close
no thumb

Nagpa-picture kami nina Matt and Varga, September of last year.

Sa Mrs. Pixels.

Nadevelop ang mga pictures, pero ‘di ako nagkaroon ng oras para kunin ang mga litrato. Alam n’yo naman, napakadilim ng Setyembre ko. Umabot pa hanggang Oktubre.

Nawala lahat ng nagpapaliwanag sa buhay.

Kahit ang mga pictures ni Mrs. Pixels.

Pero kahapon, nasa Megamall ako. Tutal, asa Mandaluyong naman na, at wala naman akong pupuntahan, dinayo ko ang Gale (Robinsons Galleria) para kunin na rin sa wakas ang mga marahil inaamag nang mga litrato namin ng mga pamangkin ko.

Hindi pa pala inaamag. Bongga ang mga shots.

Me kamahalan nga lang, pero keri na. Sulit ang pagkamakinis ko.

Eto.

Matt and Varga 1
Matt and Varga

Here’s Matt.

Aminin n’yo: gwapo.

Matt1
Matt

And here’s Varga. Minsan, pinangarap kong maging diwata. Pero sabi nga, “our children are our place that we will never see.”

In this case, I saw it. But only in pictures.

Varga2
Varga

Pero sa lahat ng mga shots ni Varga, ito ang pinaka-PAK!

Alam n’yo naman siguro kung sino ang nagturo ng pose na ito, hindi ba?!

Sa dating pa lang, alam na alam na natin kung kanino nagmana.

Varga 1
Varga

Sumama sina Arvin at Phen noong photoshoot namin. Ang problema hindi nagbihis. Ang inisip lang kasi, sina Matt at Varga lang ang magpapakuha.

Sa katapusan, nagpa-kuha rin sila.

Sorry, nilamon sila noong dalawang bata. Sa outfit pa lang.

Ahihihihi!

Family
Arvin, Phen, Matt and Varga

And finally, siempre, may picture ako with my two most favorite pamangkins!

US
Me, Matt and Varga

PS. Zianne ang tunay na pangalan ni Varga. Nakasanayan na lang na tawagin siyang Varga noon dahil, nakasanayan na nga lang.

Pero siya na ngayon ang mismong nangunguna sa pag-reremind sa amin na hindi Varga ang pangalan n’ya – Zianne daw.

Zianne.

OK, Varga. This is noted.

Tags : lifescoopmatthew agawinrandomvargazianne agawin
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426