close
no thumb

Me!

Hindi na ko magpapatumpik-tumpik pa. Eto ang mga pictures!
Here I was while waiting for the actual awardings. In fairness, may sariling program ang awarding ceremonies. Totally separated from the actual convention that was conducted earlier.

Magkatabi kami ni Martina. Nandun din si Dexter Demoral. Miss na namin siya. 
Nagsimula ang program mga bandang 4:15. In fairness talaga, the organizers were very serious about it. Katulad ng ibang mga formal events, merong mga opening remarks, insiprational talks, messages, etc. 
Eto si Jon Kaplan, President/CEO ng Teledevelopment. It was his organization who came up with the idea of recognizing exceptional contributions to the BPO training industry. 
Ito naman si Oscar Sanez. President/CEO of BPA/P (Business Process Association of the Philippines). 
Tapos, ito naman si Bambi. Hindi ung Arambulo. Basta Bambi lang ang tawag namin sa kanya ni Marti. Siya ang Chairperson ng Awards Committee this year. Siya ang nagpresent ng criteria for judging. Ang haba ng binasa n'ya, kami ang napagod sa kanya. 
Beauty siya diba? Kaya naman itong si Koya ang gaganda ng kuha sa kanya e! Tsk tsk tsk!
Medyo mahaba ang mga messages. Inip na kami ng mga finalists. Ngayon ko lang naranasang mainip talaga. Ung inip na inip! Di bale nang maghintay sa wala, kesa dito. Aba siempre, award 'to e! At nagbihis pa ko kahit masakit na paa ko. 
Tinamaan ako ng ADHD sa gitna ng program. Kahit pilit kong pinapa-pormal ang sarili ko, hindi ko napigilan ang pagka-jologs ko. Dumaldal ako, kay Marti at Dexter na kasama ko sa table.
Nang umakyat na ang magbabasa ng mga finalists at winner for the BPO Training Manager Excellence Award, kumabog na ang dibdib ko. May sinabi na sa akin si Elaine nung umaga, but anything can happen. 
Isa isa kaming pinatayo pagkatawag ng pangalan. Nagulat ako. Out of the nominees from the different participating BPO companies, tatlo lang kami. I immediately felt honored. Minsanan lang 'to sa buhay ng bakla!
Ipinakita ang mga pictures namin. Lalaki ang mga kalaban ko. Ako lang ata ang badet. Nung nakumpleto ang mga pictures namin, napansin kong ako ang pinakamaputi ang mukha! Napahiya naman ako. Sana hindi ko masyadong pinaputi kay Dennard…
"And the BPO Training Manager Excellence Award is," drrrrrrrrrummmmmrollllll. "ORLANDO AGAWIN from Aegis PeopleSupport!"
Orlando talaga!
Nanlambot ako. Hindi ko alam kung dahil sa ako ang napili, o Orlando at hindi Orly ang tinawag sa akin. 
Humarap ako kay Marti. Kelangan kong me mayakap. Tama si Elaine. Dapat talagang pumunta ako. 
And the rest that came after was a blur. Good that Koya was taking pictures. Kung hindi, wala akong memory ng mga sumunod na nangyari. 
Binasa nila ang mga accomplishments ko. Nung una, nakinig ako. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang mga 'un. Madalas kasi, nga-nga lang ako sa opisina. 
Pero tama si Josef nuong nasa ULP pa 'ko. "Pag nasa opisina ka," sabi n'ya minsan sa akin, "wala kang nagagawa. Dapat lumalabas ka. Pag lumabas ka, alam kong may mai-di-deliver ka,"
Iniabot sa akin ang trophy. Made of crystal glass. Ambigat! Parang tatlong kilo ata. Chineck ko kung Orly ang nakalagay. 
Tsk, tsk, tsk…Orlando pa rin! Pero di na 'ko nagreklamo. Minsanan lang 'tong award na 'to no?! Wag na 'kong umarte!
Kinausap ko ung mga katabi ko. Sabi ko, "ang sarap namang pakinggan yan."
"That's you!" sabi ni Bambi. 
Natawa ako. Oo nga naman.
After a very long reading of the justification, Jon asked me to go to the lectern and say something. 
It took me a while before I was able to compose myself. Mahirap pala talaga kapag hindi ka nakapaghanda ng acceptance speech. 
After a sigh, and a "woooohooo!" (honestly, ginawa ko talaga yun. Ung mala Ruffa Mae) I was able to gather my thoughts. 
At ito ang sinabi ko:
"Nora Aunor, Flor Contemplacion, Sister Elsa, Delia Maga, Lady Gaga, Madonna, I have been called by many names, but not by this!

