close
Himala Discussion
click here for part 1

Noong 2012, naglaunch ng coffee table book si Ricky Lee kasabay ng premiere ng restored version ng HIMALA (1982). Noranian ako, alam n’yo yan. Siempre nandun ako noong premiere ng restored version. Nakapanood na ko ng sine, nakakuha pa ako ng limited hardback edition ng Sa Puso ng Himala ni Sir Ricky

Kaya noong late 2013, nung tinanong ako nina Gege kung gusto kong mag-moderate uli, ang sabi ko, “aba, oo!” Pero gusto ko naman ng naiibang libro. O naiibang gawa. Ibang form naman. Wag muna sana nobela. Saka gusto ko Tagalog uli. Gawang Pinoy.

I volunteered to moderate the HIMALA (1982) Screenplay Discussion and Scriptwriting Workshop. At dahil madalas nating i-relate ang HIMALA ni Ishmael Bernal sa Holy Week, itinaon ko ng Marso ang discussion. Yung huling Sabado bago mag-Abril. Bago mag-Semana Santa.

Dalawa magkaibang libro ni Sir Ricky ang pwedeng pagpilian. Naroon ang kanyang Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon, na koleksyon ng mga akda ni Ricky Lee noong 70s at 80s. Kasama dito ang screenplay ng pelikula. Pero kung gusto mo naman ng isang buong librong pinagusapan ang pelikula: ang paglikha, pagsusulat, kasaysayan at pagbabago nito, magandang basahin ang Sa Puso ng Himala. Naroon din kasi ang screenplay.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Unang beses sumali ng kaibigan at kapwa kong Noranian na si Gilbert. Talaga naman. Effort na effort sa pagtulong. All for the love of Guy! Salamat, Kumare! Malaking tulong din ang iniabot sa akin ng aking big sister na si Marie Cusi. Noranian din siya, at tulad ni Gilbert, isa rin siya sa mga researchers who helped Sir Ricky compile data in preparation for the coffee table book. Salamat, Ate Marie! Mahal kita!

Ginawa namin ang discussion sa Victorino’s. It’s a fine dinning restaurant in Quezon City owned by a family from the North. Since Barrio Cupang was shot in Ilocos Norte, ito ang aming naging bersyon ng Elsa’s Shrine.

And yes, we discussed the screenplay. We talked about its history, and its form. I made a presentation on the Work and Its Author, the Work and The World It Imitates and the Work as an Entity in Itself. Maganda ang discussion. It was a new experience for all of us. It was the first time that Flips Flipping Pages read and discussed a screenplay.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Siempre, napagusapan din namin si Nora Aunor. Mawawala ba ang topic ng Noranism sa usapang HIMALA? Natural hinde. We talked about her life and her stardom during the time when she did the film. We have agreed that she was Elsa, all the way.

Tinanong din namin at sinagot kung sino nga ba ang bumaril kay Elsa. Sa katapusa’y napagkasunduan naming hindi na mahalaga ang sagot. Napagtanto namin na may mga bagay na hindi na kailangan ng kasagutan. Ang mahalaga’y nalaman namin na pinatay siya. Na hindi kailanman matatanggap ng lahat ang Katotohanan. Shet, anlalim.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Bago matapos ang discussion, tinalakay namin ang kahalagahan ng HIMALA para sa amin. Kung papano ito naging isang foreshadowing ng mangyayari sa EDSA after four years matapos ipalabas ito. Kung papano tiningnan ng tao si Cory Aquino na parang si Elsang magdadala ng himalang liligtas sa kanilang bayan mula sa rihemeng Marcos. Kung papano natin binaril ang pamahalaang Aquino, dalawang taon mula sa martsa ng EDSA, ng malaman nating wala rin naman palang himalang mangyayari. Taray, di ba?

Hindi namin naimbitahan si Ricky. Ito yung mga panahong nirerebisa niya ang screenplay ng HUSTISYA (2014). Isa pa, birthday party niya kinabukasan. Masyadong abala kung papupuntahin pa namin siya. Pero salamat kay Janise, meron pa rin kaming naging panauhing pandangal.

Himala Discussion
photo by Rhett de Jesus

 

Siya si Ms. Raquel Villavicencio. Siguro yung iba sa inyo nakikilala siya. She started working as a screenwriter noong nagsisimula pa lang siya sa mundo ng pelikula. Siya ang sumulat ng screenplay para sa KAKABAKABAKABA? (1980) at KISAPMATA (1981) ni Mike de Leon. She co-wrote with Ricky Lee for the story and screenplay of RELASYON (1982) ni Ishmael Bernal. At siempre, sa kanya rin ang istorya at screenplay ng INIT SA MAGDAMAG (1883) ni Laurice Guillen, na para sa akin ay ang pinaka-senswal ngunit kognitibong pagtalakay ng seks, ng babae, at ng pag-ibig sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Anung kinalaman niya sa HIMALA? Siya lang naman ang Production Designer ng pelikula. Natatandaan ninyo ang buról ni Elsa? Yung may puno? Yung kung saan niya nakita ang Birhen? Siya lang naman ang nag-tirik ng punong yun sa location ng buról. Siya rin, sa tulong ng kanyang production team, ang nagdesign ng mga bahay, mga interiors, ng simbahan, at mga costumes ng libo-libong ekstra. Sa lola niya ang bélo na ibinalabal ni Nimia (Gigi Dueñas) sa eksena nila ni Elsa sa sementeryo. Siya rin ang nagdisenyo at nagbihis ng imahe ng Birhen sa ilalim ng bahay nina Elsa.

