close
no thumb

Nung Sabado, nakita ko si Jason na pumasok sa kwarto ng mga nanay n'ya. Nakapulang t-shirt na naka-print ang mukha ng isang lalaking payat, malaki ang mata, nakangiti – na parang ibinibilad ang mga natitirang ngipin at ang magkabilang gilagid. 


Siempre, hindi nagsasalita ang litrato, pero bigla na lang akong napatawa. 

Todo.

"Gusto ko n'yan!" sabi ko kay Jason. 

"Sa Rob ko lang 'to nabili. Marami 'dun." sagot ng pinsan ko. "Meron pa nga Bella Flores e!"

"Gusto ko n'yan!"

"Cool diba kuya?" sabi ni Jason sabay pose na pa-cute.

Napatahimik ako. Oo, cool si Rene Requiestas, pero hindi mo isusuot ang t-shirt na may litrato n'ya para maging cool ka lang. 
Bata ako nang sumikat si Sir. Starzan at Pido Dida pa lang, alam kong malayo na ang mararating n'ya. Nagsisimula pa lang siya, siya na ang unang naglaglag kay Kris Aquino sa stage. Kapag humarap siya sa camera para kausapin ka, hindi ka mako-kornihan. Pagbalik ng mga echo n'ya sa Starzan, matatawa ka. 
Nang mamatay siya, alam kong nawalan ng isa na namang malaking haligi ng pelikulang Pinoy. 
Hindi lang cool si Rene. Malalim siya. Komedya man o seryosong genre, hindi matatawaran ang husay n'ya sa pag-arte. Nung panahon n'ya kinuha n'ya ang paghanga hindi lang ng masa…pati ng upper class. 
Pangit at tanga siya; kung gugustuhin n'ya. Pero gumagwapo at tumatalino siya kung hinihingi ng papel. 
Napanuod ko siya nuon. Sa Ohtello. Siya si Iago. Nagalit ako sa papel n'ya. Galit na galit! Hanggang ngayon, sa tuwing nakakakita ako ng mga taong inggit sa ibang umaangat, bumabalik sa akin ang ganap ni Sir Rene nuon ng nag-Iago siya. 
Nuong nag-aaral ako sa  UP sinabi sa amin ni Ogie na sa tuwing darating ang mga pagkakataon na magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari sa oras ng palabas, tandaan lang namin ang ginawa ni Rene. 
Nuong gumaganap siya ng Iago sa CCP isang hapon, ibinalita sa kanya ng stage manager (sa mismong kalagitnaan ng show) na namatay na ang kanyang ina. 
Hindi umalis si Rene sa papel n'ya. Tinuloy n'ya ang palabas. Tinuloy ang arte. Tanda ko pa nun nang tinanong siya ni Ate Ludz sa Eye to Eye kung may mga nakalimutan ba siyang mga linya sa pag-iisip kung papano na ngayong wala na ang ina. Hindi raw nangyari 'un. Ang sabi n'ya, "lalong gumanda ang arte ko. Nakakuha ako ng paghuhugutan. Umiiyak nga lang ako sa backstage kapag wala akong eksena."
Para sa akin, siya si Nora Aunor sa Komedya. Hindi man aral ang arte at atake, makikita mo ang disiplina at metodolohiya sa pag-ganap. 
Hindi lang cool si Sir Rene. Isa siyang kayamanan para sa mga manunuod na nakilala siya sa panahon niya. 
Nung Lunes, nilapitan ako ni mother Domeng. Panuorin ko raw ang isang eksena ni Sir sa pelikulang Salawahan (1981) ni Yshmael Bernal. Pangalawang pelikula lang ito ni Rene, pero nang mapanuod ko, tumawa ako at napa-palakpak. Hilaw pa ang artistang hinahangaan ko nuon, pero tama si Domeng, nakitaan na siya ni Bernal ng talino at galing sa pag-arte. 
Kelangang makabili ako ng t-shirt n'ya. 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : artculturelifescooprene requiestas
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426