Natawa sila in fairness. Pati ung presenter ko nalerki din. Huling huli sa camera.

"There was a time, after I graduated from the Philippine Normal University where I took Education, someone told me that I will never get rich by just being a teacher. This award proves otherwise. If we only make it a point to develop and continue our passion in Education, Training and Development and see the results by bringing more Filipinos to the world of work, we earn respect and honor, that even even the rich cannot buy.

"Thank you so much! It's not a gloomy day after all! And to God be the Glory!"


Kung nakapaghanda ako ng speech, sana napasalamatan ko ang mga taong tumulong sa akin. 
Susulat ako ng note sa FB. I-ta-tag ko silang lahat. Kulang ang speech alam ko. Dapat inisa-isa ko lahat ng mga taong tumulong sa akin. 
Pagbaba ko, dumerecho ako kina Boss 2. Nasa bandang likod sila. Malayo na, dun sa mga bakanteng mesa sa likod. Tumayo siya, niyakap ako. Ambango niya in fairness. 
Kinilig ako…pero konti lang. 
Pagkatapos, hinila pa n'ya ko sa labas. Akala ko hihilahin ako sa CR at pagsasamantalahan. Na-excite naman ako. Handa ko na sanang ipamigay ung trophy sa bellboy na nakatayo sa pintuan ng hall, dahil si Boss 3 pa lang, daig pa ang Grand Prize!
Un pala magpapakuha lang kami sa photobooth. Nagsuot siya ng shades at inabutan ako ng hot pink na payong. 
"I need to take a picture with you. Something that I can bring back to India, so I can be proud." 
Na-flatter naman ako.
"Show your trophy! We need to see this!" umandar na naman ang pagka-businessman ni Boss 2.
After the picture was printed, he asked me to sign it for him. 
Hay nako Boss 2. Minsan talaga, love kita!
Lima ang awards that afternoon. Of the five categories, Aegis PeopleSupport was a finalist in four of them (Trainer Excellence, Business Training Innovation, Dedication to Training, and Training Manager Excellence). Isa man ang nai-uwi lang namin, bongga naman ang branding ng APS!
After the program, tinawag ulit kaming mga awardees. Picture-picture daw. Gow naman ako. Sinenyasan ko rin si Koya para makakuha din siya for our documentation. 
"Yes ma'am," sabi ni Koya. 
Bumaba kami kasi may isang Citation Awardee na nagdala ng motorsiklo sa loob ng Shang. 
Kidding aside, disabled siya. And his initiative in training was to provide additional support to People Living With Disabilities. Dun siya nabigyan ng Citation Award. 
Baba naman agad kaming mga bakla. Photo ops e!
Picture ulit!

Madaming lumapit sa amin. Nag-congratulate. Medyo na-high ako. Ganito pala ang feeling. Totoong may Cloud 9. 
Pag-uwi. Papicture ulit kami nina Ms.Moi sa photobooth. Libre e. Tinodo na namin. 
Gustuhin ko mang umuwi agad, para maipakita kay nanay ang award ko, kelangang bumalik akong opisina para makapag-upload ng mga PA. Mahirap na, baka ako naman ang ma-award nina Bridge Burgos!
Salamat talaga sa mga sumuporta. Walang halong showbiz. Sabi nga ni Kris, "ibang level ang saya dito!" 
Iniuwi ko ang trophy ko. Inilagay, katabi ng iba mga plaques sa taas ng TV ko. 
Ngayon, tuwing umaga, gumigising ako at nakikita ko siya na tinatamaan ng araw, at may rainbow effect na isinisilaw sa dingding ng kwarto ko. 
Rainbow – hope. May pag-asa pa talaga! 
Sa tingin ko'y un ang nais sabihin ng bagong biyayang ibinigay sa akin ng Diyos. 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : bte awardsbte training manager excellence awardconfessionslifescooprandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

1 Comment

  1. infairness frend ikaw naman,,,,,,,,,,, nag long dsitance pa ako syo just to inform u na mag sout ka ng feathers sa .leeg hahahaha at hikaw na kasing laki ng plaka!!

    Pero congrats u really deserve kung ano man meron kang tinatamasa sa buhay mo lab yah

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426