close
Havey o Waley
click here for part 1
click here for part 2

So apat na taon na kong Flipper. Sa apat na taon na yun, tatlo ang na-attend-an kong year-end parties. Dalawang beses akong dumating na naka-costume, isang beses na naka-get up. Kinakarir namin ang mga year ends na ito. Pinaghahandaan talaga. Huling hirit, e. Isang celebration ng isa na namang taon ng pagbabasa.

Meron pa rin kaming librong babasahin. May moderator pa rin, may nakahandang discussion. Pero kadalasan, dahil sa dami ng pagkain, at dahil mas marami ang mga pakulo, binubuhay na lang namin ang kwento sa libro.

My FFP Year Ends
My FFP Year-Ends

Unang year-end ko was December 2012’s FFP’s NOLIGAYANG PASKO (A Noli Me Tangere Christmas Celebration). Second was 2013’s THE GODFATHER. And the latest was the uber-fabulous 2014 MOVIEFIED!

Just because we’re a bookclub doesn’t mean that we have to discuss a book every time we meet. Limiting yun. Maraming paraan para i-celebrate ang isang libro.

I counted seven ways:

1. Basahin ang libro at pumunta sa party na naka-costume.

Yes. Balikan ang milieu ng nobela. Buhayin ang mga characters. Umarte na parang ikaw si Maria Clara (kahit mahirap), o si Crisostomo, o si Damaso. O kahit taong-bayan. I-feel mo ang character. Anung gagawin niya kung maiipit siya sa traffic papuntang San Diego? Sobra ang traffic sa Maynila kapag December. Magagalit ba siya? O maglalakad na lang? O magse-selfie habang naglalakad?

Noong 2012 year-end namin, binasa namin ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. But this time, kahit required reading siya, hindi kami pressured. Wala namang quiz pagkatapos ng pagbasa, e. Walang grade. Basta ang dapat, ma-enjoy namin ang nobela ni Rizal.

Pagkatapos, sinabihan kami na pupunta kami sa aming sariling bersyon ng San Diego. Kaya sana, gumayak ng tama. Isantabi muna ang mga jeans at shirts.

Parang ganito.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

O, diba? Anung sinabi ng Tanghalang Pilipino diyan?!

Noong December 2013, sa THE GODFATHER Party, kinarir naman namin ang 1920s gangster motif.

 

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Gusto ko sanang pumunta na naka-Breathless Mahoney, pero natakot akong mabagansiya ni Dick Tracy. Kaya eto na lang.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Newsboy. Ganyan. At least safe. Abswelto. Walang kaso.

Pero si Fredda at Vlad, umiwas sa kumbensyon. Si Fredda, dumating na isang Chinese Mafia.

FFP The Godfather
photo by Rhett de Jesus

Si Vlad, gangster from the Bronx.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Ang gwash lang, diba?

2. Mag-prepare ng menu na naka-kunsepto sa libro. 

Since kinarir na rin naman ang costumes, karirin na rin ang lafang. Bigyang pangalan ang mga pagkain na naka-kunsepto sa librong binasa. Para mas magana ang pagkain. Para ma-feel mo na rin na talagang nasa isang handaan ka ng mga Ilustrado (kahit nakapang-taongbayan costume ka).

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

O, ha? Me mas sasarap pa ba sa Hamon ni Simon? E sa Bracken Croque-en-bouche? Me mas dudunong pa ba sa violet-pa-rin na Pilosopong Puto Bumbong?

3. Gumawa ng character sketch.

Lumikha ng tauhan. Pangalanan siya. Tapos i-portray sa grupo. I-share kung may naging kontribusyon ka sa istorya. Kung wala, OK lang rin. Mas maraming taong-bayan kesa sa mga major characters, pero natural na may paghuhugutan pa rin ang character mo. Ibunyag sa lahat. Ikwento mo ang backstory mo: favorite food, motto, color, first crush, definition of crush, ganyan.

Ang hindi ko makakalimutang character sketch ay yung kay Jan. She came that night wearing a plain taong-bayan costume (white kamison on top, black dress, and a red shawl). Pero naka-nail polish ang mga daliri niya sa kamay. Itim. Tapos tinernuhan pa ng red lipstick. Nakalugay ang buhok, na parang nag-blower lang.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Ganda ng lola n’yo, diba?

