close
no thumb

dear 'be, 

birthday mo ngayon. kahit di na uso ang sulatan, pwede pa rin namang mauso kahit love letter sa blog diba? 
tanda ko pa nung estudyante pa lang tayo, lagi kang nagpapadala ng sulat sa akin. every month pa nga ata. ako naman, bihirang mag-effort pero tuloy ka pa rin. hanggang napagod ka na, kasi sa kwento at chicka lang ako kung sumagot. 
isang taon na naman ang tinanda mo, tinanda natin. this is your 7th birthday with me and i still treasure each year. alam naman nating pasaway ako, pero lagi ka pa ring nandyan, galit man, nagmamahal pa rin. 
thanks be!
lagi ka lang galit lately. hindi ko alam kung dahil talagang pasaway ako o dahil tumatanda ka na. ganyan talaga pag umi-edad na. magagalitin. basta kumain ka lang ng kumain ng marami. nakakawala ng init ng ulo un. 
lately rin, napapasin ko gusto mo lagi tayong magkasama. hindi kita masisisi 'be. malayo na nga mga opisina natin, bihira pa tayong magkasama. ayokong mangako 'be pero i'll try my best to make it up to you. marami lang talagang trabaho ngayon sa opisina lalo na't may spin-off kami. pero alam mo naman, hindi kumpleto 8-hour shift ko hangga't hindi ko naririnig ang boses mo. 
hindi ko alam kung anung ireregalo ngayong taon na 'to sa'yo. alam mo naman ako, bobong mamili ng regalo. tinanong nga ako ni Ging kanina kung anung niregalo ko sa'yo, napahiya ako sa sarili ko nung sinagot kong soft-copy lang Little Black Book ang naiabot ko sa'yo ngayong Pasko. pero hayaan mo 'be, iisip ako ng magandang regalo sa'yo ngayong birthday mo. 
pero: 
mahal na mahal pa rin kita 'be. sa magulo nating mga buhay, sa'yo pa rin ako nakakahanap ng katahimikan at kasiguraduhan. sa'yo ko pa rin nakikita kung bakit ako nagsisikap maging kung ano ako ngayon, at sayo pa rin ako nakakakuha ng kasagutan kung ano ako bukas. 
hanggang ngayon 'be hinihitay ko pa rin lagi ang mag-umaga para matext ka ng 'good morning' at sabihan kang 'papunta na me ofis.' sa bawat sagot mo alam kong magiging maayos na ang araw 'ko. 
kahit ganun, alam kong malaking malaki pa rin ang pagkukulang ko sa'yo be. hanggang ngayon marami pa rin akong hindi nabibigay na dapat sana'y matagal mo nang hiningi at ngayo'y pinagsawaan nang hingin. pasensya na 'be. hayaan mo't gagawan ko yan ng paraan. 
pag nainis ka balang araw, ok lang sa akin na isumbat mo sa akin 'tong blog entry na 'to.  
love you so much bebe ko! 
bebe mo
PS. pasensya na sa thought process 'be a. alam mo naman ako. ADHD. lalo pa't alam kong sulat ang ginagawa ko. see you later! 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : bebebebe and i
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

1 Comment

  1. Heartttttt!!! Ayan. Ganyan, very good. :-)Happy birthday kay Bebe mo. Kahit hindi kami magkakilala at nagkakasama, nakakasama naman kita. Kaya alam kong mabigat ang pasanin niya. Therefore saludo ako sa kanya. Etchos etchos elepanteng walang sapatos! Nakakapagpalusog lang ng dibdib ang mga mapagmahal na lifetime-forever-and-ever-companion. Mabuhay si Bebe!KutongLupaKakanakana

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426