close
no thumb

3am na ko nakatulog kanina. Nagbasa ako, nanuod ng QAF, at nanuod pa ng DVD. OK lang sana kasi Sunday naman ngayon, at 3pm pa ang show. 
Pero 6am, tumawag si Joy. Ngayon din ang araw ng kasal n'ya. 3pm din. Decided na 'kong mag-pass dahil may tickets na kami nina 'be sa Legally Blonde. 
Naalipungatan ako sa boses ni Joy. Umiiyak. Nakikiusap na sana makapunta daw kami today. 
Malayo ang bahay nila. Sa Sta. Rosa. Walang magdadala ng sasakyan, kaya walang paraan sina nanay na makapunta. 
I need to see Nikki Gil today. Pero nakunsensiya naman ako kung hindi man lang makapunta sa kasal sina nanay. 
Tumawag ako kay Joy ng 7am. Pupunta sina nanay. Ihahatid ko ng Sta. Rosa, pero I have to run din agad. I had a 3pm show to catch. 
To make the loooong travel story short, hinatid ko sina nanay sa Sta Rosa, at pagkatapos kumain ng ilang subong pansit kumaripas na ng takbo pabalik ng Maynila. Sa Meralco Theater and venue ng Atlantis ngayon. Ortigas. Malayong malayo kung sa Sta. Rosa ka pa galing. 
Isa pa, nasa biyahe na rin si 'be. Sa Robinsons Galleria kami magkikita. Mahirap nang mahuli, baka magka-away pa kami pagpasok ng theater. 
1pm pa lang…puyat na ko, paubos pa ang gasolina kong ka–pu-full tank ko pa lang nung Mierkules. 
Pero OK lang. Minsan lang akong makapanuod ng mga ganitong palabas. Nuon kase, wala na sa plano naming panuorin ni 'be ang Legally Blonde ng Atlantis. Bakit? ay sawang sawa na nga kami ni Daniel at Tin dito. Pati na rin si 'be. 
Pero nagyaya si Tin. Sayang naman daw. Kaya ayun…sige lang. Sinigurado ko lang na sulit ang bayad namin, at ang pinakamagandang upuan ang makuha namin. 
Pero in just 35 minutes, nasa Ortigas na 'ko. Kung anung iniapak kong bilis sa gas kanina…ay hindi ko alam. 1:45pm magkasama na kami ni 'be.
Alas tres na, hindi pa nagsisimula ang palabas. Alas tres na, nakatayo pa rin kami sa lobby ng Meralco. Mukhang kinumpleto ni Nikki ang buong show ng ASAP at na-late siya. Pagod na 'ko, inaantok pa. 
Pagpasok namin ng 3:25pm, eto ang bumulaga sa amin.
Meron silang pink luminescent frame! Medyo tumaas ang energy ko. Mukhang magpapakitang gilas si Arespacochaga (Director) today ah! 
3:35pm na sila nagsimula. Pinilit naming ma-excite ni 'be. Sa dami kase ng mga kwento sa opisina, hindi na ko masyadong nag-expect. 
But it was an event. Hindi perfect, hindi rin madumi. Nikki Gil was amazing. I had my doubts before. I don't know her as a singer, nor a dancer. But she proved me wrong. She can sing, and by God she can do it well! Jet Pangan was just perfect for Professor Callahan. His youthful attack on the character gave a new perspective on law studies and camp. Taas kamay din ako kay Cris Villonco as Vivienne Kensington. Her voice and projection as the ultra-bitch-new-girlfriend-of-the-ex, lived up to my expectations. And mind you, she can belt! Geneva Cruz as Brooke Windham was soooo energetic, sa tingin ko tinodo n'ya dahil nasa audience si KC Montero kanina. 
Ayoko lang kay Nyoy Volante. Hanggang ngayon, sa tinagal tagal na nagpalabas sila, hindi pa rin n'ya kayang ilabas ang energy na dapat ay kay Emmett Forrest. Kahit matagal ko na siyang crush, hindi ko siya gusto dito. 
Gustuhin ko mang magsulat pa ng mas malalim na review, huli na. Last show na nila today, next stop – Singapore. Kaya kwento na lang. 
Kahit pinilit kong disiplinahin ang sarili kong wag magkuha ng pictures, nagkuha pa rin ako. The set was so unique, it was already enough to suprise us. 
Hindi revolving stage or automatic hydrolic sets ang ginamit nila. De-gulong pa rin. Pero since nasa Pilipinas tayo…OK lang. But the entire set was filled with big books! Pink ang lavander bibliographies na ginamit nila all throughout the show. Minsan upuan, minsan mesa, kabinet, at pinto. Pag binuksan naman ang ibang libro, nagiging backdrop ang drawing nito sa loob. Inventive diba?
Eto pa. 
Pasensya na sa resolution saka focus…camera lang ng telepono ko yan. Isa pa, dahil pasimple lang ang pagkuha ko, nakapatong lang sa baba ko ung cell, kaya hindi ko kita ang buong frame. 
Pero promise, four rows away lang kami from the stage. Gitnang gitna pa. 
Sulit ang bayad, dahil we got the best seats in the house. Nasa harapan pa namin si Kuh Ledesma saka si Isabel. Nakita rin namin si KC Montero saka si Iya Pelayo. Pero kahit anung gawing kong paghahanap, hindi ko makita si Drew. :( 
Umuwi kami ni 'be na naglakad sa ambon mula Meralco hanggang Robinson's dahil dun nga ko naka-park. Pero keri lang. 
Masaya naman kaming umuwi. 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : legally blondelegally blonde-the musicallifescooprandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426