close
no thumb

Ang salitang Sinulog ay nanggaling sa salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay "tulad ng agos ng tubig." Sa pista ng Sto. Nino (na ginaganap tuwing ika-tatlong linggo ng Enero) isinasayaw ng mga delegado ang pamartsang indak na may bilang na dalawang hakbang pa-abante't isang paatras, na siyang kilala na Sinulog forward-backward dance movement. 

Sa araw na ito, humihinto ang lahat ng mga taga-Cebu at nasa Cebu para saksihan ang taunang selebrasyon ng kultura at kasaysayan. Isinasara ang mga Calle Real para bigyang daan ang malawakang prosesyon ng mga deboto at ang makulay na parada. 

Sa parada mo makikita ang iba't ibang kulay ng Pilipino. Dito mo maririnig ang nakagawiang tugtog ng pista habang nakikiyugyog ang karamihan sa tambol at trumpetang tumatawag na tayo'y magdiwang…narito na ang Sto. Nino! Hawak ng isang birhen, itinataas sa araw habang ikinikembot ang katawan at isinisigaw…

Viva! Pit Senor!
***
Nagising ako ng 6 am. Linggo. Araw ng parada. Malakas pa rin ang ulan. Tila hindi nakisama si Sto. Nino. Tulog rin si JR. Sa sala s'ya nakahiga, ayaw daw akong katabi dahil malakas daw akong humilik. Baka bisperas pa lang ng parada, bangungutin s'ya karirinig nang tambol na hilik ko pala. 
Antok pa rin ako. Tulog pa rin si bakla. Hindi magandang lumabas at maglakad sa Jones ng ganito. Kung magtutuloy tuloy ang ulan, napagkasunduan na lang namin na panuorin na lang sa RCTV ang parada. 'Di bale nang hindi makakuha ng litrato, basta wag lang maputikan at maulanan. 
Natulog ulit ako. 
Nagising ulit ako ng 11 am. Ito ang nakita kong sumisilip sa blinds na nasa paanan ko.
Pagdungaw ko sa balcony ng kwarto, eto:
Paglabas ko ng kwarto, nakabihis na si JR. Nanunuod na ng parada sa RCTV. 
"Bakla, parada na!" bulas ni JR.
"Maaraw!"
"Nakisama si Sto. Nino!"
Ang galing talaga. Bata lang si Sto Nino, pero napalabas n'ya ang araw! Kaano ano kaya niya si Storm?
"Ligo ka na. Ready na 'ko," sabi ni JR. 
I hit the showers. Fifteen minutes lang. Nakaready na 'ko. Mahirap nang maabutan ng maraming tao sa daan at trapik. 
Siempre, piktyuran muna sa Sophia. 
Nag shorts lang ako. Nung huli kong Sinulog, naka-jazz pants ako. Pinagtatawanan ako ni Demoral nun. Para daw akong pupunta ng dance rehearsal. Ngayon, presko dapat. Mas keri kahit lumakad ng matagal. Mapipilitan din akong hindi maupo kasi puting puti ang shorts ko. 
"Bakla halika na. Baka maiwanan tayo ng parada!" sabi ni JR, binubuksan ang pinto. 
"Magdala tayo ng payong!" sabi ko. 
"Ayoko nga! Kadiri ka! Para kang probinsyano!"
"Sa 'ting dalawa kaya, sinong mas probinsyano?!" sabi ko with matching pamewang. 
"Ang chaka bakla! Walang class!"
"JR, walang class ng nga 'tong balat ko e, susunugin mo pa!"
"Bahala ka, basta ko hindi magpapayong," sagot ni JR na sumakay na ng elevator.
Nagdala pa rin akong payong. Nung magkasama kami ni Demoral, nagdala rin ako. Naka-Gluta ako nung panahon na un courtesy of Paolo Abuel.
Eto ako nun, with matching jazz pants and payong. Long hair pa ko nun.
Dumaan ang sinasakyan naming taxi sa Ayala. Nagse-Cebuano si JR at si manong Driver. Mukhang nagtatalo. Galit ata silang pareho. 
"Hindi daw tayo pwedeng dumaan na ng Jones. Sarado raw."
"Natural! Dun dadaan ang parada diba?!" Si JR talaga minsan. Parang 'di taga Cebu. 
"Dili. Sa malapit dun. I mean sa Redemptorist," sagot ni bakla.
"Bat kasi hindi na lang tayo maglakad mula dito? Tingnan mo yang mga yan. Nagsisilakaran. Para tayong mga turista na naka-taxi pa ngayon!"
"Ay wit! Ayokong maglakad noh!"
Ayala pa lang, kasabay ng mabagal na pagtakbo ng taxi ni manong Driver ang mabibilis na lakad ng mga tao. Mga pamilya, magbabarkada, mga turista. Pawang hinihipan ng hangin sa isang direksyon…papuntang Fuente Osmena. 
DSC06060
DSC06061
DSC06062

