close
no thumb

Ilang araw ko ring binuno ang pag-gawa ng P&L para kay boss mula pa last week. Hindi ako natulog, kumain, tsumika, sumayaw at nagyosi ng matagal tagal para naman bongga ang presentation ko para sa mga plano namin ng team for next month.

Tinulungan ako ng mga friends ko. Umiyak nung tina-type ko. Sumigaw nung ipin-ni-print ko na.

Bago pa lang mag-meeting, kinausap ko na sina Criselda at Rosalinda.

"Pumunta na kayo sa meeting room! Ready na ang Reyna. Humanda siya sa presentation ko. Tatambling siya ng bonggang bongga after my talk!"

Tumakbo na ang dalawa papuntang meeting room #3.

Tinawag ko rin si Eleonor. "Geng, sumama ka rin. Watch how I'll fly through this!"

Jumoin din si bakla.

Pagdating sa kwarto, nakahanda na silang makinig. Nandun na rin si boss 1, hinihintay na lang si boss 2. Dala ko ang laptop kong matagal ko na ring naging kaibigan sa loob ng tatlong taon. Yakap yakap na para bang baul ng talino't sekreto.

"Ready?" tanong ko.

"We're just waiting for boss 2," sabi ni 1.

"I'll just set up the presentation," sabi ko with oozing confidence. "Eleonor – isaksak mo na ang projector para makita nilang lahat..yes…dito sa laptop ko."

Sumunod si Eleonor. Binubuksan ko na ang file for my presentation.

Nang biglang: TOOOOT!

Namatay ang monitor. Nawala ang maliliit na ilaw.

Tiningnan ko ang pagkakasaksak ng laptop ko sa kuryente. Maayos naman. Idiniin ko pa ang baterya, naka-kabit naman ng tama.

Anung nangyari?

Hindi ko alam.

Napaupo ako malapit na office chair habang sina Rosalinda, Criselda at Eleonor ang nagsi-tayuan sa kanilang mga upuan para ayusin ang nagbabantang gulo na dala ng laptop kong iniwan ako sa ere.

"Orly? Boss 2 is here. I'm sure you're ready to give your presentation.

Biglang pumasok sa isip ko kung papano ko i-da-draft ang resignation ko.

 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : confessionslifescooprandomtagalo blogs
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

5 Comments

  1. masyado tayong nakaasa sa technology. friend, bago pa mauso ang mga laptop, kartolina at pentel pen lang ang gamit natin sa pag re report…
    look at it this way, at the end of everything you can only depend on yourself. you know the presentation by heart and you are intelligent enough to re organize everything.
    have you forgotten the

  2. improvisation exercises in theater?
    ganun talaga friend, may mga bagay na kahit anong paghihirap, sakripisyo, pawis, at kung ano pa ang ibigay mo, hindi nila kayang tugunan ang mga pangangailangan mo!

  3. hooooy sinalo naman kita ano! kasi nasa harap ko presentation mo kaya ako na lang nagsabi ke boss 2 na eto eto ganyan. e di na praise ka din ni boss 2!

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426