close
no thumb

Kami, napanuod na namin ni 'be

As usual, mahaba ang pila sa box office, mahaba din ang pila sa labas ng Center Stage. Hindi nag-uusap ang mga tao. Kami rin ni 'be, hindi rin nagkibuan. Siguro dahil inip na inip na kaming makita ulit ang mga mata ni Lloydie!
In fairness, kahit maraming tao, hindi na kami nagpatumpik-tumpik ni 'be, pumila na agad kami sa labas ng cinema para makapamili kami ng upuan (Yesssss…hindi reserved seating ang Center Stage. Kanya-kanyang agawan ng silya pag pasok. Kung wala, sa hagdan ka maupo at wag kang umarte – late ka. Which in a way reminds me of the Keempee-Manilyn-Janno-Manilyn-Ogie-Manilyn era when Spring Cinema in Libertad was a place to be.)
Magkahawak kami ng kamay ni 'be nang lumipad na ang comet sa pre-video ng Star Cinema. Kapwa kami nakangiti ng tahimik, excited so see John Lloyd and Bea again!
Girlfriend ni John Lloyd si Maricar Reyes na anak ng may-ari ng banko kung saan siya nagtatrabaho. May mga ka-opisina siyang sinisilip ang mabilis nyang mga promotions to a bank manager dahil sa koneksyon n'ya sa pamilya ng may-ari – but actually that's out of the story. Nakilala n'ya si Bea habang nakasakay siya ng ferry sa Pasig River. Mabait si Bea, makulit, lively, understanding.'Di tulad ni Maricar na demanding, sushal, picky, at self-centered. Nahulog si John Lloyd sa kanya. At dahil may girlfriend na siya, na exact opposite ni Bea, natural naguluhan siya. May dumating na manghuhula (Noel Trinidad). Sinabing sila raw ang magkakatuluyan after 5 years. Pero parang malabong mangyari dahil hindi ganung kadaling iwanan si No. 1. Isa pa, ang direksyon ng buhay ni Bea ay ang pagtatrabaho sa abroad, habang si John Lloyd naman 'e dito lang sa 'Pinas. 
'Dun…Doon umikot ang istorya. 
Maganda ba ang movie? Did Cathy Garcia Molina live up to the expectations? Is it worth watching? 
Of course, alam na naman nating lahat na gwapo at magaling si Lloydie. Kahit si Chuvaness na sushal ang taste at may asawa't mga anak na e crush pa rin si John Lloyd. In fairness he was able to showcase his craft once again. Sa mga bonggang moments hanggang sa mga under-developed scenes, kaya niyang iparating sa audience ang gusto n'yang sabihin. Dapat talagang sila ang magsama ni Guy, hindi ni Vi. Magtatapatan lang sila ng isa pang actress na marunong ding sumabay ng pailalim. 
Si Bea, medyo bago ang atake n'ya sa character n'ya. Kung matatandaan mo pa ang pagka-kengkay n'ya sa Betty La Fea, medyo binitiwan n'ya 'to ng konti – pero konti lang. Kengkay siya dito. Palatawa, uber, bordering to ADHD at first. Pero, hindi ako natuwa. Mas gusto ko pa rin ang pagdadala ni Sarah Geronimo ng Lyda Magtalas role n'ya. Si Bea, mukhang hindi pa kayang gumitna sa pagka-uber at seryoso. One of which lang dapat. 
Para sa akin, maganda ang istorya. Molina has the capacity to strech a story and add aspects to create a great plot. I think it was the training she got from being assistant director for accomplished directors like Olivia Lamasan, Chito Rono. What actually made me a follower, is the fact that she has been creating character-driven stories and fresh-from-the-streets ideas and pour them into a script to develop an "ooooh! moment." 
Sa Miss You, ginawa rin n'ya 'to. I wouldn't say that her plot was a new transcript. Ginawa na ang story na yan nuon pa. Reminds me of romances like An Affair to Remember (1957) and Casablanca (1942). But Molina was able to put more emphasis on a new point that she wanted to send across. In this respect she was able to do it with ease. Thanks to Lloydie and Bea. 
Simula hanggang gitna, nagpa-ikot-ikot sila, namili sa Divisoria, nagbigayan ng lobo, umiyak sa may sakit, nagtalo sa opisina, kumain ng lugaw, nagpagawa ng bahay, sumakay sa ferry (na 'di naman kailangan), nagsulat sa bato, naghanapan ng bato, nag-sex, nagpunta sa Malaysia (Truly Asia), at nagpahula.
Sa lahat, ang tanging importante lang ay ang pagsusulat sa bato at ang paghahanap nito. Ung iba (at marami pang iba), hindi naman kailangan. Siguro, devices lang ni Molina yun para humaba ang pelikula at magsawa kami sa mga mata ni Lloydie. Mula simula hanggang sa ika-isang oras at kalahati, parang napakaraming gustong sabihin ng istorya, well in fact isa lang ang nais palang puntiryahin – that Time is meaningless when you're in love
This is where the storyline failed. Arguably, the strategy of putting more actions into the plot to present time could be an additional factor to invite boredom (talk about Joel Lamangan and his so-called masterpieces). Considering the limitations of the chosen medium (film), sometimes, the use of a single, repetitive action/activity can already symbolize time and space. Just examine what Gil Portes did in 'Merika (1984) and you'll get what I mean. Other techniques could also be through a dilapidated production design. The way Billy Widler depicted decadence in Sunset Blvd (1950).
On the argument on realism, I have to say that Miss You is still far from being a film noir. Commercial film pa rin siya (I'm sorry). Besides, having a psychic elderly as a defining character that wheeled the plot, is more of a fantastical thought than a surreal device.
In other words, OK na sana. Pero merong mga flaws. Molina was able to showcase her artistic genius in films like A Very Special Love, One More Chance, and You Changed My Life. But Miss You Like Crazy is just another addition to Star Cinema's forgettable films, though I will not take it against her. Even Brocka had his own share of artistic flops like Hello Young Lovers (1981) and Hahamakin ang Lahat (1990). Si Lino na yun ah?!
Is it worth watching? I'd say it still is. Just the thought of seeing how Star Cinema attempted to produce yet another hit for Pinoy Romance. Besides, watching John Lloyd and Bea team up again is already an event worth celebrating. 

