close
no thumb

Disclaimer: Ang entry na 'to ay para lang sa mga matatandang readers. Hindi pwede sa bata dahil hindi pa nila 'to maiintindihan. Maging ako man, ay hindi naintinhan ang mga naganap at narinig ko nuong madaling araw na yun. Patnubay ng nakatatanda ay kailangan. 


"Bakit ka pa tumawag?" tanong ng babae sa telepono n'ya. "Sinabi ko naman sa'yo na wag ka nang magpapakita sa akin pag nabalitaan kong may ginawa ka na naman."

Hindi na ulit siya kumibo. Tanging ang dalawang katabi kong mukhang mag-nobyo ang naririnig kong sumisipsip ng kanila mga Coke Zero at naghahalakhakan.

"Ilang beses mo na sinabi yan, hindi ka nagbago," bulong ng babae. "Pang-ilang beses na yan? Pang-apat? May narinig ka ba sa akin nung ikatlo mo? Wala. Pero ngayon, hindi ko na makakaya."

Kumagat ako ng bonggang bongga sa German Franks on Sandwich ko. Parang biglang lalong umasim ang mustard na inilagay ni Cherry.

"Putangina naman Paolo," bulong ng dalagang katabi ko, madiin ang pisil ng telepono sa pisngi. "Pati ba naman pamangkin mo? Eight years old pa lang yan! Anung ginawa mo? Ilang beses?"

Mabuti na lang, nakakapit ako sa upuan, dahil kung hindi, nalaglag na ko. Malakas pa rin ang tawanan ng dalawang mag-jowa sa tabihan ko. Wala man silang naririnig, pwes ako meron. 

Tiningnan ko ang hotdog on sandwich ko. Nakakalahati na 'ko. I have to take this slowly. Mahabahabang usapan at pakikinig 'to! sabi ko sa sarili ko. 

Binuksan ko ang The Last Olympian na dala-dala ko. Nasa mga huling chapters na 'ko, pero makakapaghintay naman 'to. Mas adventurous naman itong kwentong naririnig ko. 
***
Dumeretso ako ng Caltex sa kanto ng Merville bago ako umuwi nung Lunes ng gabi. Kailangan kong kumain kahit kaunti para makainom ako ng gamot. Nakakalimutan ko na namang uminom ng anti-biotic sa tamang oras. 
Pumarada ako sa harapan ng Star, pinatay ang makina, binuksan ang bag para kunin ang pitaka't librong malapit ko nang matapos. 
Pagpasok ko ng Star, naupo na ko sa mga high chairs na nakatapat sa salaming dingding. 
Nilingon ko ang cashier.
"Che, hotdog lang muna. Busog naman ako, kailangan ko lang uminom ng gamot."
"OK ser!" sagot ni Cherry. 
Binuksan ko ang last book ni Rick Riordan. Gustong gusto ko nang tapusin ang libro para mapahiram ko ung buong box set kay Nikki for the Holy Week. Gusto ko mang i-recommend kay 'be, may mga bagong biling libro din naman siya for the rest of his summer vacation. 
Sa kanan ko'y may nakaupong babae, naka-orage na blouse at nakatalikod sa akin. May kausap na lalaking matangkad at may katabaan. Nakakapit si babae kay lalake; parang ahas na unti-unting pumupulupot sa tyan ng nakaupong katabi. Si lalake naman, tuloy lang ang kwento; parang walang kamandagang nangyayari. 
Kaming tatlo lang ang customer noon. Magpa-pasado alas dose na rin kaya madalang na ang nagpapagasolina at kumakain. 
Dumating ang pagkain ko. Hindi na 'ko napila sa cashier dahil sanay na sina Cherry sa akin. Alam na nila ang lagi kong ino-order. Isa pa, regular na'ko. Sa mga panahong hindi ako makatulog at ginugutom sa madaling araw sa pagbabasa, sila ang takbuhan ko para makakuha ng pang-lamang tiyan. 
"Eto na ser," sabi ni Cherry sabay abot ng German Franks on Sandwich at isang bote ng mineral water. "Uy, ambilis n'yo namang magbasa," dugtong ni Cherry nang mapansing manipis na lang ang natitira sa binabasa 'ko.
"Maganda e. Interesting," sagot ko habang inaabot ang bayad. 
Pagkabalik ni Che sa counter, sumubsob na agad ako sa libro. 
Bigla akong na-ADHD nang may isang babaeng pumasok. Nakaputing T-shirt at sweater, mahaba ang buhok at makinis ang mukha. Dumerecho agad siya sa helera ng mga ref sa gawing likuran ng tindahan at may kinuha. Matapos ay dumeretso siya sa counter ni Cherry at iniabot ang isang bote San Mig Light. 
Pagkabukas ni Cherry ng bote at pagka-abot sa kanya ng sukli, naglakad ang babae papunta sa area ko. May isa pang bakanteng upuan sa tabi ko at duon siya pumwesto. 
Dalaga pa panigurado ang babae. Pasensya na sa stereotyping, pero hindi mo iisiping me asawa't anak na ang katabi ko. Kung kinis ng mukha ang una kong napansin sa kanya nuong pumasok siya, sa malapita'y lalo kong nakita kung paano nago-glow ang mga pisngi n'ya. May katangusan din ang ilong, biliguan ang mga mata. At kahit dis-oras na gabi'y makintab pa rin ang tuwid na buhok. Maiikli ang mga kuko n'ya at mala-kandila ang mga daliri. GF-material kumbaga. Ayos!
Pero bigla kong itinigil ko ang paghangga sa kanya. Baka tuluyang maging lalake ako!
Pero bakit ganon? Tanong ko sa sarili ko. Hindi bagay sa kanyang mag-inom, much more, uminom ng mag-isa. Sa hinhin ng itsura n'ya, dapat sa kanya nag-bi-beauty rest na sa mga ganitong oras. 
Bumalik ako sa pagbabasa. Nasa bandang climax na 'ko ng libro pero hindi ako masyadong makapag-concentrate. Palakas nang palakas ang usapan ng dalawang kasama naming mag-jowa at pahigpit ng pahigpit ang yakap ni babae kay lalake.
"Would you belive, that his mom came into his room that night thinking he was asleep?" sigaw ni lalake.
"WAHAHAHAHA!" bulas ng tawa ni babae. 
"So when tita came into the room, she saw what Richard was watching! Tamang tama daw dun sa penetration! Close-up na close-up!"
Ay ang halay! isip ko with matching malinis na panyo na ipinahid ko sa dulo ng labi ko. Ang halay halay naman!

