close
no thumb

 

 

Dear Nay,

Birthday mo na naman. Mantakin mo! Nung isang taon, nagpansit ka lang. Ngayon, isang party ng mga senior citizens sa bahay ang iho-host mo!

Isang taon din ang dumaan, pero parang hindi ka natanda. Actually, sapul naman pagkabata ko, para sa amin ni Arvin never kang tumanda. Un nga lang, minsan kapag umaga at nakikita kitang nagluluto o naglilinis ng bahay, napapansin kong nagsisimula ka nang yumuko sa edad. It still never fails to surprise me na tumatanda ka. Para sa amin, yan pa rin ang itsura mo kahit nuong mga bata pa kami.

Namimiss mo ba si tatay kapag birthday mo? Siguro kung buhay pa si tatay ngayon at nakakalakad, pupunta kayo ng MOA today para makapanuod ng libreng sine. Anu kaya ang papanuorin n'yo? Ung kina Kim Chu and Gerald Anderson? Minsan iniisip ko, siguro kung buhay pa si tatay, hindi ako mag-aalala kung papano mo ise-celebrate ang birthday mo na nasa opisina ako.

Sina Matt, gusto mo rin sigurong makasama sa birthday mo. Wag ka nang umarte, dinala ka naman nina Arvin sa spa nung Sabado e. I think it's the perfect gift for you this year. Aba! Nasa iyo na lahat ano?!

Alam mo 'nay, pag nagdadasal ako. Lagi ka pa ring kasama sa mga requests ko. Sana bigyan ka pa ng a few more years para maabutan mong magbinata at magdalaga sina Matt at Varga. Sana nandito ka pa rin kapag gumradweyt sila ng High School at College. Kung sa maabutan mo pa ang wedding day ni Matt…aba! sobrang Pamaskong Handog na 'un!

Pero alam mo 'nay, nakikwento ko kay Syme, na nitong mga nagdaang taon ko lang naramdaman na mahal mo nga ko. Nuon kasing nag-aaral ako, puro lang sermon at isnab ang nakuha ko sa'yo e. Pero ngayong napatunayan kong kaya kong maging successful at kaya kong maging someone that you can be proud of, nakita ko na mahal mo pala ko. Hindi sa sinasabi kong hindi mo ako mahal nuon. Siguro natakpan lang ng mga problema at pagka-makasarili ko ang pagmamahal mo nuon. Intindihin mo na lang ako 'nay. Bata pa 'ko nuon.

Ngayon, sa tuwing gumigising ako at nakikita kang subsob pa rin sa niluluto mong agahan natin at pambaon ko, I can't help but thank God for giving you to me. Siguro nga talagang niloob ng Diyos na tayo ang magsama ngayon para makita ko kung gaano mo ako kamahal. Sa tuwing darating ako sa bahay at makikitang maayos ang higaan ko, malinis ang kwarto o may nakakabit nang kulambo, hindi ko lang pinapakita sa'yo pero naiiyak ako kasi hindi ako sanay pagsilbihan.

Salamat 'nay. Hindi ko man buong mabayaran ang mga ipinagtiis mo para sa akin nuong araw, siguro sa pagsama ko lang sa pagtanda mo, sapat na para mapunan ang natitirang kulang sa buhay mo ngayon.

Siguro 'nay, mas matutuwa ka kung sa bawat pag-uwi ko sa bahay, hindi ako agad dederecho sa kwarto at magkukulong habang nasa sala ka lang. Siguro mas magugustuhan mo kung mauupo muna 'ko sa tabi mo at kikwentuhan ka kung anung nangyari sa araw ko.

Hindi ko man masasabing wala na 'kong iba pang mahihingi sa'yo, pero sana 'nay matanggap mo na ang kaisa-isang ipinaglalaban ko sa'yo matagal na. Tanggap mo na nga ako, pero hindi pa rin kasi buong buo 'e. Sana 'nay, matanggap mo na rin ang lahat ng kasama ng kung ano ako. Siya lang ang kilala kong makakasama ko hanggang pagtanda. Mahal n'ya ko 'nay, alam mo ba 'un. Hindi man katumbas ng pagmamahal mo, alam kong siya ang magpapatuloy nito pag iniwan mo na kami.

Happy Birthday 'nay. Sana manalo ka sa Bingo sa bahay mamaya. Sana mag-enjoy kayo at hindi ka mapagod kaka-askikaso sa mga matatandang mamumuro.

Love you 'nay!

Orly

PS. Sana rin, magtagal ka pa 'nay para naman may taga-luto't taga laba ako.

Read and post comments | Send to a friend

Tags : familylifescoopmotherrandomtagalo blogs
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426