close
no thumb

I know. I know. Hindi n’yo pa kilala kung sino ang bago kong jowa.

Kasi naman, takot na akong mag-post dito. Baka hindi rin magtagal, mawala na rin; mahirap magbura sa puso – at sa site na ito.

But he did something really signficant early this week that made me overwhelmingly proud. Too proud, I have finally decided to share our story to you, my dear readers.

Eto ang description. Gavin ang name n’ya. Actually, screen name lang yan. Ang totoong pangalan n’ya? Randy.

Eto siya.

Randy and I
Randy and I

Eto pa.

Randy and I 2
Randy and I

So ayan. Nakita n’yo na siya.

Gwapo siya. Maliit lang (compared to me), moreno, half-Indian, at balbon. Yes dear readers, balbon siya. As in super balbon, minsan naiinitan ako; nakikita ko pa lang siya.

Mainitin ang ulo, pero masipag. Reklamador, pero matiyaga. Ok naman so far. Madalas lang kaming mag-away. Pareho kasi kaming diva.

Saka na ang kwento kung pa’no naging kami. Masyadong mahaba, masyadong mabilis.

Madalas kong itanong kung mahal ba n’ya talaga ako. Ang lagi n’yang sagot: “Oo, mahal. Ano bang problema mo?”

Pinakilala na rin ako sa pamilya n’ya. Isang experience na hanggang ngayo’y hindi pa rin mag-sink in, sink in.

Natutuwa ang mga friends ko. ‘Ung iba, halatang may inggit.  Deadma lang

Pero may mas bonggang kwento:

Noong Lunes, nakasali siya sa PNB (Pambato Ng Baranggay) sa Eat Bulaga. Kantahan.

Na-televise siya sa National Television.

Tinanong kung may girlfriend na siya. Ang sagot: “Wala. Meron akong partner.”

Magaling ang pagka-kanta. Maraming natuwa.

‘Ung inggit, ang sabi: “Kulang. Mas magaling pa raw si Yada-yada.”

Ano ba namang magagawa ko kung wala siyang singing Jowa?

Panoorin kung ano ang nagpahaba ng buhok ko ngayong linggong ito.

Click here to watch.

You be the judge.

Tags : eat bulagagavin salvalifescoopPNBrandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

2 Comments

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426