close
no thumb

Karamihan sa atin, lumaki sa pamahiin. Lalo na kung sa probinsya tayo nagbinata't nagdalaga. 

Ang lola ko, halos lahat ipinagbabawal. Sabi daw kase. Sabi ng matatanda. Sabi ng naka-ugalian. 
Gusto ko sanang hanapin o kahit papano'y alamin kung sino ang mga 'un na nagsabi. Ano't pinauso ang mga bagay na ipinagbabawal. 
Marami nang mga Freethinkers ngayon. Hindi man ako kasing hard core ng iba, kahit papano'y gusto kong kumawala sa sistema ng pamahiin. 
Pero alam natin: maging ang mga magulang natin ay nagsitanda sa mga kasabihang matalinghaga. 
Gusto ko sanang isipin: anong pilosopiya ang meron sa likod ng mga pamahiin? Totoo ba ang mga swerte at kamalasan sa likod ng mga ito? O 'di kaya'y isa lang ito sa paraan ng matatanda para turuan ang sumusunod na henerasyon?
Pamahiin din ba ang mga panakot natin nuon sa mga bata na lumalabas ang pari at kalabaw sa mga hindi ginamot na sugat? 
Tingnan natin. Iisa isahin ko ang mga natatandaan kong pamahiin. Pipilitin kong bigyan ng isang paliwanag na mas lohikal kesa sa kinamulatang turo ng mga lola't magulang.
Pamahiin No. 1
BAWAL NA DURAAN ANG APOY NA BIGLANG NA LAMANG LUMIYAB DAHIL ITO AY MAGDADALA NG KAMALASAN.
Tanga ka?! Bakit mo duduraan ang apoy? May mga fire extinguishers na ngayon. Kung wala naman, me mga tabo o kahit mga spill-proof mugs na pwede mong ipang-salok ng tubig para patayin 'to. Bakit mo duduraan?! Hello?!

Pamahiin No. 2
MASAMANG HAKBANGAN ANG SINO MANG NATUTULOG DAHIL MAPIPIGIL ANG PAG-DEVELOP NG KANILANG KATAWAN.

Natural! Bakit mo hahakbangan ang taong natutulog? E kung magising?! Kung ako ang natutulog at hinakbangan mo 'ko't nagising ako, ikaw ang magde-develop ng blackeye! 

Pamahiin No. 3
MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL NG MGA MATATANDA ANG PAGTATANIM NG PAPAYA SA HARAPAN NG IYONG BINTANA DAHIL ITO RAW AY MAGDADALA NG KAMALASAN

Una sa lahat, kaya ka nagbintana dahil gusto mo ng hangin, at natural na liwanag. Bakit ka magtatanim ng halaman, much more isang puno? 

Further, kilala ang puno ng Papaya na malakas mag-dakta. Sobrang lakas, nadadala raw ito ng hangin. Kung papasok ang mga ito sa kwarto mo, pwedeng magmarka ang mga puting dakta sa sahig (na nuo'y mga papag), kurtina at kobre kama. 

Pamahiin No. 4
MASAMANG KUMANTA HABANG KUMAKAIN DAHIL ITO RAW AY MAGDADALA NG KAMALASAN.

Sa tingin ko, ito lamang ay ginawa ng mga matatanda para ituro sa mga bata na kailangang seryosohin ang pagkain. Sa ngayon, mas OK nang kumanta at kumain kesa naman makipag-usap na puno ang bibig. 

Pamahiin No. 5
KAPAG MAY UMALIS HABANG MAYROON PANG KUMAKAIN, KELANGANG IIKOT ANG PINGGAN NG TATLONG BESES PARA HINDI MAAKSIDENTE ANG AALIS. 

Obviously, isa itong magandang lead measure para bilisan, or worse, hindi tapusin ni Junior ang dinner para makapunta ng maaga sa Malate. Kung mari-realize n'ya na malakihang effort ang gagawin nina ate, nanay, tatay, bunso, pati na rin ni Manang, he will take his time and finish the meal together with the rest. Isa yata sa mga values natin ang HIYA. Kung wala ka nun, baka hindi ka Pinoy o ADHD ka tulad ko. 

Pamahiin No. 6
MASAMANG MALIGO SA BAHAY, LALO NA ANG MGA NAMATAYAN, KAPAG NAGLALAMAY. 

Ang alam ko, masama ang naliligo kapag puyat at pagod. Ang alam ko rin, kapag namatayan ka, at ikaw ang nag-aasikaso ng lahat ng trabaho at pag-eentertain ng mga bisita, nakakapuyat at nakakapago. 

Kapag naligo ka nang pagod at puyat, baka ikaw ang sumunod sa nasa ataul sa bahay n'yo! Wag kang tanga!

Pamahiin No. 7
BAWAL MAG-WALIS SA BAHAY NA NAGLALAMAY. MALAS DAW.

Kilala ang Pinoy sa mga magdamagang lamay. Hindi nauubos ang mga biskwit, kape at bisita sa mga ganitong okasyon (okasyon daw 'o). Kilala rin ang mga Pinoy sa pagiging pagkamaasikaso sa mga panauhin (hospitality). Ang pagwawalis sa harapan ng bisita, ayon sa kulturang Pinoy ay kabastusan! Hindi malas! Umayos ka!

Pamahiin No. 8
MASAMANG MATULOG NG BASA ANG BUHOK. MALOLOKA KA DAW.

Tinanong ko 'to sa Biology teacher ko nung High School. Natawa lang siya. Hindi daw nakakaloka ang pagtulog ng basa ang buhok. Nakakalabo lang daw ng mata. 

Isa pa, isa itong kasabihan nuong araw dahil kadalasan sa mga nagtatrabaho sa bukid, naliligo pagdating sa bahay at natutulog agad para magising ng maaga kinabukasan. Alam naman na natin na masamang maligo ng pagod hindi ba?

Pamahiin No. 9
KAPAG UMULAN NG TODOS LOS SANTOS IKAW AY SUSUWERTIHIN. MAGIGING MASAGANA ANG IYONG ANI. 

Nuong wala pa ang problemang dulot ng Global Warming, tag-ulan sa 'Pinas sa mga buwan ng Mayo hanggang Agosto. Sa mga panahon na ito, tumutubo ang mga tinanim ng mga nagsasaka para sa pag-aani sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre. Kung sila ay magtatanim ng bandang late-October hanggang early November, para sa ani sa bandang February, swerte talaga kung bibiyaan ka ng ulan ng November 1! For sure, madidiligan ng bongga ang ani mo for your second harvesting quarter!

Pamahiin No.10 
KUNG NAIS MONG MAGING MAGANDA O GWAPO ANG IYONG MAGIGING ANAK, UGALIING TUMINGIN SA MGA MAGAGANDANG BAGAY, PARTIKULAR NA SA MGA GWAPO'T MAGAGANDA RIN. 

Talk about the Law of Attraction. 

Pamahiin No. 11
SA MGA NAKAPULOT NG SINGKO SENTIMOS SA DAAN, HUWAG ITONG ITAPON. ITAGO ITO. DAHIL ITO ANG MAGPAPALUWAG NG DALOY NG PERA SA BUHAY MO. 

Ang pera ay pera. WAG KANG TANGA!

Read and post comments | Send to a friend

Tags : culturelogicpamahiinpinoytagalo blogsturo ni lola
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

1 Comment

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426