close
no thumb

Ginawa ang banyo namin. Sabi nung gumagawa, magdi-drill daw siya kapag ikakabit na ang lavatory. Sinabi kong matagal na akong naghihintay ng marunong at maayos mag-drill ng mga dingding namin. Marami akong gustong ipakabit sa kuwarto na hindi ko maikabit. 

Isa na dito ang bookshelf na nakita ko sa Market! Market! na matagal ko nang gustong bilhin pero magiging kalat lang sa bahay kung hindi ko maikakabit agad. 
Ilang buwan ko ring binalik balikan ang bookshelf na 'to. Lagi kong tsine-check kung nandun pa rin. Php 798.00. Keri na!
Kaya naman nung Biernes ng umaga, bago pa ko pumasok, dali dali akong dumaan ng Market! Market! Binili ang bookshelf. Php 798.00 pa rin. Pero nang babayaran ko na, naka-mark down pa pala! Php 598.00 na lang! 
Ipinakabit ko na agad pagkauwi kinagabihan. 
Eto na siya. 
Kung function rin lang ang pag-uusapan, bagsak siya. Oo…babagsak siya. Wall Shelf ang pangalan n'ya, kaya pam-pigurin lang. Pero ako, sa dami na ng mga libro ko, may mga libro na akong nakapatong na sa kama at mga damit ko, it wouldn't hurt kung gamitin ko 'tong lalagyan ng kahit konting libro para naman mabawasan ang kalat. 
Un nga lang, hindi siya pwedeng lagyan ng mabibigat na bagay. Baka mahulog sa mesa. Perhuwisyo pa.
Form-wise, bongga siya. Gusto ko siya. 
Diba?

Read and post comments | Send to a friend

Tags : lifescooprandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426