Pagkarating namin sa simbahan ng Redemptorist, mas kumapal na ang mga taong naglalakad. Bumaba na kami, nakasimangot si JR. 
Sa di kalayuan nakita ko na ang maliliit na de kolor na mga floats at costumes. Sinulog na nga. Hindi maaring hindi matuloy. Kaylangang si Sto Nino ang masusunod!
Kahit saan ako tumingin, puro mga tatoo-an ang nakikita ko. Kapag Sinulog, kasama sa mga nakagawian ang magpa-tatoo. Hindi ko alam kung saan ito nagsimula at kung papano ito nauso. Ayokong magpa-tatoo. Pangit na nga balat ko, yuyurakan ko pa. 
Bukod sa tatoo, uso rin ang mga maskara. Mula kay Spiderman, Ariel (ng The Little Mermaid) hanggang kay Wolverine nagkalat sa daan.
Tinahak namin ang kalsada mula sa Redemptorist papuntang Mango avenue. Sisik ng tindahan, tao, usok at kulay ang eskinitang dinaanan namin. Sa di kalayuan, nakita ko na ang kapal ng tao sa Calle Real ng pista. 
Ayan na ang Sinulog!
***
Nuong araw daw, pagbaba ni Magellan sa Cebu, dala n'ya ang isang malaking kruz na itinayo n'ya sa dalampasigan ng isla. Dala rin n'ya ang isang imahe ng batang santo na sinasabing ang batang Hesus. Balot ng pulang kapa, may korona, scepter at globong may kruz ang magkabilang kamay, iniabot n'ya ito kay Hara Amihan – asawa ni Humabon.  

Ayon sa kwento, nang matanggap ni Amihan ang imahe, nagsimula siyang sumayaw habang hawak ang rebulto; na siya namang sinundan ng mga halos walong daang mga ka-baranggay at mga pinuno ng isla. Ito raw ang unang Sinulog. 

