close
no thumb

Sa Lunes confirmed na ang pagbabago. Aspire People Solutions Incorporated na 'ko magtatrabaho. Excited ako. Excited kami. 

Sa bahay, may bago rin. May bago na 'kong work area. Sa tagal-tagal na wala kong mesa since I had my room renovated, ngayon lang ako nakahanap ng kasya sa budget ko. 
I never thought that it's going to be that tiring. 
Ako ang kumuha sa Home Depot. Ako ang nagsakay sa kotse ko. Ako ang nagbuhat paakyat sa bahay. Pero simula pa lang un ng pagod ko. 
Pagbukas ko ng kahon, hindi ko alam na daig pa ng mga projects ko sa Work Ed ang pag-assemble ng natipuhan kong writing table. Halos 50 na iba't ibang turnilyo at slides ang nakakumpol sa isang plastic. Hati hati ang mga parts, at isang page lang ang instructions!
Napa-nganga ako. 
Ilang beses akong bumagsak sa Work Ed nung Elementary at T.H.E. nung High School. Natural, hindi ko 'to kaya. 
Buti na lang, andyan si Ma Unyo. Siya ang tumrabaho. Tinulungan ko na lang ng konti. 
Nagsimula kami ng alas cinco…
Nagpatuloy hanggang alas otso…
Alas doce…
…na parang ganun pa rin…
Natapos namin…actually ni Ma Unyo lng…ng alas doce y medya. Pinasok na namin sa kwarto ko, inayos ang loob. Sa wakas tapos na rin. 
Pagod ako. Sobra. Pero ng makita ko ang finished product. Natuwa ako. Nabawasan pagod ko, pero haggard pa rin. 
Now I can rest.

Read and post comments | Send to a friend

Tags : homelifescooprandomtagalo blogs
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426