close
no thumb
 

Maaga kaming nagkita para sa 7:30 pm show nung August 1. Alas kwatro pa lang, nasa Harbor Square na sina Gem. Kasama n'ya sina Rizali (kapatid n'ya) at Abryan (jowa n'ya). 

Nag-chikahan muna kami sa Starbucks bago nag-decide kung saan kakain. Mainit nun, at naka-itim pa kami ni 'be. Pero chika lang. Hindi ma-ba-badtrip ng init ang excitement namin ni 'be. 
Kumain kami sa Grillers, dun sa Harbor Square na rin. Limpak limpak para sa lima ang tinira namin. Pero hindi ako nabusog. Hindi ata handa ang tyan ko sa busog. Mata at tenga ang naghihintay mapuno para sa show mamaya. 
Siyempre, picturan muna!
Gem

Habang kumakain, nag-isip na 'ko kung papano ko maipupuslit ang camera sa loob ng Abelardo. Dalawa ang dala kong camera. Alam kong nangako akong hindi ako kukuha ng kahit anung picture sa loob habang nagpapalabas. Pero habang lumalapit ang oras ng palabas, lalo namang nangati ang utak ko sa kakaisip ng Modus Operanding gagawin ko para makapag-pasok ng camera. 
Aba! sayang naman. Para que pa't naging jelliceblog pa ang pangalan ng blog ko kung hindi ako makakapag-post ng mga Jellicle performances dito? Besides, I owe it also to you, mga mahal kong mambabasa.
Kaya ito ang naging plano ko: 
I-su-surrender namin ni 'be ang DSC H-50 ko. Madali itong makikita dahil napaka-laki nito at hindi mai-bubulsa. Sa bag ko ito ilalagay dahil 'yun ang unang iinspeksyunin. Ung maliit na camerang nahiram ko kay Phen, earlier that day, itatago ko sa lower pocket ng cargo pants ko. Kap-kapan man ako e hanggang bewang lang. Hindi na 'yun maabot. Maipupuslit ko na. 
Mabilis kaming nakakain. Actually, si Maricris na lang ang hinihintay. Nagsimba pa raw siya sa Harrison. Hahabol na lang daw siya. 
Pumunta kami sa CCP nang bandang alas-siete kinse. Mahaba na ang pila sa side entrance pero chika lang. Mabilis namang nakakapasok ang mga tao.
Habang nakapila, naisip ko: pa'no kung kap-kapan ako hanggang binti? Mahirap na. Unang-una, sayang kung hindi ko maipasok. Pangalawa, nakakahiya. 
Kaya ginawa ko ang hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko. Kinuha ko ang maliit na camera sa lower pocket ko at ipinasok sa loob ng brief ko! 
Pasensya na – desperate situatons call for desperate measures!
The plan worked! Nakalampas ako sa mga guards ng CCP na nasa brief ko pa rin ang camera. 
Dumating na rin si Maricris. As usual late sa oras na dapat ay magka-kitaan. Pero chicka lang. Mahirap nang ma-badtrip. Isa pa, may dala siyang powder na nagamit namin ni 'be. Kaya napatawad ko na rin. 
Powder? Siyempre. Since may camera na kami sa loob…piktyurang walang humpay ito later. 
Pagka-upong pagka-upo pa lang namin ni 'be (G 209 and G 210 kami) kinunan ko na agad ang Jellicle Junkyard. 
Nagsimula ang palabas. Nakukuha ako pa-konti konti sa Act 1. Mahirap palang magnakaw ng mga shots lalo na't tantyahan lang. 
Kadalasan pa, blurred dahil sayaw ng sayaw ang mga pusa. Pero chicka lang.
Nakakuha pa 'ko ng video during Rum Tum Tugger's number. In fairness, maganda ang kinalabasan. Bitin nga lang. 
After the Rum Tum Tugger segment, naramdaman kong naiihi ako. Naku! Mahirap palang maihi sa oras ng palabas na matagal mo nang hinintay. 
I decided na tiisin ko na lang. Putek! I didn't want to miss a thing!
