lang ‘to. Di tulad ng nangyari kay Pacquiao kahapon, dito wala kang talo. Dito panalong panalo at buong-buo ka. At higit sa lahat, libre ito!

Promise.

For inquiries, you can call the National Museum at (02) 527 0278 or you can visit their website by clicking here. If you’d like to walk-in but do not know how to get there, narito ang mapa para sa’yo.

Mabuhay ang Philippine Heritage!

See you at The National Museum!

The National Museum
Photos taken by my dear student Mr. James Murillo (February 20, 2015)

 

Tags : james murillonational heritage monthnational museumnational museum free entrancenational museum manila
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426