close
no thumb

Natapos ko na ang The Lightning Thief by Rick Riordan. Maganda. Parang HP, pero iba pa rin ang ginawa ni Rowling. Isang linggo kong hinanap ang Book 2 (Sea of Monsters). Wala. Ubusan sa lahat ng bookstores. Mukhang hindi lang ako ang nahu-hook ngayon. 

Kinausap ko ng masinsinan si Sandra, sinabi kong kung may dumating, tawagan ako agad. Kahit hardbound, kukunin ko. Gusto kong masubaybayan, 'ka ko. 
Last Friday, tumawag siya. Meron na raw, pero may catch….nakinig ako. Un lang daw. Ung gusto ko, baka matagalan pa. 
Nag-isip ako…medyo natagalan akong magpasya….dalawang oras. "Sige," sabi ko Sandra nang mag-return call ako, "tutal pupunta akong STI mamayang hapon d'yan sa Global, daan na ko sa store n'yo."
Pagdating ko ng store, ipinakita n'ya sa akin ang catch.
"Bookset lang ang meron kami Orls. Ung mga isa-isang installments hindi pa namin alam kung kelan. So far, ung last book lang ang meron kami dito"
Php 690 ang isang libro kapag binili mo ng tingi. Itong bookset, Php 3,599. 
Bigla akong naging expert sa Math. "Madam, kung 3,599 pesos ang bookset, ibig sabihin nun 719 pesos ang isa," sabi ko kay Sandra with matching taas ng kilay. "Para yatang mas napamahal ako!"
"Ay hindi ko alam," sabi ni Dhang. "Un kasi ang naka-tag e."
"Kasi kung ganun, e isa-isa na lang ang bibilhin ko. Mas makakamura pa ko sa 690 isa."
Nag-gawa ng sariling calculations si Sandra, "oo nga noh!"
Nalungkot akong bigla. "Sige wag na lang," sabi ko. "Tapusin ko na muna ung kay Gladwell."
"Oo nga, lugi ka." Yan ang gusto ko kay Sandra. 
Pero hindi ako nakatiis. Maganda daw ang series. Highly recommended kahit sa Wikipedia at saka ni Q. I have to read it daw. 
"E kung bibigyan mo 'kong discount, kukunin ko."
"Tingnan natin," sagot ni Dhang. "Tatawag lang ako sa office."
Habang nakikipagusap si Dhang sa telepono, tiningnan ko ang bookset. Maganda. Babagay sa collections ko ng mga series. Pwede pa sigurong itabi sa HP shelf ko kung talagang magugustuhan ko. Sayang naman kung hindi ko pa makukuha, especially ngayong ubusan kahit saan. Sa bakasyon, mababasa din ito ni 'be. Matutuwa siya for sure. 
Pagbalik ni Sandra, nakangiti ang puta. "Keri daw! 10%!"
"Coberan mo na! Ung mahigpit, ayoko ng mga may nakausling plastic cover ah!" utos ko. 
"JOEL! Cover daw!!!" sigaw ni Sandra na alam kong natuwa din kasi napa-oo n'ya 'ko.
Nakuha ko ang buong set ng Php 3,239 na kapag hinati sa lima (5 books), ay Php 647.82 lang. Nakamura ako ng Php 42.18 kada libro. Kering keri na. Mantakin mo? May baul pa!
Ayun, nakuha ko rin.
Eto ang package n'ya, limang libro. Kumpleto, puro hardbound. 
Ayan, sinimulan ko nang basahin ang  Sea of Monsters. Maganda pa rin siya. Nakakatawa, echanting, at fast-paced, kahit medyo structured. Hindi nalalayo ang formula sa HP pero keri lang. Mapapatawad mo na si Riordan because of his humor and wit. 
Assured na akong hindi na 'ko maiinip kapag inaatake ako ng insomnia. May apat pa 'kong librong mababasa hanggang summer (kasi nga slow reader ako diba?)

Read and post comments | Send to a friend

Tags : a different bookstorebookslifescooppercy jackson and the olympiansrandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426