Ang masasabi ko lang…catch it while it lasts!

Lumabas kami ni 'be ng Center Stage na kasing-tahimik ng pagpasok namin two hours earlier. Iniisip namin kung may natutunan ba kami o na-entertain lang. 
"Ang gwapo ni John Lloyd!" sabi ni 'be. 
"Ay gwapo talaga!" bira ko. 
Pagdating namin sa kotse tiningnan ko si 'be, "Jajan-Lloyd pa rin ba tayo kung 'me bago ulit?"
"Siempre naman no!"
Tumango ako. Siempre gusto ko pa rin si Llyodie noh!
Lumingon ako kay 'be pagkasakay namin sa loob. "Ang hindi ko lang gusto 'be…"
Itinaas ni 'be ang kamay n'ya sa harap ng bibig ko. "Naku Orly, wag mo 'kong simulan! Na-e-ADHD ka na naman. I-blog mo na lang yan, babasahin ko na lang."

Read and post comments | Send to a friend

Tags : bea alonzocathy garcia-molinafilmfilm reviewfilm reviewsfilmsjohn lloyd cruzmiss you like crazymiss you like crazy (2010)reviewsstar cinema
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

2 Comments

  1. Dear Orly Dory,Oopinyon lang ako nang bonggang bongga. Gandang ganda ako sa post na ito. Hindi dahil gusto ko rin si John Lloyd – hindi ko pa siya napapatawad para sa Jean G. at Ruffa G. exploits niya – kundi dahil buong buong buong Orly ka rito. Mangingibig ni S, masang panlasang showbiz (lurv it!!!), mapanuring manonood na malapot ang paghimay sa pelikula, learned na may ADHD. Fan ako ng hagod ng post na ito. Nagmamahal,KutongLupaKakakanakana

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426