Nag-ring ang telepono ng dalaga sa kanan ko. Sa reflection ng salamin na nasa harapan namin, nakita kong uminom muna siya ng mga tatlong lagok ng San Mig bago tiningnan ang telepono. 
Dali dali nitong sinagot.
"Nasan ka?…Ilang araw ka nang hinahanap. Nasaan ka?…"
Ano daw?
"Saan sa Cavite? Saan d'yan?…Sinong Carlo?…Barkada?…wala naman akong kilalang Carlo ah!"
Parang papalayo na ng papalayo ang climax ni Percy Jackson sa akin. 
"Paolo naman, pati ba naman ako lolokohin mo. Hinahanap ka ngayon…tatlong araw kang hindi nagparamdam. Nakausap ko na nanay mo. Anu na naman ba yun? Totoo ba?"
Bakit siya puro tanong? Pano naman makakasagot ng tama si Paolo? Teka: sino si Paolo?
"So totoo?….Sumagot ka! Totoo?………."
Nawala na talaga ang interes ko kay Percy at sa mga kalaban n'yang Titans and monsters.
"Sinabi sa akin ng nanay mo. Hinahanap ka pati ng kapatid mo…galit na galit…wag ako ang tanungin mo, makipag-usap ka sa kanila ng maayos…….nasa ospital pa rin nandun since Friady pa…….sagutin mo kasi ako, TOTOO BA?…."
Panandaling hindi kumibo ang dalaga, nakatungo lang habang natatakpan ng buhok ang mukha at teleponong hawak n'ya sa pisngi.
"Putangina naman!"
Isinara ko na ang libro. 
"Putangina naman!" ulit n'ya.
Hindi siya nagsalita. Matagal. Habang hinihintay kong sumagot siya'y narinig ko ang mga hikbi na pawang pinipigil lumabas. 
"Putangina! Putangina!….Putangina!….ilang beses ko ba sinabi sa'yo tigilan mo na yan. Ikasisira mo yan. 'Tangina naman, hanggang ngayon ginagawa mo pa rin yan!…………..anung hindi mapigilan? E sakit na yan e!……….hindi ko alam kung bakit nakakapag-tiis ako sa'yo, sinabi sa akin ni Kuya Gari tigilan ka na, ako lang ang hindi nag-gi-give-up……hindi ko alam…….pumunta ka sa mga nanay mo, hinahanap ka……..si Ate Joan…………………………………………….wala akong pakialam, pumunta ka……….'di na kailangan, ayoko na talaga………ayoko na…………."
Bigla na naman tumawa ng malakas ang mag-jowa sa kabila, sabay naman ang pag-hagulgol ng dalaga sa tabihan ko. 
"………..ayoko na talaga, pagod na 'ko. Ako lang naka-intindi sa'yo nuon at saka nangako ka. Bata yun Paolo! Bata yun! Pamangkin mo pa….hayup ka!………wag na, ayoko na……..magsasabi na 'ko kay mama at Ate Sam, ang tagal ko ring tinago 'to, pero hindi na ngayon……..hindi ba usapan nating wag ka nang magpapakita o magpaparamdam pag nangyari ulit ito?……….tigilan mo 'ko…….bakit ka pa tumawag? Anung magagawa ng tawag mo? Sa pamilya mo ikaw lumapit! Nakakadiri ka!……..Sinabi ko naman sa'yo na wag ka nang magpapakita sa akin pag nabalitaan kong may ginawa ka na namang ganyan……Ilang beses mo na sinabi yan, hindi ka nagbago…adik ka talaga….pati ibang tao dinadamay mo sa ka-akikan mo…..Pang-ilang beses na yan? Pang-apat? May narinig ka ba sa akin nung ikatlo mo? Wala. Pero ngayon, hindi ko na makakaya………Putangina naman Paolo Pati ba naman pamangkin mo? 8 years old pa lang yun!……Anung ginawa mo?…..Ilang beses?…………..Wag mo 'kong ma-baby-baby……makonsensya ka! Mahiya ka!……."
