close
no thumb

Una ko siyang nakausap sa telepono. Slang na slang. Hindi ko malaman kung ako ang hindi marunong maka-intindi ng kun-todong American accent, o sadyang baklang bakla lang siya. 

Binigyan n'ya ko ng instructions nun, sa telepono. Wala akong naisulat. Ang naintindihan ko lang, sa susunod na linggo ang demo ko sa PeopleSupport. Hanapin ko raw siya. Si Josef Bertumen.
Hindi man gumana ang active listening ko, um-oo na lang ako ng um-oo. Deadma na. Mahirap magtanong ng magtanong. Baka akalaing mahina akong umintindi ng accent. Baka ito pa ang ika-bagsak ko. 
Kahit baklang bakla ang boses n'ya, tunog gwapo naman. Bigla akong na-insecure. Hindi ako kumain ng mga sumunod na araw para naman payat ako at maayos kapag humarap ako sa Josef na 'to. 
Una ko siyang nakita sa lobby ng PeopleSupport. Naka-brown na suede na jacket, matched with a plain black shirt with dark brown corduroy pants. Pero ang hindi ko makakalimutan ay cap n'ya nun. Hindi ko alam ang tawag dun, pero sa cap pa lang, nagmumura na!
Nakangiti siyang lumapit sa akin. Parang tuwang tuwang nakita ako. Nalaman ko na lang sa mga sumunod na buwan na ganun talaga siya lagi. Parang masayang makakita ng ibang tao, lalo na't naka-gaanan n'ya ng loob. 
Nawala ang kaba ko. Sa ngiti nya ay alam ko nang magiging maganda ang Demo ko. Unang kita ko pa lang sa kanya'y alam kong makakapasa ako. 
Naging boss ko siya ng halos dalawang taon. Hindi ako nagsisi. Wala akong naging reklamo. Mahal siya ng lahat, lalo na ng team n'ya. Mother ang itinawag namin kayJosef. Kami ang mga anak n'ya. Pati ako. Kahit malaki ang tanda ko sa kanya. 
Hindi man nabiyayaan ng ganda tulad ko….na-compensate naman ito ng walang kasing kinis na kutis – sa katawan lang naman. 
Nakilala ko si Josef sa loob ng dalawang taon na yun. Halos lahat sa buhay n'ya. Malakas siyang tumawa. Kahit ang tawa ko 'e napapahiya. Masama siyang magalit, pero masaya naman siyang malasing! Maraming kuwento kinabukasan sa tuwing nalasing siya nang nagdaang gabi. 
Higit sa lahat, marami akong natutunan sa kanya. Sa kanya ko nakita ang katotohanang hindi lahat ng mga bosses ay mga anak ni Satanas. Sa kanya ko nakita ang pag-asa ng karera ko sa industriya. Siya ang nagpakita sa akin ng posibilidad na maari kang maging kapatid ng mga tao mo. 
Siya rin ang nagturo sa aking may dahilan kung bakit nagkakaloko-loko ang mga bagay bagay. Bawat bad news ay maaring maging good news kapag siya ang kasama mo. Walang patapon. Lahat ay oportunidad. Lahat ay pagkakataon.
Sabi nila, masusukat mo raw ang galing at talino ng pinuno sa klase ng mga bunga n'ya. Si Josef? hindi man kagandahan tulad namin ni Domeng, ay nakapag-palago ng maraming tao. Matapos ang dalawang taon ay umalis ako sa puder n'ya, para humawak ng sarili kong grupo. Ngayon, karamihan sa mga kapatid ko'y mga manager na rin at Senior Leads. Patunay na napakaraming turo ang naibigay sa amin ni Josef. 
Ngayon, nasa India na siya. Hanggang ngayon ay naiingit pa rin ako sa kung sinu-sino mang mga hawak n'ya ngayon. Alam kong natututo sila. Natututo ng maraming marami. Tumatawa sa tuwing nagbibiro siya, at nakikinig sa tuwing nagtuturo si bakla.
Birthday n'ya ngayon. Gusto ko siyang tawagan, pero wag na. Mahal. Alam kong he'll make the most of his day today. Miss man n'ya kami, at ang pamilya n'ya sa Lemery (este Lucena), tinitiis pa rin n'ya ang pagkakalayo sa amin para matupad ang mga plano n'ya. 
Love you Mother! Happy Birthday! 
Dito lang kami. Pinag-uusapan ka. Sinisiraan ka….
P.S. Charing lang!

Read and post comments | Send to a friend

Tags : josef bertumenlifescooprandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426