close
no thumb

Nagdinner kami ni Boss 3 kaninang 6pm. Paglabas namin ng lobby, nadaanan namin ang pila ng mga aplikante. 

"Ang dami namang applicants ngayon!" sabi ko kay Boss 3. 
"Bongga na yan," sagot n'ya. 
Napasimangot ako. "Pero gabi na. Parang hindi pa ata napo-process yang mga yan."
Natapos ang dinner namin ng mga 7pm. Umakyat na kami, nagtrabaho kanya-kanya. 
Mga bandang alas-nuebe pumasok ako ng pantry. Nakita ko si Cloud na naghuhugas ng baunan n'yang bonggang bongga. 
Nakita ko rin ang sandamakmak na mga applicants sa pantry. Nakaupo sa tatlong pinagdikit-dikit na mga mesa. Nagkkwentuhan. Nakasabit sa mga leeg nila ang tig-itig-isang Visitor's ID. 
Napasimangot ako kay Cloud. "Mga applicants?" 
"Apparently."
"Nakita ko yung babaeng naka-red kanina sa baba. Kanina pa yang mga yan dito. Hindi pa rin napo-process?"
"I don't know. Ganun talaga siguro," sabi ni Cloud habang ibinabalik ang mga baunan sa bonggang bongga n'yang lunch bag. 
Nakita ko ang isang applicant, payat, tayuan ang buhok at naka-black na sweater. Hindi na tama ang timpla ng mukha n'ya.
"Bakla," tawag ko kay Cloud, "tingnan mo ung isa. Sumuko nang mamuti ang mata sa kahihintay."
"Gaga! Antok lang yan." Ang slow talaga ni Cloud.
Pumunta ako ng JAKA para observe ng mga trainers namin. Alas onse na rin ng makabalik ako ng opisina. 
Dumertso ako ng pantry para kumuha ng tubig. Nagulat ako. Parang hindi nabawasan ang mga aplikanteng naghihintay. Ganun pa rin silang kadami, ganun pa rin ang damit, pero hindi na katulad ng kanina ang itsura. Ang iba, nakasalampak na sa mga mesa, pihadong natutulog, o 'di kaya, nagme-memorize ng mga isasagot sa napipintong interview. 
Nakita ko si Sam. Isang recruiter. Pagod na rin siya. Kasama niya si Cheryl, isa ring recruiter. Sabay kaming nagpunta sa lung center. 
"Applicants yang mga yan diba?" tanong ko.
"Yeah. Actually, they have been here since 9am," sabi ni Sam.
"What?!" 
"9am. Nine ng umaga," sagot ni Cheryl. 
Tiningnan ko si Cheryl with matching taas ng kilay. "Oo nga. Alam ko. Pero bakit ganun? Ang tagal na nilang naghihintay. 11:30 na."
"I know," sabi ni Cheryl sabay hithit ng yosi n'yang Gudam. "Kahit naman kami 'e."
"Sinasabi na lang namin sa kanila, na sa interview nila mamaya, dapat mataas pa rin ang energy nila. Dapat hindi sila papahalata na antok at pagod na sila," tuloy ni Sam. 
"I'm wondering if we are still assessing them properly if we process them at this state. I mean, how can we make sure that these people could still provide us with the answers that we want if they're already beyond their normal dispositions?"
Tumango si Sam. "Ganun 'eh. They have to wait for the clients who are still coming in tonight." 
"They have been endorsed to a number of accounts since this morning but they failed. As much as we want to send them home, sayang naman kung hindi namin i-ta-try sa iba," dugtong ni Cheryl. 
"Nakaka-awa." 
"Mas kawawa ang walang trabaho," sabi ni Sam. 
"Kung sabagay," sabi ko habang natanggo. "Well, if that's the case, lalo tayong mahihirapan magsabi sa kanila kung may babagsak sa kanila later." 
"Truelili," sabi ni Sam. 
"Truelagen," sabat ni Cheryl. 
"I hope we have set the right expectations: that even if they have been asked to wait for more than 12 hours, there is still a possibility that they won't make it."
"Yes, we told them that." sabi ni Sam, habang natango naman si Cheryl. 
Umalis si Sam and Cheryl pero naiwan ako sa lung center. I need to do something from my end. I had my share of waiting in line just to get interviewed and processed for a job. Hindi siya magandang experience. 
But everyone, I think, must accept it. It's inevitable. 
Naalala ko si Boss 1 sa Cebu sa tuwing dumadaan siya sa lobby ng Cebu office namin. Binabati n'ya ang mga applicants and he would wish them luck for the interviews and exam. 
Sinabi ko sa sarili kong wala namang mawawala sa akin kung gagawin ko ang naka-ugalian ni Boss 1. It will make me feel better for the candidates and for myself too. 
Paglabas ko ng lung center, lumapit ako sa mga magkakatabing mesa. 
"Hello! My name is Orly. I know you have been waiting since this morning, but I have a feeling that if you'll give it your best shot in the interview later, you'll make it!"
Tumingin sa akin ang mga applicants. Walang nag-react kahit isa. Para pa ngang na-disorient. 
Tumuloy lang ako. "The interview will be as challenging as the interviews that you had earlier today. But if you'll make use of the things that you have learned from the processes this morning and afternoon, you'll be able to swing it easily later!"
Unti-unting napangiti ang mga applicants. Un ngang mga natutulog, bumangon sa pagkakahimlay. Ung payat na tayuan ang buhok, parang nabuhayan ng loob. 
"Thank you…sir," sabi ng isang babaeng naka-green top. 
Punetang 'to, tinawag pa 'kong sir! "Goodluck dears!"
Nakita kong nakatingin sa akin si Cloud na parang bang gustong himatayin. "Orly?! Is that you?"
Lumakad ako palabas ng pantry na nakangiti. Wala na ang pasan sa balikat ko. 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : lifescooprandomwaiting in lineworkworkplace
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

3 Comments

  1. Hi Jellicleblog! I enjoyed the article…People should indeed know about things that happen in the industry. Hope you don't mind. I provided a link to it on my blog – CallAssPinas.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426