close
no thumb

Masakit. Malungkot

I just got home from a happy evening with old friends, and old stories.

And just when I was about to slip into a promising warm blanket, I heard the news.

***

Oh well, I am not the President of the Philippines. Hindi naman talaga ako ang dapat na pumili ng kung sino man ang dapat gawaran.  Fan lang ako. Tagasubaybay, tagapalakpak.

Sa lugar kong ito’y tanging ang maaari ko lang gawin ay ang maghintay ng kanyang pag-oo. Wala sa akin ang desisyon.

Galit ba ako sa kanya? Siguro. Dahil hanggang ngayon, wala siyang maibigay na dahilan kumbakit.

Pero siya yun. Minsan, may mga dahilan na talagang ipagdadamot sa atin. Kung sasabihin man niya, nasa sa kanya na yun, wala na akong magagawa.

Wika nga ng nanay ko, “mahirap maghabol sa Tambol Mayor.”

***

Naawa ba ako sa Idolo ko?

Sapul pagkabata nama’y dinudurog na Niya ang puso ko. Naiiyak ako sa tuwing mapapanood ko siya sa TV kapag Linggo ng gabi. Dinadala ko ang mga kwento tungkol sa Kanya, at dinadamdam ang mga minsa’y pinagdaanan Niya.

Malamang, sa susunod na makita ko Siya muli, ay iiyak ako. Iiyak, dahil eto na naman kami. Binalewala. Tinimbang at kulang.

O, baka naman, tinimbang at sumobra? Ang sarap isipin.

Pero kung tutuusin, malaki mang kawalan ito, hindi ito maihahambing sa mga mas malalaking pagsubok na dumaan sa buhay niya. Tulad ng iba’y, lilipas din ito. Maaring kalimutan. Ibaon sa limot.

O kung hindi man, ay pwedeng lumaban muli. Doon ko Siya tunay na minahal. Bumagsak Siya ng ilang beses, pero andyan pa rin. At kapag Siya’y tumawag, dandaan pa rin ang dumarating.

***

Ayoko nang isa-isahin ang Kanyang mga kontribusyon. Marami na ang gumagawa noon. Malamang, marami muli ang maglilista at mag-uusisa. Wala na akong ganang manumbat, lalo na’t ang ebidensiya’y nakatambad na at umugat na sa kasaysayan.

Pero hindi maikakaila: Magaling Siya.

Kakaiba.

Makasaysayan.

Kung may katulad niya’y, pakisabi naman sa akin. Baka lamang may nakaligtaan ako.

***

Pero ang talagang magdadamot sa akin ng pahinga ngayong gabi ay ang alaala ng mga kapwa ko tagahanga.

Hindi matatawaran ang kanilang pagmamahal, ang kanilang pag-aalala, at ang kalungkutan, na malamang ay hindi rin nagpapatulog sa kanila ngayon.

Nakasama ko sila. Matagal rin. Naramdaman ko ang kanilang saya sa tuwing Siya ay lumilipad at muling nagpapatunay ng kanyang galing. Naaalala ko ang kanilang mga di masukat na ngiti sa tuwing Siya ay kakaway at ngingiti sa pasasalamat dahil nandoon pa rin sila.

Yan ang mas nagpapalungkot sa akin ngayon.

Gusto ko silang makita. Gusto ko silang yakapin. Sila ang mga tagahangang bumuo ng pagkakakilanlan ng Idolong bumago sa mga panuntunan ng sining na lubos pa rin nating minamahal.

At gaya ng sinabi ni Elsa, na tayo ang gumagawa ng lahat, maging ito man ay mga sumpa o mga tagumpay, binubuo ko ngayon ang aking sariling mga pagkilala.

Silang mga tagahanga ang mga National Artists para sa akin.

 

Tags : artsnora aunornoraniansrandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

2 Comments

  1. Ayyy!!! Umiyak na ako, nakakaiyak Hindi dahil Hindi sya nadeklara nakakaiyak kasi people criticised her for being a person. She’s human, she’s not perfect, but when it comes to her profession she do her work, and nora loves her fans.!!!!!

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426