close
(photo by Rhett de Jesus)

Mantakin n’yo? Apat na taon na pala akong miembro ng Flips Flipping Pages! Dati rati, magisa lang ako kung magbasa. Ngayon, maingay na ang mga pagbabasa. May mga ka-inteact na ako. Hindi na malungkot. Kapag napangitan sa binasa, may madudulugan ng reklamo. Kapag maganda naman, may makakasama sa celebration. Kapag ok-ok lang, meron akong nakakasama sa kapihan.

September 2010 noong una akong naimbita na at nagka-schedule para um-attend ng book dicussion. Si Peter kasi ang moderator, kaya medyo nabawasan ang dyahe ko. Late pa kong dumating noon dahil sa Saturday dance class ko, kaya nasa labas ako ng big table nina Peter. Pero OK lang naman daw, sabi ni Peter. Observe-observe lang daw muna ako. I don’t need to participate kung ayaw ko. Basta tingnan ko lang daw kung magugustuhan kong sumali. Wala namang bayad. Walang membership fees. “Basta pumunta ka lang,” sabi nya. No strings attached. If you could read the book before the discussion, the better. No pressure.

WOMAN IN BLACK ni Shirley Jackson ang book of the month noon. Hindi ko na naabutan ang introductions ni Peter, pero nakaabot naman ako sa actual discussion.

September 2010 (Woman In Black)
(photo by Rhett de Jesus)

 

Siempre, hindi naman porke bago ako, e hindi na ko mag-pa-participate, ano? Nabasa ko naman ung libro (which was the first book I read in e-format). Epal na kung epal. Bakit ba?

Flips Flipping Pages came to me at a time when I needed a new diversion. Noong mga panahon na yun kasi, I got into a depression that lasted for more than a year. Ayoko nang magtrabaho at magbasa at makipagusap at mabuhay. Kung sinusundan ninyo ang mga kwento ko dito, alam nyo ang sinasabi ko.

From then on, nagsimula akong magkaroon ng bagong diversion. Bagong mga kaibigan din. Ok silang lahat. Walang tapon.

Here’s my very first group photo with the Flippers.

(photo by Rhett de Jesus)
(photo by Rhett de Jesus)

Yes, payat pa ako noon. At mataba pa si Peter. Makikilala ako ng mga kapwa ko Flippers na katulad ng bola ang patalbog-talbog kong timbang through the years. At nagbayad ako sa mga panlalait ko sa timbang ni Peter noon.

Eventually, nakapag-volunteer akong mag-moderate ng discussion. Unang librong minoderate ko ay ang unang Anthology ni Bebang Siy. Yes, ang IT’S A MENS WORLD. 

It's A Mens World
(photo by Rhett de Jesus)

 

Nagpauso pa ako ng T-shirt Project. Pinapili ko ang mga miembro ng pinaka-bet nilang salita o phrase sa koleksyon ng mga kwento ni Bebang. Tapos gumawa kami ni Shani ng T-shirt design. Tapos pina-print namin. Tapos, yung mga shirts na yun ang pwede lang isuot sa mismong discussion. Ang hindi naka-T-shirt, pangit. O walang lovelife. O pagtsi-tsimisang klosetang-bakla, o lipstick-lesbian.

Ang pinili kong salita ay, Nyemas (para sa puñeta). Glitter-glitteran ang prints ko. Siempre, ako moderator e. Bakit ba? Ginamit ni Bebang ang salitang ito sa isa sa mga kwento nya noong nainis siya sa isang situasyong hindi niya kayang lusutan.

Yung ibang mga Flippers naman, kanya-kanya. May Chicklet (sikat na chewing gum noong 80s), Madugo, Tagos, Regla (usapang coming-of-age kasi ito ng babae, e), Kilig (sa first crush ni Bevs), Award (minsang ginamit ni Peter sa pagtatapos ng kanyang speech bago i-abot ang Reader’s Choice Award kay Bebang para sa IT’S A MENS WORLD), First Crush at marami pa.

At dahil naging malapit sa book club namin si Bebang, napaunlakan niya kami. Pumunta siya sa discussion. Kinabahan ako noong una. Hindi ako sangayon sa pagpunta ng awtor sa mga discussions ng libro nila. Mataas kasi ang pagtingin ko sa prinsipyong Reader’s Response. Mas mataas kaysa sa mismong awtor. Pa’no na magiging malawak ang talakayan kung naroon ang gumawa? E, pa’no kung meron may ayaw ng gawa n’ya? Pa’no kapag kailangan na naming bigyan ng kanya-kanyang ratings ang libro? Hindi man nakakahiya, hindi malabong mag-alangan. Parang nakatungtong ka sa numero. Nababawasan ang academic freedom.