***

"Ay grabe Orly, ang daming tao!" sabi ni JR.
"Siempre!" baklang 'to kahit kelan, puro comments!
Hindi na kami nakapag-kwentuhan pa ni JR pagdating namin ng Mango. Kumuha na lang ako ng mga pictures para sa blog. 
Oo nga't ang daming tao, pero mas maraming kulay. Mas kalat ang ingay. Mas malawak ang kultura sa Mango nung araw na un.
Isa isang pumaparada ang iba't ibang mga delegado ngayong taon. Isang helera…tigpapares kung minsan. Sabay sabay sumasayaw at kumakanta. Sabay sabay sumisigaw ng Viva! Pit Senor!
As far as I know, walang Pride March sa Cebu. Pero ito na ata ang pinakabonggang Pride March na nakita ko sa buong buhay ko! Bakit at lahat ng klase ng pwedeng sumali sa Pride March nakita ko na.
At siempre, may mga variations din. Kung bata si Sto Nino, may mga bata ring nakasuot ng costumes n'ya!
Actually, ung isang naka-costume ng Sto Ninong Gala, in character!
Nagtext si Nadia, dati kong team mate sa ULP. Sa BigFoot na siya nagwowork ngayon. First Sinulog n'ya. Nasa Mango din daw s'ya, may bonggang lugar. 
"Tara JR, puntahan natin si Nadia!"
"Make sure may masisilungan dun a?"
"Kala ko ba panata mong magpakahirap tuwing Sinulog? Bakit ang dami mong arte ngayon?" tanong ko.
Nagkita kami ni Nadia. Nakisilong siya sa booth ng Taft Properties. A real-estate company in Cebu. Grabe ang payat na n'ya. Siempre, piktyuran ulit.
In fairness, bongga ang marketing strategy ng Taft. Meron silang uber laking photo wall that calls on everyone to take a picture on. 
Siempre, pinaakyat kami ni Nadia sa stage ng Taft. Nakahinga ako ng konti, mas maraming inihinga si JR. May roof kasi at maluwag. 
Ung naka-green si Angie, manager sa BigFoot, kasama ni Nadia. Ung naka-yellow si Amy, kapatid ni Angeli, agent sa Taft. Ngayon binebentahan na ko ng bahay at lupa sa Cebu. 
Ngayong maganda na ang lugar namin ni JR, hindi na kami nagusap. Naupo na siya sa isang tabi, nagpahinga. At this point, i took the opportunity to take more pictures
"Orly..Orly…ang cute nung nagda-drums!" sigaw ni JR na parang biglang nabuhayan. "Kunan mo!"
"Puta ka bakla ka! Pag gwapo, tanggal sakit mo sa paa!"
Kinunan ko na rin. In fairness, cute nga si kuya.
Eto pa:
"Ang gwapo n'yan lalo pag lumaki na siya," bulong ni JR. 
Biglang nagsilabasan ang mga cowboys sa parada. Aba, meron pala nito sa Cebu!
Lumabas din si Tita Cory…
…even Pacquio!
Bandang alas kwatro ng hapon, dumilim ang langit. Napalitan ng anino ang sinag ng araw ng katanghalian. 
Alas kwatro 'y medya, bumagsak ang ulan.
Ginawang pandong ang mga props at costumes. Nakakaloka. Pero sinunod pa rin ng mga delegado ang tawag ng parada. Kahit basa ang mga drums, tuloy pa rin sila sa pagpalo habang sinasayawan ng mga pumaparada. 
"Buti nagdala ka ng payong," sabi ni JR. 
Tiningnan ko na lang siya ng masama. Kahit kelan ka talaga JR! Kahit kelan!
"Nadia, una na kami. Malayo pa lalakarin namin. Baka sa Ayala na kami makakuha ng taxi nito," paalam ko kay Nadia at sa mga kasama n'ya.
"Oo nga. Baka abutan pa kayo ng ulan na malakas," sabi ni Amy. 
Pagkatapos naming magbeso beso nina Nadz, Amy and Angeli, bumaba na kami sa bonggang covered stage ng Taft Properties. Binuksan ko na ang payong at sinimulan na ang lakad pabalik ng Ayala. 
"Hindi ba natin tatapusin ang parada?" tanong ni JR.
"Mahirap kasi pag bumagsak ang ulan. Mas madaming taong aalis at uuwi na. Mas mahihirapan tayong makasakay."
Halos isang oras din kaming naglakad papuntang Ayala. Minsan, pumapasok kami sa lubid na naghihiwalay sa mga delegates at tao para mas mabilis ang lakad. 
Pagdating namin ng Ayala. Hindi na kami naguusap ni JR dahil sa pagod. Kumain na lang kami.
Panandali muna naming kinalimutan ang Sinulog. Busog na ang mata namin, tiyan naman. 
"Gusto kong matulog pagkatapos nito," sabi ko kay JR. 
"Oo nga. Kapagod!"
Arte a!
Pagkatapos kumain, hindi na kami nag-ikot ni JR. Pagod na ako, siya – kanina pa pagod. Mahirap magsama ang pareho nang imberna sa pagod. 
Nakakuha na agad kami ng taxi pabalik sa Sophia. Pauwi na rin si JR sa kanila matapos n'yang kunin mga gamit n'ya sa hotel. 
Tumakbo ang taxi, umaambon pa rin, at alas siete na. Pero naririnig pa rin namin ang ingay galing Mango avenue. Sinulot man ng ulan ang Sinulog ngayong taon na 'to, sinunod pa rin ng tao ang tradisyon. 
Hanggang sa uulitin. 
***

Magpahanggang ngayon, tuluyan ang pagsikat ng batang Hesus sa mga Katoliko at deboto. Nung 1980, ipinagdiwang ng Cebu ang unang Sinulog. Bitbit ng isang babae ang isang rebulto ng batang naka-pulang kapa at korona, sinayaw n'ya kahabaan ng Calle Real habang sinusundan siya ng mga batang sabay sabay umiindak, kumakanta at sumasayaw. 

Hanggang ngayon, binubuhay ng mga Cebuano ang unang araw na nabiyayaan ng Kristo ang Pilipinas. Kahit sabihin ni Ambeth Ocampo na hindi sa Cebu unang bumaba si Magellan, tinutuloy pa rin ng mga taga-rito ang nakagawiang tradisyon at ipinagdidiwang ang kapanganakan ng Kristianismo sa bansa. 

Tatlumpung taon nang isinasayaw ng mga Cebuano ang Sinulog. Tuwing ika-tatlong linggo ng buwan ng Enero, nakikita nila si Hara Amihan na magpasahanggang ngayon ay isinasayaw at kinakantahan ang batang Diyos. 

Viva Pit Senor!

Read and post comments | Send to a friend

Tags : artsculturelifescooprandomsinulog
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426