close
no thumb
Call Center Confidential (Sex, Lies and Irate Callers)
Call Center Confidential (Sex, Lies and Irate Callers)

 

I still remember Josef telling me about a blogger from the office who’s been posting stories about his team mates and friends.

“Dear,” tawag sa akin ni Josef four years ago. “Check mo ‘to. CALL CENTER CONFIDENTIAL. Blog siya about PS (PeopleSupport). Kung gusto mong makasagap ng mga tsismis, basahin mo siya.”

Hindi ko siya masyadong sineryoso noon. Hindi kasi ako mahilig magbasa ng mga blogs. Usually, pini-print ko pa muna ang mga articles bago ko mabasa ng maayos.

But when Syme told me about the site, which was two years after Josef told me about it, I started to give it a try.

Unang basa pa lang, na-adik na’ko.

“Kaya ‘be, mag-blog ka na rin. Ang dami mong maisusulat,” udyok sa akin ni Syme noon.

Thus the Jellicleblog.

But this is not about my site. It’s about Buquir – the man behind CALL CENTER CONFIDENTIAL.

207935_10150561950355223_782585222_17955925_2822980_n
Bookie

Siya si Bookie Buquir. Mataba, kalbo pero flawless ang legs. Isa siya sa mga libo-libo naming agents dito sa opisina. Graduate ng Psychology sa San Beda Alabang, pero bago magtrabaho’y lumayas sa bahay nila sa Batangas nang malaman ng ina na bakla siya. For almost eight years, he stayed here in Manila alone. Tanging mga kaibigan, katrabaho at book collections lang ang kasama n’ya kapag may okasyon o holiday.

Oo, mataba siya. Lagi pang masakitin. He got used to taking care of himself kapag na-oospital siya. But he has his friends naman. Sa kanila siya kumukuha ng lakas (at libreng pagkain).

Dito n’ya nakuha ang mga kwento. Mula doon lumago ang mga istorya.

He was happy, he was sad. Ang like me, horny, most of the time. Patalon talon ang mga emosyon n’ya pero tuloy pa rin ang pakikibaka sa pagsusulat.

Hanggang sa sumikat siya.

Hindi lang sa opisina kumalat ang mga kwento n’ya, pati sa ibang mga call centers. Oo, pati ‘ung mga nasa Dubai, maniwala man kayo o hindi.

Sa totoo lang, pati si nanay, binabasa siya.

One time pa nga, na-publish ang blog n’ya sa isang Call Center Newsletter. Siempre, proud na proud si bakla!

Ang dami n’yang kwento. Tungkol sa baklang love story, baklang kainan (literally and sexually), baklaan (beauty contests), baklang pamamasyal (gay travels), at baklang company outings (kung saan nakuha ang picture na ito):

Bookie
Bookie

Subukan mo, ma-aadik ka rin. Kung hindi, ipahanap mo ‘ko, at nang maturuan ka ng tamang taste!

Hindi rin naman lahat ay natutuwa sa kanya. May mga members ng pretentious middle class sa office who view his blog as poorly done and written in bad taste.

Pero kiber, tuloy pa rin s’ya sa pagsulat.

Naging kaibigan ko siya. Nanood pa siya ng Caredivas noong pinroduce ko ‘to noong Mayo.

Just late last year, nagkaroon ng major change management sa opisina. Nang una ko ‘tong mabalitaan, alam kong maraming mag-aamok, magagalit, at mag-re-resign.

Pero ‘ika nga ng bumbay sa amin: “If you don’t want here, you’re free to go.”

Tahimik lang ang mga leaders sa opinsina. Walang kibot, nakayuko. Tsismisan lang sa yosihan ang tanging paraan para kahit papano’y maihinga ang nakitang katangahan.

Pero si Buquir, hindi pinalampas. Inihinga ang sintemiento sa blog n’ya.

Maikli lang ang post. Napakaikli pero napakabigat. Dumating ang mga comments. Dumagsa ang galit. Tumaob ang management, nakinig sa empleyado.

Kumalat ang tsismis, nalaman ng hindi lang isang call center, kundi ng lupon ng mga BPO companies sa bansa. During a meeting with BPAP, an officer approached me and inquired what the hell was our management doing to the employees.

“Ganun po talaga ‘e,” safe kong sagot.

“If that’s the case, it’s good news for other centers,” bulong sa akin ng officer. “Madaming mawawalang talents sa inyo kung ganyan ng ganyan.”

“Parang ganun na nga po,” safe ko ulit na sagot. “OK naman daw po sa aming umalis kung hindi namin gusto ang palakad.”

Hindi ako nagalit o nagtampo sa kanya. As a matter of fact, natuwa ako. Iba talaga ang hagupit ng interactive journalism.

Hanggang sa na-move ng na-move ang implementation. Hanggang sa napa-amo ang mga tao.

Tuluyang nakasali sa mahabang listahan ng mga websites na naka-Surf Control ang blog n’ya sa opisina.

Hindi man aminin ng upper management noon na naimpluwensiyahan sila ng mga comments at sagot sa discussion field ng post na ‘un: we know better.

And the rest was history.

Early this year, nag-announce siya. May isang publisher na nag-alok na i-publish ang natapos nyang nobela.

Dapat, noong May ang book launching. Pero dahil nga local publishing, ‘di pa rin natutuloy.

Last week, nagpa-alam na siya.

After almost four years of sharing his thoughts, stories and tales (from the “fat” side), he finally decided to close his blog.

Kasama na nya ulit ang mga magulang n’ya. Kung tinaggap na ang pagka-bakla n’ya, hindi ko alam. Ang mahalaga, magkakasama na sila ulit.

Nalungkot ako. Isa siya sa mga inspirations ko sa pagsusulat at pagbabasa. Sa tuwing nababasa ko ang mga nilikha n’yang texto, naiisip kong kaya ko pang magsulat ng paulit-ulit.

Malayo na ang narating ng blog n’ya. Pero maikli pa rin ang nararating ng relasyon n’ya sa pamilya n’ya. Maraming taon ang nawala, and for now, that’s more important.

OK lang ‘un. Un ang dapat.

Besides, ang sabi n’ya, magbabalik din siya one of these days. But for now, CALL CENTER CONFIDENTIAL – like Harry Potter – has finally come to a close.

Thanks Bookie for the stories, inspiration and empowerment you have given us.

Sa uulitin. Alam kong magbubukas ulit ang isang bagong chapter and we’ll read, and write together!

Be free!

Bookie
Bookie
Tags : bookiecall center confidentiallifescooprandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

1 Comment

  1. I will definitely miss that bitch. But what can I say…Life must go on. I am hoping that one day he will send me a buzz on my FB account letting me know where the hell is his next blog.
    Bookie, have a wonderful and awesome life. Sana ma publish na ang book mo.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426