close
no thumb
Sa dami ng mga lumabas na babasahin, pelikula, documentaries, at istorya tungkol kay Rizal, hindi na bago ang mga tanong at kritisismo sa kanyang pagkabayani. Mga tanong na tulad ng: 
  1. Matalino nga ba siya? 
  2. Siya nga ba ang nagsulat ng mga pinagmamalaking nobela na naging susi ng ating kalayaan? 
  3. Namatay ba siyang tapat sa kanyang prinsipyo, o tuluyang nabakla sa sistemang minsa'y kanyang kinalaban? 
  4. May hawak nga ba siyang rosario nung binaril siya? 
  5. Naging bayani lang ba siya dahil sa impluwensiya ng mga Amerikanong nuo'y nagsusulong ng edukasyon at giting mula sa talino't pinag-aralan? 
  6. May halaga pa ba si Rizal? Dati'y nasa dalawang piso siya, ngayo'y nasa piso na lang. Piso na lang ba talaga ang halaga n'ya?
  7. Idolo pa rin ba siya ng ating henerasyon, o isa na lamang ba siyang kwento para sa mga bata't mag-aaral? 
  8. Isa na lang ba siyang 3-unit subject sa college na kalauna'y makakalimutan tulad ng mga kantang panlaro natin nung araw?
  9. Nasaan na kaya si Pepe sa diwa ng mga 32 years old na katulad ko?
Hindi ako History major para bigyang hustisya ang katauhan at kasaysayan ni Rizal. Pero sa mga huling tanong, pwede kong bigyan ng hustisya ang diwa ni Rizal sa akin. 
Nakakalungkot na isiping si Rizal ngayon ay isa na lang estatwa sa Km 0. Hawak ang isang librong bato, bantay ng dalawang 'sundalo na sumumpang hindi kumibo't kumurap.Ganun na lang siya sa lugar kung saan nasubok ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas. 
Gusto ko mang tanungin ang mga bantay kung sino si Rizal para sa kanila, alam kong wala akong makukuhang matinong sagot.  
Tinanong ko ang isang kaibigan kung ano ang nagawang mabuti ni Pepe. Ang sagot n'ya sa akin ay: "he wrote lang. I wonder nga bakit siya naging hero dun e."
Kung tutuusin ay tama ang kaibigan ko. He wrote. Un lang. But what he wrote made all the difference. Sa mga sinulat n'ya, nabuo sa isip ng Pilipino na may kanser na ang lipunan. Isang sakit na tinakluban ng simbahan at tradisyon. Sa ipinanganak n'yang mga tula, nobela at artikulo, tumalino muli ang Pilipino at pinillit bumangon sa pagka-Indio. 
Sabi ng barkada kong tibak, dapat si Bonifacio daw ang bida at hindi si Rizal. Para sa akin, bida rin naman si Andres. Pero kung tutuusin, kay Pepe n'ya nakuha ang idiolohiyang ginamit n'ya para sa kanyang Rebolusyon. 
Sa madaling salita, walang Bonifacio kung walang Rizal. 
Nahirapan ako nung pinag-aaralan ko si Rizal. Saulo dito saulo doon. Anung petsa ng birthday nya? Anung kurso n'ya sa Madrid? Saan siya nagpunta nung una siyang umalis ng bansa? Sino ang una n'yang pasyente? Pati pangalan ng tatay ni Bracken, tinandaan ko para sa Final exams. Hindi ko masisisi ang mga estudyante ngayon at mga taong dumaan sa masalimuot na proseso sa pag-aaral kay Rizal. Ako man, sa tuwing naalala ko, halos isumpa ko hindi lang ang teacher ko, kundi pati si Zaide na sumulat ng textbook namin. 
Sa kabuuan, ang talino at pagkamalikhain ni Rizal ay isa sa mga pamanang hindi naisasalin ng mabuti ng kasalukuyang sistemang pang-edukasyon. For most students, Rizal now is just another historical specimen, subject to study, not through a microscope, but only through a magnifying glass. The need to scrutinize his life and works has become a burden to many educators, that the CHED mandated curriculum that involves the specific study of his history has simply become a bird course. 
Para sa akin, hindi rote memorization ang makapagsasabing kilala ko si Rizal. Hindi ang pagsaulo ng birthday, death anniversary, pangalan ng magulang o mga girlfriends ang makakasukat ng diwa ni Pepe sa Pilipino. Para sa akin, ang pagpapahalaga sa mga nobela at tulang isinulat n'ya ang makakapagbigay lalim sa alaala ni Rizal. Ang pagkilala sa estilo ng kanyang pakikipabaka sa mga Kastila at Simbahan ang siyang magbibigay kahulugan sa kanyang mga adhikain. Ang pagrespeto sa kanyang tahimik at pailalim na rebolusyon, ang magpapa-alala sa atin na hindi lamang dahas ang susi sa pagbabago. 
Mahalaga pa rin si Rizal para sa akin. Dahil sa kanya, nakalalakad akong tanghad ang mukha sa kalsada, at malakas ang loob na lumaban sa kawalang hustisya at opresyon. Siya pa rin ang inspirasyon ko sa pakikibaka para sa pagkakapantay pantay. Siya parin ang nagpapa-alala sa akin na kahit unti unti na tayong nilalamon ng Kanluran – maging ito man ay sa Wika, Tradisyon, o Kultura – ang pagmamahal pa rin sa sarili bayan ang higit na mas mahalaga at makatwiran. 
Kasing halaga man siya ng PISO ngayon sa nakararami…para sa akin number ONE pa rin si Rizal!

Read and post comments | Send to a friend

Tags : confessionsculturehistorylifescooprandomrizal
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

4 Comments

  1. when i started reading your blog, tina tanong ko kung ano na naman sapak meron ka at naisipan mong magsulat tungkol kay Rizal.
    sa dulo ko na lang naalala na Rizal Day na pala ngayon.
    INC ang grade ko nung college sa subject na Rizal. wala lang talaga ko gana mag-aral
    there is a lot to say about Rizal… but i will settle for this "MARTYRDOM for the COUNTRY has died with him"

  2. tsaka pala, ang unang pumapasok sa isip ko kapag nababanggit si Rizal, ay ang Rizal Day Bombing…
    wala lang siya sa PISO. ipinangalan na rin natin siya sa isa sa mga trahedya na nangyari sa Pilipinas…

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426