close
no thumb

Noong High School ako (3rd  year to be exact), halos isang buwan akong hindi pumasok. Wala akong ginawa kundi ang araw-araw magpa-balik-balik sa Megamall para lang manood ng pelikula na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinagsasawaan.

Seventy pesos lang ang baon na iniaabot sa akin ni nanay noon. Forty pesos ang sine, sampung piso ang isang pack ng malaking Nagaraya; ang natirang sampung piso, pamasahe na pauwi.

Nasaulo ko ang mga linya, pati mga kanta.

Pero mali ang ginawa ko. Niloko ko mga magulang ko sa pag-ka-cutting classes. Isa rin ito sa dahilan kung bakit nag-summer class din ako sa Math noong 3rd year ako. Wag akong gayahin. Ngayon naman pwede nang bumili ng DVD ng bet n’yong movie. Wag nang mag-cutting.

Istorya ito ng isang nag-di-diva-dibahan na lounge singer na naka-witness ng isang marder (murder). Itinago siya ng mga pulis sa kumbento. Una ayaw n’ya, but she eventually learned to adjust, accepted the situation, and turned the choir ministry upside-down.

Yes. It’s SISTER ACT (1992).

SisterActPoster
Sister Act (1992)

Tanda ko na no?

Ngayon….may stage musical version na siya!

sister-act-2
Sister Act (A Divine Comedy)

The Broadway version premiered in New York on April 20, 2011. Produced by,none other than, Ms. Whoopi Goldberg herself, the musical has been garnering mixed to positive reviews.

Keme. Mas bet ko ‘to kesa naman Nun Sense.

Eto ang patikim.

Oh Lord, I miss the old days!

 

Tags : artsmusicalmusicalssister actsister act the musicaltheater
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426