close
no thumb

As planned, nagpunta ko kina be last Friday night para maaga kaming makaalis to avoid the Christmas rush. This year, we decided to try Greenhills (ang Divisoria ng mga may budget to spare). Sikat ang Greenhills sa mga murang pangregalo, at mas komportableng pamimili.

Gabi pa lang, naggawa na ko ng listahan ko. Nakita kong marami pala. Ok lang, may allotted budget naman ako, and I hope that I stay within the budget. 
Late na kaming nagising the following day. Si 'be kasi: hindi ako ginising. Nalaglag pa ang alarm ng kotse ko, pumatong sa mismong clutch. Habang nagpeprepare si 'be, nagpunta pa kong talyer para ipa-ayos. 
Mga 10am na kami naka-alis. Balintawak pa lang gumagapang na ang traffic. Hindi ko alam kung saang alternative route kami dadaanan. Takot akong mahirapang makakuha ng parking sa Greenhills. Pakiramdam ko, ubusan lagi kapag ganitong panahon. 
'Be and I took the opportunity to talk. Kinwento ko sa kanya ang latest sa opisina. Para mawala bagot ko, sinamahan ko pa ng mga re-enactments. Natuwa si 'be. Bumalik daw talino ko. He's proud of me and he said that we won the fight even if it's not yet finished. 
12:30 na kami nakarating ng Greenhills. masakit na ang paa ko, pero simula pa lang ng araw. Medyo hindi nagumagalaw ang mga sasakyan sa harapan ng Shopping Center, pero sige lang. Kasama ko naman si 'be.
Pagpasok namin sa Center, medyo siksikan na rin. Pero 'di tulad sa Divisoria na madalas nakatigil ang tugotog sa isang malakihang palaro ng Stop Dance, nakilos naman ng moderate ang mga utaw.
Since tamad akong mamili, si 'be ang ikot ng ikot. In fairness, marunong siyang tumingin ng mura. Ako kasi, pag nakakita na ng isang item, iniisip ko na agad kung kanino ko ireregalo. Si 'be iba. Makakakita siya ng maganda, itatanong ang presyo, tatawad, aalis. Hahanap pa raw siya ng mas mura. Pakiramdam ko, lalo s'yang namo-motivate na maghanap ng mas mababang presyo sa huling tawad na binigay sa kanya. 
In fairness, mahal pa rin sa Greenhills. Tama ang iba: mas mura sa Divisoria. Five thousand ang budget, nandun na dapat lahat ng reregaluhan ko. Pero pag dating ng alas-tres, ubos na ang budget ko at kelangan ko pang mag-withdraw. Ang sabi ni 'be hindi raw ako marunong mamili. Kuha lang ako ng kuha, hindi ko alam na nagugulangan na ko. "OK lang," sabi ko. "At least nakakabili na ko. Siguradong may mga mareregaluhan na 'ko."
In fairness kay 'be, I think he got the stuffs he wanted within his budget. Ako umabot ng nine-five din ang napamili ko. Samantalang si 'be mga two-five lang. Kaya naman humirit akong siya na magpagasolina pabalik ng Bulacan. 
"Impulsive buyer ka kasi."
"Hindi. Tinatamad lang akong maglakad."
"Feeling ko napamahal ka dun sa binili mo kay Yoanna. Dapat dun mga 250 lang.":
Every now and then, bumabalik kami sa kotse para magtambak ng pinamili. 
Eto pa:
Habang nag papahinga kami sa sasakyan, may napansin ako sa parking route ng Greenhills. Hindi maayos ang routing ng mga sasakyan at mga instructions sa mga drivers. Isa na to sa mga halimbawa:
Sa inis ko at pagod namin. Nanuod na lang kami ng Avatar ni James Cameron. Maganda 3-D ng Theater Mall! Dolby 3-D, at sterilized ang mga glasses unlike sa MOA. 
Mga 10:30pm na kami nakauwi. Hindi naman masyadong traffic dahil dumaan kaming Quezon Ave. derechong C3. 
"Dito ka na matulog," sabi ni 'be.
"Me magagawa pa ba ko. Alas dose na. Basta maaga kong gigising kasi magpeprepare pa 'ko para sa year-end bukas."
"O sige."
"Basta wag mo kong gisingin ng madaling araw ah! Hindi na ko makakatulog ulit n'yan."
Alas dos y medya, ginising pa rin ako ni 'be. 

Read and post comments | Send to a friend

Tags : christmaslifescooprandomtagalo blogs
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426