close
no thumb


Gusto n’yo bang magpahula? Malaman ang future? Kung anung mangyayari sa lovelife mo, o career?

Hindi ako naniniwala sa hula. Kadalasan, gagastos ka na, hula lang naman ang mga sagot sa tanong mo.

Pero sa lahat nang mga kilala kong nang-huhula, sa isa lang ako naniniwala. Sinubukan ko lang siya minsan; aba’y nagkatotoo.

Walang biro. Seryoso ako.

Four years ago, hinulaan n’ya ko. Tinanong ko siya kung kailangan ko nang mag-explore ng ibang career at umalis na sa call center.

Ang sagot n’ya sa akin, malinaw. “Kung aalis ka, babagal ang arangkada mo. If you’ll stay, you’ll be able to achieve many things.”

Sinunod ko siya at ang kutob ko. Marami nga akong narating. Marami akong na-achieve.

Nagka-award pa ‘ko.

Dati ko siyang boss. Nakapagsulat na rin ako tungkol sa kanya.

Matagal tagal na raw siyang hindi nakakapang-hula. Gusto na n’yang i-practice ulit.

Gusto n’yong i-try? Wala namang mawawala diba?

Don’t worry, libre ito. Mas malaki namang ‘di hamak ang sweldo n’ya sa atin, at hindi n’ya kailangan ng additional na income.

Kahit remote, keri. All you have to do is send him your most recent picture. Ung ikaw lang.

Tapos, isabay mo na rin ang mga gusto mong itanong.

Babasahin n’ya ang aura mo, at susubukang sagutin ang mga tanong mo ayon dito.

He may be posting your picture or questions in his site, depending on the nature of confidentiality ng mga tanong at sagot sa’yo.

Basta. Kayo na lang mag-usap. Sabihin n’yo na lang na ako ang nag-refer sa inyo.

Ano? Game?

Click here to visit his website.

Tags : joseflifescooprandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

7 Comments

  1. Orly! Salamat uli sa plugging hehe. Na-touch naman ako. 🙂

    Sa mga friends na gusto magpahula, yung recent na pic ha? Preferably portrait pic, or close-up ng mukha. Kung may ka-relasyon kayo, kahit kasama mo sila sa pic para makita ko kung paano nagko-combine energies nyo. As for the questions, helpful kung may mga tanong kayo para may focus yung hula ko.

    Salamat uli! 🙂

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426