Pero nagulat ako noong sinabi sa akin ni Bebang na gusto n’yang pumunta. Kung OK lang ba? “Hayaan mo, Orly.” Sabi n’ya sa akin noong ininterbyu ko siya ilang araw bago ang discussion. “Doon lang ako sa isang sulok. Promise, hindi ako magsasalita. Makikinig lang ako.”

Aba! Talagang hindi kumibo ni isang beses ang lola n’yo! Nakinig lang siya. ‘Ni hindi siya tumayo o nag-CR. Parang hiyang hiya pa siya. Considering na lahat ng mga nag-attend noon ay natuwa at naaliw sa libro n’ya. Mas tumaas ang respeto ko kay Bevs noon. Totoong nasusukat ang halaga ng gawa, hindi dahil sa kung sino ang nagsulat, kundi dahil sa kung papano ito tinatanggap ng mga mambabasa.

Tapos may mga actual readings kami. I randomly picked ten members to do interpretative readings of their most favorite stories from the book. Excerpts lang naman. Doon ko napatunayan kung gaanong ka-competitive ng mga Flippers. It actually became the highlight of the discussion.

Matapos ang discussion, binigyan siya ni Mother Flipper Gege ng boquet at ilang mga items na binanggit niya sa libro.

FFP March 2012
(photo by Rhett de Jesus)

 

Hindi ko na ma-remember kung bakit sobra ang hagikhik ni Bebang dito. Lagi naman siyang ganun e.

Sa unti-unting pagkilala ko kay Bebang, nalaman kong pareho pala ang High School alma mater namin. Dalawang taon lang ang pagitan namin, kaya nagka-abot kami noon sa PCU-UHSM. Pero hindi ko siya nakilala noon. Siguro dahil matangkad ako at maliit siya. Maitim ako at maputi siya. Sa lowest section ako, at sa Cream Section siya.  Pero naging favorite adviser niya ang favorite literature teacher ko noong High School, si Ma’am Espie. When we learned about it, mas naging matatag ang pagkakaibigan namin.

At dahil malawak na ang naabot ng technology natin ngayon, the least we can do is let her know how she has changed us wonderfully. Bebang, into an award-winning author, and me into an active reader.

Bebang Siy’s IT’S A MENS WORLD is an anthology of stories written by a Filipina-Chinese author that tackles the issues of growing up, falling in love, and finding one’s identity in a family and a society torn between judging and embracing womanhood. It won the READER’S CHOICE AWARD in 2012. Ngayon, marami nang mga lumabas ng libro si Bebang, ITS RAINING MENS, MARNE MARINO, at NUNO SA PUSO parts 1 and 2, but if you want to get a feel of how Bebang writes about her struggles and how she fights for her own identity, magandang simulan ang inyong Bebang (s)experience sa librong ito.

Siempre, may group photo kaming lahat with the author after the event.

March 2012
photo by Rhett de Jesus

 

Una pa lang yan. May sumunod pa akong discussion na ako rin ang nag-moderate. Abangan bukas.

Masyado na itong mahaba! To be continued.

P.S. Thank you, Rhett for the wonderful photos. Hanggang ngayon nakikita pa rin namin the fun that we had. I love you! Nanay and I are continually praying for you and your mom!

 

Tags : bebang siybookclubbooksflips flipping pagesit's a mens worldliterature
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

8 Comments

  1. Hi, Orly. Your post brings back good memories. I’m very glad that you became a part of the Flips Flipping Experience. You made the fellowship, the reading, the fun and laughter all the more memorable. 🙂

    1. Thanks, Mich! I’m really glad I became part of the group. That’s why I am so passionate in encouraging other readers to join or organise their own book clubs. 🙂 See you in January’s BEST and WORST Reads!

  2. Hi orly! Merry Christmas! I miss talking and laughing with you. Kahit ngayon, naiimagine kitang very animated makipagkwentuhan sa amin ni MS Cabrera 🙂 thanks for sharing this and it always overwhelms me. Students like you and bebang made all the hard work and heartaches of teaching all worth it. Please continue sharing your gift and may you influence more people in enjoying books more than Facebook 🙂

    1. Thank you so much, Ma’am Espie. You’ve been a great source of inspiration to us! Starting off with THE PEARL and SILAS MARNER back in High School with you was enough to keep us going looking for other books. Thank you for transforming us! Send my love your hubby and your kids! I really hope to see you soon!

  3. Orly!!!

    Maraming salamat at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon noon na pumunta sa discussion ko. Syempre, may vested interest ako sa invitation, kasi nga ako ang moderator. Ayoko kasi ng konti lang ang dadalo at mega-prepare ako. Ayokong masayang ang karir na karir kong efforts.