Eto siya noon sa set ng HIMALA. Kasama si Sir Spanky Manikan, na gumanap na Orly sa pelikula.

Raquel Villavicencio
Source: SA PUSO NG HIMALA

 

Siya ang nagsabuhay ng Cupang na noon ay nasa isip lamang ni Ricky Lee. Dahil sa kanya, nagkakulay ang Cupang para sa atin. Nagka-taong bayan. Dahil sa kanya, nabigyang larawan ang katauhan ni Elsa.

Nanalo siya ng MMFF Award for Best Production Design para sa HIMALA noong 1982. Yes, MMFF entry ang HIMALA. Yun pa ang panahong makabuluhan ang mga ganitong film festivals.

Eto lang, ah? I just want to be honest. Nagkalokoloko ata ang air-conditioning unit sa function room namin noon sa Victorinos. Napakainit. Binuksan namin ang mga bintana kahit hindi nagpapaalam. Sinubukan namin tawagin ang mga waiters, pero mukhang hindi nila alam kung anung gagawin.

Kaya naman tagaktakan ang pawis namin. Pero keri lang rin. Hindi ba’t mainit din sa Cupang? Disyerto? Walang tubig, at pawisin ang mga tao? Kaya nagpaka-neorealistic na lang kami. Inisip na lang namin na nasa Cupang kaming lahat. Kahit papano’y naranasan namin ang magdasal para sa himalang magkaka-aircon. Pero walang nangyari. Di pa rin gumana ng maayos ang aircon. Wala ngang himala!

I'm An Elsa Fan
I’m An Elsa Fan

Buti na lang, meron akong mga inihandang giveaways. Aba! Nagamit ng bonggang-bongga! Tinulungan ako ni Nanay na magsulat ng mga ito. Hindi birong magsulat sa abanico, ano?

photo by Rhett de Jesus
HIMALA Bookmarks

Maliban dito, nag-prepare din si Mother Gege ng mga bookmarks para sa amin. Nakikita n’yo ang malaking puno na yan? Yan ang punong naroon noon sa set ng HIMALA, doon sa burol ni Elsa. Isa na siyang ganap na giant tree ngayon!

Himala Discussion
photo by Rhett de Jesus

 

Matapos noon, nagkaroon kami ng scriptwriting workshop. Mabilisan lang, pero masaya. Paghahanda na rin sa pagsusulat namin para sa mga entries ng mga grupo namin para sa Moviefied! 2014. Ang ginawa namin, lumikha kami ng mga bagong eksena para sa Himala. Bongga ang mga outputs!

Pansin n’yo? Tumataba na ‘ko?

Siempre, bago matapos ang discussion, group picture uli.

photo by Rhett de Jesus
photo by Rhett de Jesus

Kinatapusan namin ang usapan sa pagyakap sa isa sa mga obra ni Ricky Lee. Na-realize namin na maari palang mapag-usapan ang mga gawang hindi kumbensyunal ang porma, tulad ng isang screenplay. Sa pagbasa at pagtalakay ng Himala, nakita namin ang isang lumang mundo na tuluyan pa ring naririto sa ating lipunan. Isang mundong naniniwala na balang araw ang mahuhulog ang mga biyaya ng langit at paliliguan tayo ng walang hanggang biyaya.

Pero sabi nga ni Elsa, nasa puso natin ang himalang iyon. Wala sa langit, wala sa guhit ng ating mga palad, wala sa kapalaran. Nasa sa atin ang mahikang magbabago ng ating mga buhay, ng ating mga mundo.

Pasasalamat
Pasasalamat

Yan ang pangalawa kong pagkakataong na mag-moderate para sa Flips Flipping Pages. Sa isang taon, sa June ako naka-toka. BOY MEETS BOY ni David Levithan. LGTBQIA-themed na libro. Isa sa mga best reads ko noong 2013. Hindi ko pa alam ang gagawin ko. Saka ko na poproblemahin. Ang mahalaga, tuloy ang ligaya.

Bukas, sa part 3, i-si-share ko naman ang mga nakalipas na mga Flipper year-end parties na nasalihan ko. Babalikan natin ang mga bongga at masasalimuot na karanasan sa pagpunta sa mga year-end parties na naka-costume, imbes na naka-get up lamang.

Basta.
Bukas.
Bisperas.

Bet?

(to be continued)

Tags : book clubbook clubsbooksflips flipping pagesliteraturenora aunorsa puso ng himalasi tatang at ang himala ng ating panahon
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426