Siya raw si Leonora. Noong panahon ng mga Kastila, isa siya sa mga nagtatagong bampira ng San Diego. Natatandaan ko, may backstory siya tungkol sa isang nabigong pagmamahal. Ngayon, hindi na siya naniniwala doon. Tapos na siya sa pag-ibig, pero bitter pa rin siya. Kasing bitter ng dugo. Kaya naman puro mga lalaki ang mga binibiktima niya. Tinanong ko siya kung bakit hindi niya kagatin si Damaso, o si Salvi. Ang sagot niya, blessed blood daw kasi un. Baka siya masunog.

Katolikong bampira! Hati-hati! Kalahating banal, kalahating maligno. Taray!

Ganyan ang tamang pagko-cosplay. Hindi lang damit. Hindi lang itusura. Dapat bigyan ng lalim. Gawan ng kwento. Palawakin ang kasaysayan ng kino-cosplay mo. Tapos na ang panahong ikaw ang nakikinig sa mga istorya. Panahon na para ikaw ang gumawa ng sarili mong bersyon ng nobela.

4. Pumarada.

Mismo. Ipagmalaki mo ang pinaghirapan mo. Alangan namang, kayu-kayo lang? Iparada mo ang mga bagong kulay mo.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Kami noon, pumasyal kami sa labas ng bahay nina Sana. Taga-Pasig sila at malapit sa bahay nila ang famous Bahay na Tisa. Dun kami unang nagpunta. Pinatuloy kami ng may-ari at nag-tour kami sa loob. Yung iba, nag character pose pa.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

5.  Lumikha ng bagong laro na may kinalaman sa librong binasa.

Sabi ko nga, hindi kailangang laging may discussion. May mga paraan para mapagusapan o masukat ang kaalaman tungkol sa libro. Sa mga year-end parties na napuntahan ko, madalas kaming magpalaro. Question and answer, mindgames, problem-solving tasks, role playing – mga ganyan.

Pinakagusto ko yung ginawa namin noon para sa The Godfather. Stategies ang labanan. Psych-war ang dating. Abilidad ang sukatan. Mga gansters kami, tapos binigyan kami ni Art ng mga tig-i-isang mapagsisimulan namin para gawing puhunan sa negosyo (e.g. drugs, gold bars, firearms, etc.). Kunwa-kunwarian lang naman. Tapos pwede ibenta ang mga ito Pwede din kaming mamili. Parang stocks. Isusugal mo ang mga assets mo, at hihintayin ang mga pwedeng mangyari (buy-bust operations, pagkakakulong, pagtaas ng presyo ng drugs, aksidente).

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Sa larong iyon, naramadaman kong hindi biro ang maging lider o miembro ng isang gang o Family. Na-validate ko rin na maging sila ay parang mga negosyante rin. Pero ang kaibahan nila,  sumusugal sila sa mas mapanganib na mundo ng krimen.

6. Basahin ang libro at gawin itong pelikula.

Yes, jellicle readers, hindi lang interpretative readings at role playing ang pwedeng gawin. Pwede ring mag-produce ng sarili ninyong film adaptation ng librong binasa niyo. Sa dami ng technolohiya na pwedeng pagpilian, kahit ikaw, pwede nang gumawa ng sarili mong pelikula.

Challenging, pero kaya. Nakaya namin e.

Bago matapos ang The Godfather Party namin noong December 2013, sinabihan kaming maghanda para sa susunod na taon. Dahil sa December 2014, magkakaroon ng MOVIEFIED! 2014 Film Festival.

FFP's Moviefied

We were tasked to group ourselves and draw a genre for our team. Ang nakuha namin, ACTION. Yup ibang mga grupo, kanya-kanya ring mga genres: DRAMA, HORROR, COMEDY, and ROMANCE. We need to choose a literary work and make a short film adaptation of it.

Isang taon ang paghahanda at paggawa. Kami bahala sa sari-sarili naming mga timelines. Pero dapat, by November 2014, all entries must be in for judging.

Shet, ang hirap! Nasa isip ko na ang mala-epikong THE ILIAD o BATTLE ROYALE. Pero ang gastos noon. Madugo pa.

Halos naka-kalahati na ang taon nang makapag-decide kami ng kung anung gagawin. LORD OF THE FLIES ni William Golding, sabi namin. Hahaluan namin ng konting komedya, konting drama, pero dapat action-adventure pa rin.

Gumawa na kami ng mga character sketches. Ako si Renato Tatlonghari. Si Iya is Regina Calderon-Lozada. Si Sana si Sheena San Miguel. At si Gege ang social climbing neuvo-riche na si Jonalyn Torralba.

Gege, Me, Iya and Sana
Gege, Orly, Iya and Sana

Nagsulat na kami ng screenplay. Pinamagatan namin itong LORD OF THE BANGAWS!