    Apat na taon na pala ang nakalipas. Parang Olympics lang. At aminin mo, masaya naman ang mga pagtitipon natin lagi, diba? May mga times lang talaga na hindi ka masaya—at yun ay kung mag-mo-moderate ka. Hahahahahaha. Lagi mo lang kasing iniisip ang mga reaction ng Flippers sa iyong discussion. Well, ganun ako. Ayokong may uuwi kasi na walang takeaway man lang sa naganap.

    Matagal tagal na rin pala akong hindi nag-mo-moderate. Napaisip lang ako. Last ko is yung Night Shift pa. Hindi ko ibibilang yung Moviefied. Unang una, walang discussion na naganap. Pangalawa, event naman nating lahat yun. Awards night lang yung culmination. Pero ang saya, diba? Medyo nalungkot lang ako at walang kumuha sa aking talent. Pero medyo lang naman.

    Dahil nabanggit ko na lang din naman ang Moviefied, meron yata akong hindi pa nasasabi about sa pelikula ninyo. Actually, may sinabi yung isang judge about dun sa direction ng Lord of the Bangaws. Mahusay daw ang director kasi nagawa nyang gawing ensemble ang buong performance. O diba? Robert Altman lang ang peg mo.

    Mabuti naman at buhay na buhay pa itong blog mo. Medyo napabayaan ko ang blog ko for the last quarter of the year. Ang dami lang kasing mga pangyayari. Busy na sa work, at pagkatapos ng trabaho last November and December, pumupunta pa ako kay R. sa hospital. Shet, kulot na kulot na ang buhok ko dahil sa Pagoda Cold Wave Lotion. Pero babalikan ko pa rin ang KyusiReader. Feeling ko, part na yan ng pagkatao ko. And kahit naisip kong tuluyan na syang iwan at magbasa na lang, ang hirap. Alam mo ba na may mga 3 instances na na may lumapit sa akin sa mall at tinanong, “Diba ikaw si KyusiReader?” Napapa-demure smile lang ako.

    Sya sya, nawa’y patuloy kang maging isang Flipper sa mga susunod na taon. Lagi kong inaabangan ang mga insights mo sa mga books na pinag-uusapan natin. Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi mo about The Woman in Black and other books/movies na horror themed. Sa mga ganung works, ang common denominator is ang major character ay laging duwag. Naisip ko—oo nga, ano?

    Mwah!

    1. Ay, Peter! Walang anuman. It was a pleasure joining your first discussion. Though pansin na pansin ko noon inggat ka pang mag-moderate, it went really well. Dahil sa WOMAN IN BLACK discussion mo, mantakin mo, nandito pa rin ako!

      Oo nga. Apat na taon na. Apat na taon na may tatlong year-end parties. Niacin kong i-share dito sa blog, kasi napansin ko na hindi pala ako nags-share dito about the bookclub. E ang daming nagtatanong sa akin kung anung mga ginagawa natin sa mga book discussion. Ang typical ko lang na sagot, “wala, parang Literature class lang. Literature class na masaya.” So since parang Lit class ang pagtingin ko sa mga discussion, dapat talaga laging may mga takeaways! Mga guro nga tayo!

      Isa sa mga bonggang discussions para sa akin ang THE NIGHT SHIFT ni Stephen King, ano? Gawin ba naman sa isang lumang bahay na pinaghihinalaang haunted. Top notch!

      Pero siempre, wala pa rin tatalo sa kunsepto ng MOVIEFIED! Aminin natin yan. Takeaway-kung-takeaway! Pati pampatangos ng ilong ko na-takeaway, din. Seriously, napakalayo ng narating natin sa Moviefied! this year. I’ll talk about it sa part 3 ng 4 Bookclub Years. Ang galing galing lang talaga.

      Naku, salamat naman sa judge na yun. Actually, ang inisip ko noong ginagawa namin ang LOTB, dapat may exposure lahat. Dapat walang maiiwan. Parang class play lang, tapos lahat ng group members may gagawin in front para lahat may grade. Tapos ginamit pa namin ang peg ng Temptation Island. Ang sikreto lang talaga niyan, gawin mong buo ang mga characters mo. Tapos itapon mo silang lahat sa isang island. Sa aktual na pagsusulat, kahit ikaw na mismong lumilikha ay magugulat sa mga kaya nilang gawin sa isa’t-isa.

      Matagal na nga rin itong blog ko na ito. Si Syme ang nag-encourage sa akin noon na magsulat at magblog. Hanggang sa nagkaroon na ako ng mga followers. Hanggang sa minsan, lagi ko nang iniisip kung anung susunod kong isusulat. Though there are times na nagkaka-block ako, sabi ni Syme noon, basta sumulat pa rin daw ako.

      Napansin ko nga na hindi ka masyadong nakakapag-post lately. Pero andami mo pa ring nababasa. Miss ko na mga reviews mo. Minsan kasi, sa site mo ako natakbo kapag kelangan ko ng bagong mababasa, e.

      To another four years in Flips Flipping Pages!!!

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426