close
no thumb

Kabi-kabila ang mga makikita mong buhusan ng malamig na tubig sa Amerika. Nakakatuwa, nakakatawa, kasi nga naman, mga kilalang tao ung iba. Si Wintor, si Seacrest, pati sa George Bush nakisali din.

Share tayo ng share. Kadalasan, mas benta kapag palpak ang pagbuhos. Kapag naaaksidente ang magbubuhos. Kapag inaabot ng siyam-siyam ang bubuhusan, na parang nag-iisip ng dalawa, tatlo o sampung beses bago sabihing, “Go!”

Pero alam ba natin kung bakit ito sinimulan? Alam ba natin kung ano ang nasa likod ng mga kasiyahang dala ng mga nakakapasong buhusan ng nagyeyelong tubig? Ano ba talaga ang pakay nito?

Ito ay para sa pagsuporta sa isang di gaanong kilalang karamdaman na kumakalat ngayon sa mundo. Ito ay ang Amyotrophic Lateral Sclerosis, o mas kilala sa tawag na ALS. Una itong tinawag na Lou Gehrig’s Disease. It’s a disease that attacks the nerve cells and the spinal cord that causes its victim total paralysis. Hindi na nakakagalaw, hindi pa nakaka-function pati mga internal organs. 

Yes, pati ang mga internal organs….kaya sa kalaunan, hindi na sila nakakahinga.

Tulad din ng ibang malalang karamdaman, magastos magkasakit ng ganito. At higit sa lahat, nakamamatay ito.

Nagsimula ang mga Ice Bucket Challenges sometime mid-July. Darating din ang araw, mawawala rin ito, tulad ng ibang mga nag-trending na paksa at pauso sa ating mga Social Networks.

Kaya naman bago mangyari iyon, take sometime to watch this video, and see, learn for yourselves what ALS can do to its victim. Kailangan ng mga ito ng ating tulong,  suporta at dasal.

True message starts at 2:00

 

Tags : alsice bucket challengelifescoopLou Gehrig's Diseaserandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426