FFP's Moviefied

Tapos, bago mag All Saints’ Day, nagpunta kami sa napili naming location para mag-shoot.

photo by Erickson dela Cruz
photo by Erickson dela Cruz

Natapos namin ang project. Pinasa at naghintay ng Awards Night.

7. I-celebrate ang Gabi ng Parangal. 

Dahil hindi biro ang paggawa ng pelikula, kailangang bigyang parangal ang natapos na gawa. Magkaroon ng Awards Night. Mamigay ng mga premyo para sa Best Actor, Actress, Screenplay, Director, etsetera. Alam niyo na un.

Matapos ang mga sindakan, takutan, at trash talks, nakatapos lahat ng mga grupo. Flips Flipping Pages finally has five films to be proud of!

Moviefied 2014Eto ang mga entries:

LORD OF THE BANGAWS (Action-Adventure)
KUNG SINONG WALA (Comedy)
THE LAST GOODNIGHT (Drama)
PITIK BULAG (Horror-Thriller)
THE LETTER (Romance)

8. Mag-dress up at mag-host para sa Awards Night. 

Tutal, natapos na ang mga pelikula, at may imbitasyon ka na para sa Awards Night, aba! pumunta ka na. Mag-dress up ka na parang sina Keanu Reeves at Meryl Streep. Baka malait ka pa ni Joan Rivers sa red carpet.

FYI. We had our own versions of Joan Rivers at Ryan Seacrest, ano? Meet Ms. Joan Ilog and Ryan Tuktokdagat!

FFP's Moviefied

During the Awarding Ceremonies for MOVIEFIED, napakaraming naitulong nina Gege and Blooey para film museum. Ito rin kasi ang unang chance ng mga members na mapanood ang entries ng ibang mga grupo.

They came up with an exhibit of miniatures for each film entry. Napakagaling!

Eto kami ni Gege sa LOTB.

FFP's Moviefied

Ako ang pinili nina Peter at Marie na mag-host. Siempre, hindi ko tatanggahin yan. It could be my ticket to stardom (or stardoom). Nag-prepare din ako ng mala Billy Crystal na Opening Spiel.

At siempre, dahil awards night, kailangan may red carpet!

The Lord of the Bangaw casts

Ayan. Pitong paraan na pwedeng gawin ng isang book club para mas maging meaningful ang pagbasa.

***

Apat na taon na akong miyembro ng Flips Flipping Pages. Apat na taon na rin pala akong naghahabol sa pagtapos ng mga required readings ng grupo, at sumasali sa mga usapan at pakulo nina Gege, Shani at Blooey. Na-kompromiso na rin ako sa pagkahirap-hirap na proyekto nina Marie at Peter para sa Moviefied.

Pero ngayon pa lang ako nakapagsulat tungkol dito. Sa pagiging Flipper ko.

Kaya napahaba. Pasensya na.

Pero, alam nyo? Masaya siya. Exciting. Nakaka-kumpleto. Masarap magkaroon ng mga kaibigang kapareho mo ng interes – ang Pagbasa. Having a bookclub means not having to worry who to share your best read with. May makikinig sa’yo. Promise. Kahit isa, may magtatanong kung saan mo nakuha ang libro. Being a book club member strengthens your love for books. The discussions and activities will encourage you to dig deeper for meanings and reflect on how the work imitates your life. Totoong naging maingay ang mga karanasan ko sa pagbasa simulang maging Flipper ako. At dahil dito, mas nagka-buhay at nagka-kulay ang dating tahimik na pagpantig ko sa mga sinulat na kwento.

Kaya minsan, isantabi muna ang FB. Grab a book, and see where it will take you.

Tapos, go explore and look for a group na pwedeng bahaginan ng mga nabasa mo. Nandyan ang Pinoy Reads Pinoy Books at Goodreads. Siempre, nandyan din ang Flips Flipping Pages! Being part of one will transform you in ways you haven’t imagine. I did.

Hindi mo kailangang mag-worry na baka may membership fee. Libre ang pagsali. Kasing libre ng pagbasa.

Here’s to another happy year with FFP! Havey na havey!

Flips Flipping Pages

Happy New Year, jellicle readers!

Tags : book clubbook clubscosplayflips flipping pagesgangsterindependent film makingliteraturelord of the fliesnoli me tangerethe godfather
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

2 Comments

  1. Ang saya! So sad I was away during the Godfather-December party last year. I missed a lot.
    I wish there is a reblog in your site so I can share it also on my blog. Would you be able to add a WordPress LIKE, too?

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426