close
no thumb

Mahilig akong mamasyal. Kahit saan basta may nakikitang kaiga-igaya, OK na sa akin.

Pero walang tatalo ang pagpasyal sa mga malls. Lagi kami dito ni ‘be. Name it: Glorietta 1, 2, 3, 4 and 5, Greenbelt 1, 2, 3, 4 and 5, MOA, Filinvest Alabang, Manuela (meron pa ba nun?), Ever Gotesco Grand Central, SM North, Manila, Southmall, Bicutan, San Lazaro pati Baguio isama mo pa….napuntahan na namin.

Gusto kong maglakad at mamasyal sa mga malls dahil malamig, at maraming pwedeng mabili. Hindi hassle sa walang humpay na lakad at ikot. Marami pang makakainan.

Gusto ko silang lahat, wag lang Trinoma.

Noon pa namin iniisip ni ‘be kung bakit parang iba ang pakiramdam namin kapag nasa Trinoma kami. Parang may mali sa achitecture at interior. Masyadong mataas, masyadong masikip. Parang pilit na isiniksik sa dulo ng North at Minadanao Avenue.

Kanina, dahil dun na lang palabas ang The Last Exorcism (2010), napilitan kaming pumunta ng Trinoma. Holiday naman ngayon, ‘ika ko, malamang nagsiuwian ang mga tao sa mga probinsya dahil sa long weekend.

Nagkamali ako.

Hindi nagsi-uwian ang mga tao sa probinsya. Tulad namin, nagsi-uwian sila sa Trinoma.

Paghanap pa lang ng parking, inabot na kami ng mahigit 45 minutes.  Gumapang kami paakyat ng 4th level para lang makahanap ng lunggang matitirikan ni Snooky. Napa-yehey! si ‘be nang makakita kami ng isang bakanteng slot. Gutom na ako, pero ayoko pang magreklamo. End of Ramadan ngayon…dapat masaya.

Nagmamadali kaming pumasok ni ‘be para makahabol sa 6pm show. Ito ang tumambad sa amin:

Isang damakmak na tao. Mga taga-QC yata ang naisipang magpalamig kanina sa Trinoma. Natakot ako, baka ‘ka ko’y may sunog. Hindi makalakad ng mabilis papuntang escalator, mga hindi rin nagsasalita.

Pati ang Activity Center dinumog rin. Parang may El Shaddai si Bro. Mike ngayon. Sayang at hindi ko nadala ang panyo ko.

Nakapanood naman kami ni ‘be. Nakakain sa loob ng sinehan, nakita si Lando (‘ung tatay sa Surf commercials), at nakabili ng libro. Pero hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang bigat ng tao sa bawat levels ng Trinoma kaninang hapon.

Mahilig akong mamasyal sa mga malls…wag lang Trinoma.

Tags : bebe and ilifescooprandomtagalo blogs
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

3 Comments

  1. @ ms. espie: I’d say of all the malls we have in Manila, MOA is the place to be. malaki, maliwanag, madaming pwedeng gawin. Greenbelt…siempre naman…sushal. parang pag nandun ka, parang ang yaman yaman mo! hihihihi

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426