Dahil ihing ihi na 'ko, hindi na ko masyadong nagkikilos. Mahirap na, baka lalong ma-trigger. Kaya nanuod na lang kami ni 'be. 
Sa tuwing may magandang number na susunod, we would hold each other's hand. Sabay kaming na-e-excite.
Isang beses, during the Jellicle Ball, lumabas si Lea sa taas ng set. Sumisilip, parang gustong sumali sa sayawan. Hindi ko rin siya pinalampas.
Tapos isa pang huling kuha sa Jellicle Ball. 
Diba ang lapit namin sa stage? Hehehehehe!
Nang mag-intermission na, tumakbo na ko palabas. Sa baba kami nag-restroom dahil napaka-haba ng pila sa mga CR sa lobby. 
Awa ng Diyos, walang pila sa baba. 
We went back to the theater immediately. Gusto kong makapag-basa ng nabili naming souvenir program. 
10 minutes before the end of the intermission, pumasok si Old Deuteronomy sa stage. Naupo sa tire n'ya at tumingin sa kawalan. Hindi gumagalaw, unless mangangati ang ilong. 
All of a sudden, may mga pusang naglalakad na with the audience. Sa mga aisles, at upuan. Nagsimulang magkaroon ng commotion ang mga tao. Nagsisitayuan para makakuha ng mga pictures!
Putek! Hindi lang pala ako ang nakapag-puslit sa loob. 
Isa pa, garapalan na ang pagkuha ng mga pictures! Lalaban ako!
In character pa rin ang mga pusa. Ung iba, gumagapang sa carpet. Ung iba, inaamoy ang mga audience na malapit sa kanila. Si Demeter, nakikipaglaro sa isang dalaga sa Orchestra left. Si Bombalurin naman nasa may likuran lang namin. 
Nagulat na lang kami nang biglang humakbang si Bomba sa armrest ni 'be. Pagka-hakbang n'ya sa kaharap namin na row, tinawag ko siya: "Bombalurina!"
Lumingon siya. Nagulat siguro dahil mayroong nakakakilala sa kanya. Tiningnan n'ya 'ko na parang nag-hihinala. 
"Can I touch your hair?"
Hindi muna siya gumalaw. Tapos, dahan dahan siyang yumuko. Hinawakan ko ang buhok n'ya. Taray! Naka-spray net!
Ang hindi n'ya alam, habang hinihipo ng kaliwang kamay ko ang ulo n'ya, kinakapa naman ng kanang kamay ko ang nakatagong camera sa bulsa ko. Pagkakuha ko ng camera, itinapat ko sa  kanya. Siniguradong may flash dahil naka-dim ang house lights ng Abelardo.
CLICK-FLASH!
Nagulat siya, kitang kita naman sa mata. Pero sorry talaga…dahil garapalan na. Besides, si Bombalurina kaya 'to! Isa ito sa mga paborito naming characters!
Kaya naman nang mag-start ang Act 2, hindi na ko masyadong nag-take ng mga pictures. Nakabantay na rin ang mga ushers at alam kong isa ako sa mga maiinit sa mga mata nila. 
But I still took pictures during the Journey to the Heavyside Layer. Sayang, kasi ang ganda ng hydrolics, ang ganda ng ilaw. 
I tried taking one without a flash. Medyo grainy. 
And then I took another one. This one, with a flash. Nang makita ko ang final shot…I decided to stop taking pictures na. I got the best shot that night.
Ang sumunod na kinunan ko ay ang freeze ng mga characters immediately after the curtain call. In fairness, maganda rin ang kinalabasan. 
Lumabas kaming masaya ni 'be. Kinita namin sina Gem. Piktyuran na ulit!
 
Me

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Hay ang saya saya.
 
Ang sarap mabuhay.
 
Kelan kaya ang susunod?
 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : cats musicalcats now and forevercats-manilajellice picturesjelliclejellicle catsjellicle photosjellicleblogkapusaslifescooprandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426