close
no thumb

Boss 3 treated me for dinner today. Matagal na n'yang plano 'to. A week after my birthday pa. Pero dahil sa dami ng trabaho at commitments namin lately sa opisina at ako sa school pati, na-move ng na-move. 

Pero OK lang sa akin. Ang totoo, ayoko. Nahihiya ako kay Boss 3. Kahit papano, boss ko pa rin siya. Isa pa, hindi ako sanay ng nililibre. Lalo na pag bonggahang libre. Knowing Boss 3, hindi kami sa KFC lang kakain. 
Dapat kasama si Bridge at Joel. Pero si Bridge, nag-inarte. May meeting daw siya. Kung ganung katagal, e matagal na matagal daw. Tseh!
Si Joel naman, nag-missing in action. Hindi namin matawagan. 
Kaya naman kami ni Leo at Boss 3 lang ang natuloy. Keri lang. Mas mapaparami ang kain namin. 
Dinaanan namin si Leo sa office n'ya. Pagpasok n'ya sa sasakyan, naka-leather jacket siya na super fit! 
"Leo, kamusta na?!" tanong ko. "Ang ganda ng jacket mo!"
"Oo nga e. Babalikan ko mamaya motorsiklo ko dyan sa likod."
Dapat sa Mesa kami. Pero naka-reserve na lahat ng upuan. Nagpunta rin kami sa isa pang restaurant sa GB 5 pero outside tables na lang ang available. 
Kaya sa Ebun kami nagpunta. Dun naman talaga ang original na plano ni Boss 3. 
"O Orly, ikaw na ang um-order," utos ni Boss 3. 
"Kayo? Anu bang gusto n'yo?" tanong ko. 
"Ikaw na bahala," sabi ni Leo. 
"Tanga! Hindi ko alam kung anung gusto n'yong kainin!"
"Gaga! Birthday dinner mo 'to. Ikaw ang masusunod!" sabi ni Boss 3. "Wala kaming arte sa pagkain. Lahat kinakain namin."
Parang napaluha naman ako. Sa totoo lang, ako ang sanay manlibre. Ako ang sanay mang-asikaso. Sa buhay kong ito, si 'be lang at si nanay ang sanay akong nag-aasikaso sa akin. Hindi ako kumportableng binibigay sa akin lahat ng pag-papahalaga lalo na ng ibang tao bukod kina nanay at 'be. 
"Dalian mo, gutom na kami," sabi ni Leo habang nagtetext sa pinaghihinalaan naming karir n'ya. 
"Pic-pak muna tayo. Dalian mo na sa pag-order. 
After I placed our orders, ayun, nag-pa-pic-pak na kami. Hindi ako masyadong nakapag-ayos dahil medyo haggard ako today. Nagpabalik balik ako sa RCBC dahil akala ko may mumps ako. Only to find out, muscle strain lang pala. 
Si Boss 3, hanggang gabi, tuluyan pa ring hinahanap ang tamang anggulo n'ya. Awa ng Diyos, nahanap naman. 
In furness, ang haba ng leeg ng lola mo dito. 
"Gusto kong ipa-alter 'tong shirt ko na 'to," bulong ni Boss 3. "Ang laki kasi."
"Bakla, hindi malaki. Tama lang sa katawan mo yan…malaki ka rin kase," sumbat ni Leo.
"Gaga! Malake ang damit! Mas marunong ka pa sa akin."
"Baka ang gusto n'ya," sabi ko kay Leo, "ung makukuha n'yang extrang tela sa pagpapa-alter e gagawin n'yang mini-skirt!"
"Hahahaha! Kurek!" sabi ni Leo with matching cover ng mouth. "Para isang derecho na lang!"
"Mga puke n'yo! Zara 'to! Magpa-pic pak na nga lang tayo!"
Eto pa.
Dumating ang food. Sinigang na Bangus sa Miso
Beef Stroganoff and Tinapa Rice
At ang classic na Seafood Kare-kare.
Kumain kami, nagbilang ng mga foreigners at mga bading. In fairness, marami pa ring bakla sa Greenbelt. Of all ages and colors. Iba talaga ang halimuyak ng lugar na ito sa sang-kabaklaan. 
Naka-tatlong orders kami ng kanin. Pagkaubos namin ng pagkain, hindi kami makagalaw ni Boss 3 sa kabusugan. 
"Baka, pinag-uusapan na tayo sa kitchen," sabi ni Boss 3. "Siguro sinasabi ng mga nagluluto dun, 'tingnan mo 'ung mga baklang 'un, ang tataas ng boses, pero ang lalakas kumain.' "
" 'Oo nga, mga sikmurang construction,' " dugtong ko. 
Bumalik na rin kaming opisina matapos makapaglakad lakad ng konti. Nagplano kami ng iba pang pwede naming gawin balang araw. Isa na dito ang manuod ng DVD habang naka-gown. 
"Boss 3, salamat talaga ah," sabi ko habang pabalik kami sa kotse n'ya. "Hayaan mo't tatanawin kong malaking utang na loob 'to habang buhay."
"Gaga! Para sa birthday mo yan no! Susunod n'yan sa isang taon na!"

Read and post comments | Send to a friend

Tags : lifescooprandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

1 Comment

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426