close
no thumb

Tumakbo kaming MOA kahapon ng hapon. Manunuod daw ng Pyromusical Competition sa bayside ng mall. 

Dumating ako sa Pasay Rotonda ng alas-6. Grabe na ang trafik. Parang lahat ng sasakyan – bus, jip, taxi at trak e papuntang MOA para manuod ng mga ihahagis na apoy sa langit. 
Isang oras din akong gumapang paikot ikot bago ako nakakuha ng mapaparadahan. Kung minsan talaga, iba ang paa lang ang dala mo. Wala kang intindihin.
Pagdating namin, medyo napabagal pa. Me rayuma si nanay pero siya ang nangungunang makapasok. Kahit pipilay pilay, siya ang nagsabi sa amin kung saan ang pasukan. 
At least na-confirm ko na kung kanino ako nagmana ng pagkalakwatsera. 
Kung maraming sasakyan sa kalsada, mas maraming tao sa MOA. Dinaig pa nito ang dami ng tao nung mismong nag-Grand Opening sila.
Buti na lang, nasa VIP kami. Hindi ganung karami ang area namin. 
Kung pagmamasdan mong mabuti ang nasa likod ng mga steel bars na 'to, yan ang VIP area. nasa gitna mismo yan ng stage kung saan nandun ang mga speakers para sa sounds during the show. Ung malawak na grounds sa likod 'nung lalaking nakaputi, yan ang ground ng mga VIP. Parang walang tao. Pwede kang magta-ta-tambling at gumawa ng sarili mong production number. Piling pili lang ang pwede sa VIP. 
Napaisip tuloy ako, talaga bang konti lang ang mga importanteng tao sa mundo? Hindi ba't NAPAKA-importante naman nating lahat? 
Masakit na ang mga paa ni nanay kaya naman inalalayan kami ng isa sa mga ushers na makakuha ng mga upuan. Ipinuwesto pa kami sa gitna ng grounds dahil dun daw ang magandang pwestuhan. 
Alas-7 ang nakalagay sa programme. Alas-7 y medya na, wala pa ring nag-aapoy sa dagat. Hindi naman brownout. 
Malaysia (Truly Asia) at Singapore (What For?) ang naka-schedule na maglaban kagabi. Inip na si nanay, pati na rin ako. 
"Anu bang tagal yan?" bulong ni nanay sa sarili.
"Wag ka nang umarte, naka-upo ka na nga e." 
"Kasi seven sabi sa ticket e," sagot ni nanay habang ni-rereview ang ticket n'ya. 
Sumimangot ako. "Ticket yan e! Anu namang alam ng ticket."
8:45 na nagsimula ang show. Pati pala Malaysia (Truly Asia) at Singapore (What For?) e Filipino Time din!
When the host started with the countdown, parang naging sementeryo ang MOA. Tahimik lahat, hindi gumagalaw. Pati kami ni nanay tulala rin. Dahan dahang dumilim ang paligid. Pinatay pati mga main lights ng bayside park at kalsada. 
Pagkatapos nun, kadiliman.
And then fire…
Una, pa konti-konti ang mga sumasabog sa langit, parang kinuripot ng Pasay City Hall ang budget…
Hindi namin namamalayan, palaki ng palaki na pala ang mga sumasabog. Parang gusto kong mag-payong…
Thirty minutes ang kada bansa. Pabongga ng pabongga. Actually, first time kong makapanuod ng ganitong exhibition nang malapitan. Usually kasi, nasa malayo kami ni 'be kapag may daily exhibition ang MOA at Ayala tuwing pasko.
In fairness, keri naman. At one point nga, itong si Malaysia, pinatugtog ang It's All Coming Back ni Celine Dion. Ang korni na kung ngayon mo pakikinggan. Pero bumawi sila, since love song ang tugtog, nagpaputok sila ng mga puso sa langit. 
And then there was the finale…
Hindi lang mga pictures ang kinuha ko, kumuha rin ako ng videos. Kung bitin ka sa mga pictures ko, eto ang panuorin mo. 
Finale yan ng Malaysia (Truly Asia). Keri na diba?
Umuwi kami nina nanay na kasing bagal ng pagdating namin sa MOA kanina. Masakit man ang paa, busog naman ang mata. 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : fireworkslifescoopmall of asiapyromusical competitionrandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426