close
no thumb

Tapos na ang istorya ni Santino. Medyo mahaba-haba din ang nilakbay ng mga taga-sunod n'ya sa Dos. Marami rin siyang naloko sa mga kalokohan n'ya at himala, pero bumilib naman tayo sa magic ni Bro. 

Unang kita ko pa lang kay Santino, ayoko na. Unang syllable pa lang ng pangalan…parang Satanas ang nauulinigan ko. 
Ayoko sa kanya. Hindi ko siya bet. 
Disclaimer lang. Hindi ako galit dun sa artistang bata. Galit ako dun sa character, dun sa mga creators, dun sa mga writers at taga-suporta ng makabagong Elsa. Kung tutuusin nga, hindi siya dapat ikumpara kay Elsa. 
Pero wala naman akong nagawa. Humaba at natapos ang buhay ni Santino, hindi ako nakapagsalita. 
May isang account sa Facebook na nagsasabing hindi dapat suportahan si Santino at ang palabas n'ya. Blasphemy daw. Walang pakundangang tinatawag ang anak ng Diyos na Bro. Hindi daw dapat ganun. 
Kung ano mang advocacy nila, wala na ko dun. Para nga sa akin, maayos kung tatawagin natin siyang Bro. Sabi nga ng mga Katoliko, kapatid daw natin si Hesus at si Maria ang ina. Ok na rin. Besides, sabi nga ni Isiah maraming itatawag sa Kanya. Kung Bro ang uso ngayon….'e 'di Bro!
Hindi Theological ang argument ko kay Santino. Ang ayaw ko sa kanya, Philosophical. Filipino Philosophy to be exact. 
Napaka-pakialamero n'yang bata!!!
Nung araw, kapag nakikinig kami sa usapan ng matatanda, pinandidilatan kami ng mga nanay ko. Usapang matanda daw 'un. Hindi kami dapat makialam. Tama nga naman. Ngayong malaki na 'ko, alam ko na may mga bagay na hindi kayang rurukin ng isip ng bata. Pero itong si Santino, kahit sino at kaninong buhay pinakialaman!
Nang unang ipalabas ang istorya niya, may mga guest stars siya linggo linggo. May sari-sariling problema. Aba, itong dyaskeng batang ito, lahat na lang pinakialaman! Ito namang si Bro, kinunsinte si Santino!
Hindi lang buhay ng iba ang pinakialaman n'ya. Pati pulitika. Ang natatandaan ko, ang pulitika ay para lamang sa matatanda. Pero itong diyaskeng batang ito, balak atang maging reporter balang araw! Pati naman 'tong si Bro, inudyukan pa si Santino!
No wonder lalong gumrabe ang mga problema. No wonder lalong nag-amok ang mga kontrabida. Lagi kasi silang pinakikialaman. 
Kung istorya-istorya lang naman 'e OK lang. Pero ang tanong ko'y papano nito naimpluwensiyahan at maiimpluwensihan ang mga batang nanuod ng buhay ng milagrosong batang ito? 
Hindi pakialamero ang batang Pinoy. Yan ang pagkaka-alam ko. Kung gayun ma'y maaga pa lang ay tinuturuan na natin na aral at laro lang muna ang intindihin. Hindi dapat gayahin ang mga ginawa ni Santino. Kung hindi, maaga palang, ma-i-stress na ang mga batang yan. Gaya ni Santino!
Kung ang sasabihin ng iba ay ginawa lamang ni Santino yan dahil sinabi ni Bro, dyan na 'ko hindi maniniwala sa Diyos ng palabas. Ang kilala kong Bro ay tunay na nagmamahal sa bata. Hindi siya papayag na problemahin pa ng bata, much more si Santino, ang problema ng mga matatanda. Children are meant to be happy. Isa pa, karapatan nila yan. 
Kung si Bro ang nagtalaga kay Santino na problemahin ang problema ng iba, aba'y hindi yan ang Bro na kilala ko!
Un lang naman. 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : abs-cbnsantino
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426