Nang marinig ko ang kahulugan ng usapan, dinalian ko na ang pagkain ko ng hotdog. Inubos ko ang kalahati ng sandwich sa loob ng tatlong segundo lang. Hindi ko na kayang makinig pa. 
Kinuha ko ang gamit sa mesa at tumayo ng mabilis. Lumabas ako sa Star na hindi man lang nagpapa-alam kay Cherry. Sobra ang bigat ng loob ko. Mas mabigat pa yata sa tyan ko. 
Dumeretso ako ng kotse. Nagbukas ako ng radio para marinig ang boses ni Papa Jack. Nagpa-palpitate ako. Hindi ako concerned dun sa Paolo. Mas concerned ako sa dalagang nakaupo sa pahabang mesa sa Select. Pagkatapos kong mai-start ang makina, nakita kong ibinaba na n'ya ang telepono n'ya. Nagpahid ng luha at nag-ayos ng buhok. Hinalukipkip ang dalawang kamay sa pagitan ng kanyang mga hita at tumingin sa malayo. Parang bigla siyang nakuba, kumunot ang noo at umitim ang paligid ng bilugang mata. 
Nangagaral si Papa Jack ng mga oras na yun. Sinasabihan ang caller na gumawa ng isang kababalaghan kasama ang GF n'yang high school. Sabi ni Papa Jack, kung mahal n'ya ang GF n'ya ay dapat maghintay muna sila. Hindi daw dapat padalos dalos, unahin ang pag-aaral. 
Ang daling sabihin, at marahil madaling gawin. Napakasimple ng problema, kumpara sa problemang tumabi sa akin. 
Nilingon ko ang mag-jowa. Tuloy pa rin ang usapan at tawanan nila. Nakayakap na ng todo si babae at nakahawak na sa puwet n'ya si lalake. Mahalay, pero may mas mahalay pa pala doon. 
Tiningnan ko ang dalaga. Hindi nagbago ang posisyon n'ya. Nang mahulasan ako, gusto ko siyang lapitan. Gusto kong magpaka-Papa Jack o 'di kaya'y sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. 
Mahal ka pa rin n'ya. Kung hindi'y, hindi ikaw ang tatawagan n'ya. Kung hindi'y hindi siya magsasabi ng totoo. Kung hindi'y hindi siya hihingi ng tawad sa'yo. Masama nga ang ginawa n'ya, pero tanggapin mo ang katotohanang ikaw lang ang kaya n'yang malapitan ngayon. Alam n'yang magagalit ka pero tumawag pa rin siya dahil umaasa siyang ikaw lang ang makakaintindi sa kanya. 

Iwanan mo man siya'y hindi kita masisisi. Kampihan man man o ipagtanggol mo man siya ulit, wala na 'kong magagawa. 

Umalis ako sa Caltex Merville ng mabigat pa rin ang loob. Tinanaw ko ulit ang magandang dalagang nakaputing T-shirt at sweater sa loob ng Star na nakatungo at lumalagok ng isang bote ng San Mig Light. 
Kulang pa siguro ang isang bote. Dapat siguro'y isang case ang binili n'ya. 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : confessionslifescooppapa jackrandomtagalo blogs
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

1 Comment

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426