close
Premiere Night T-BIRD AT AKO Remastered

Sulit ang halos tatlong oras na paggapang ko sa trapik noong Mierkules makahabol lang sa Premiere ng T-Bird at Ako (1982).
Kung mas pinili ko na lang na bumalik sa bahay at sumuko, hindi ko masasaksihan ang muling Pagkikita ng mga magkakatunggali.

Maraming pulis, maraming nakabantay.
Naglalakihan ang mga braso, pero kaga-gwapo.

Dalawang bus ng mga Vilmanians ang dumating.
Karamihan sa kanila, naka-T-shirt ng bagong poster kung saan nakaharap si Vilma.
Habang nanliliit na nakatagilid sa sulok si Nora.

Dumating din ang mga para kay Nora.
Alas tres pa lang, may mga nakabantay na sa takilya.
Baka maubusan, hindi makapasok.

Sulit naman ang paghihintay at dumating ang iniidolong hindi sila binigo.

Bandang alas siete, habang nakapila ang mga magkabilang panig — may nagka-amukan.
Nagsimula sa bulungan hanggang sa muntik nang banatan.

“Ganito, ganyan,” sabi nung isa.
“Wag kang ganyan!” sagot ng kabila.

Buti na lang at napigilan.
Kung hindi, malalaman kung sino ang tunay na T-Bird!

Ito ang mga pagkakataong hindi ko mapapalampas.
Ang saksihan ang salpukan ng dalawang magkaibang kamalayan ng paghanga,
Ng pagmamahal.

Bihira ang mga ganitong pagsasama ng mga hindi nagkakaintidihan.
Nakakatakot. Nakaka-excite. Nakakalibog.

Para sa akin, dito maaring masukat ang impluwensya ng Sining.
Siya na nakabubulag. Siya na nakababaldado.

Tanging mga katulad lamang nina Nora at Vilma
ang makapagbibigay lagnat sa mga taong tulad namin.

Pabayaan na kaming habulin ang aming mga bituin.

Photo by the ABS CBN Film Restoration Group

Tags : abs cbn film restorationfilmnora aunortbird at akovilma santos
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

4 Comments

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426