close
no thumb

Eleksyon na naman! 

Dadami na naman ang mga sigawan at away sa Senado (actually nagsimula na). Ma-e-extend na rin ang running time ng The Buzz at Startalk, isama na natin ang SNB, sa dami ng mga siraan at labasan ng baho ng mga tatakbo. 

Sa March, magsisimula na ang walang humpay na bandalismo sa mga public places. Mula sa mga maglalakihang billboards, hanggang sa maliliit na banderitas makikita natin ang initial investments ng mga future businessmen that we will put on the pedestal to legalize their corruptions. 
Sa Mayo, ilalabas naman natin ang ating mga bolpen, magpapa-tina ng mga hintuturo at magtatatak ng mga hinlalaki para magamit ang karapatang ibinigay sa atin ng Konstitusyon. 
Ang mga isusulat, o gugurihan, natin sa balota, ang maaring magbago ng takbo ng pulitika sa bansa natin. Tayo ang magbibigay muli ng pag-asa hindi lang sa ating mga sarili kundi pati sa ating mga anak at mga sa darating pa. Actually ilang beses pa ba nating maririnig yang phrase na yan? Ilang beses pa?!
Bukod dito, ang karapatan natin sa paghalal ang nagpapatunay na tayo ay may-isip at tayo ang nasusunod. Wag lang mandaya si uli si Arroyo at ang mga katulad n'ya, makikita natin ang tunay na nais ng TAO.  
Sa mga panahong ganito may mga pamilyar na tanong: Handa na ka na ba? Sinong iboboto mo?
Umikot ako sa opisina, para magtanong tanong. Tumambay ako sa mga tindahan, karinderya, convenience stores, fastfood chains, and restaurants these past few weeks para makakuha ng mga sagot. 
Eto ang mga nakalap ko. 
"Si Villar, maraming naninira sa kanya e."
James 35, call center agent
"Si Binay sana. Kaso vice lang itatakbo n'ya. Sayang."
(E kung 'di si Binay, sino?)
"Si Binay pa rin."
Che che 27, tindera sa loading station
"Si Pinky. Si Pinky iboboto ko!"
(Sinong Pinky)
"Ung kapitana namin!"
Arnel 46, tanod sa baranggay 201
"Ladlad ov korz!"
(Bakla Party List 'un)
"Ay wala 'kong president. Kimber-kimberly na."
Samantha age unknown, parlorista
"Noynoy."
Don 24, call center agent
"Sa May na ba? Kala ko next year pa!"
Honey 23, tambay
"Si Aksyong Salonga!"
Bayani 63, retired tambay
"Hindi ako registered 'e. Walang time. Graveyard kasi."
Christine 19, call center agent
"Puta ka! Kelangang magdecide agad? Feb pa lang noh?!"
Sarsi 39, parlorista
"Hindi ako nakahabol sa registration. Sayang."
Jojo 29,  operations manager call center
"Si Gordon. Ay hindi, si ano…ung taga Administration? Si Gilbert ba 'un? Ung pilot?"
(si Teodoro? Gilbert Teodoro?)
"Un ba? Oo un! Kala ko Remulla."
Sheila 19, dispachadora
"Ay bahala na sila! Ayoko ng gulo!"
Tess 45, bank teller sa PNB
"Si Brother Eddie sana. Kaso nahuli na ko sa registration 'e."
Hazel 36, call center trainer
"Not registered."
Patricia 30, ex-call center employee
"Hindi ako registered. Si ano sana…si ano…sino nga ba 'un?"
(Si Villar? Teodoro?)
"Ay hindi ko alam. It doesn't matter anyway."
Christopher 27, law student
"I'm not registered. Sorry."
Sheryll 22, call center agent
"I'm not registered."
Lauren 21, call center agent
William 21, call center agent
Sandra 22, call center agent
Pam 23, call center agent
Joy 23, call center agent
Brian 24, call center trainee
Kenneth 25, call center agent
Mike 26, call center professional (daw)
Mark 28, call center agent
Johnny 35, call center trainer
Faith 37, call center agent
Handa na nga ba tayo? 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : electionslifescooppoliticsrandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

4 Comments

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426