close
no thumb

Nung nasa Cebu ako, narinig ko ang mga trainers ni Q na nag-uusap tungkol sa mga Greek gods and goddesses. Nagpabibo ako. Sinabi kong isang 3-unit subject namin yan sa college. Napatahimik sila. Akala ko, hardcore Ancient  Theology and pinag-uusapan nila. 

Ito pala:
Hindi ko alam na may libro palang ganito. Modern version ng Greek myths and theology set in America. For young adults ang libro and this one is just the start of a 5-book series. If Q and her trainers likes it, I said that I should give it a try. 

Last week, habang nasa A Different Bookstore kami ni Matthew, at habang nakaupo siya sa Children's Section at nakikinig sa isang storytelling storytelling session, umikot ako para hanapin ang series ni Rick Riordan. 
Lumapit sa akin si Sandra, isa sa mga attendants sa store nila. Kilala na ko ni Sandra kasi pag may hinahanap akong hard-to-find, sa A Different ako napunta. 
"Ung Lightning Thief, meron pa ba nun?"
"Meron pa sir," sagot ni attendant. "Kumuha ka na kase mabilis maubos ngayon  yan. May movie e."
"Maganda ba?" tanong ko.
"Ung book?"
"Hinde! Ung play!" sabi ko with matching taas ng kilay. "Siempre 'tong book! Bookstore kayo diba?"
Tumawa si Sandra. "Ikaw talaga. Oo, maganda siya. The best so far since Harry Potter. Siempre, iba pa rin ang HP. Mas malalim ang Literary Doctrine, but this one is relatively just the same. It's darker if you'll compare it to Rowling's first installment, but the experience is somehow the same."
Yun ang gusto ko sa A Different. Nagbabasa ang mga nagwo-work sa kanila. Alam nila kung anung maganda at kung anung hindi. Kung gusto nila ang isang libro, ibebenta talaga sa'yo, sasabihin pa sa iyo na kung hindi mo magustuhan, ibalik mo sa kanila – papalitan nila. At kung hindi naman nila gusto, sasabihin pa rin nila sa'yo na siguro tinamad ang author na mag-isip pa ng mas malalim than before. 
Tanda ko pa nung nagbukas sila sa MOA nuon, andun din ako. Isa ako sa mga naimbita para makikain ng pakain nila nung nag-ribbon cutting. 
Si Sandra nuon ang nag-recommend sa akin na hindi pwedeng hindi ko basahin ang The Kite Runner ni Hosseini. In fairness, hindi ako nagsisi. Isinunod n'yang i-recommend ang A Thousand Splendid Suns, na siempre, napaganda rin!
"If you want, basahin mo muna itong first installment, wag mo munang panuorin ung movie kasi disappointing," tuloy ni Sandra habang inaabot sa akin ang libro. 
I started reading immediately when we got home. Hindi ko siya mabitaw-bitawan. Maganda nga. Not as deep as HP pero interesting ang mundong nilikha ni Riordan. 
Itinigil ko muna ang pagbabasa ng The Tipping Point. Konting entertainment muna, sabi ko sa sarili ko. At dahil slow-reader nga 'ko, hanggang ngayon binabasa ko pa rin siya. Pero ok lang. Enjoy ang book. 
Wish ko lang, kasama ko pa rin ang mga trainers ni Q sa Cebu para makasali na ko sa usapan nila. The book has an effect on the readers. It is the interest on the gods and goddesses of Ancient Greece, their characters and doctrine. 
But don't get me wrong. Miss ko pa rin si Harry.
'Di ba be?

Read and post comments | Send to a friend

Tags : a different bookstorebook reviewbooksliteraturethe lightning thief
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426