close
no thumb

Nagsidatingan ang mga humabol magpadala ng mga regalo. Tatlo pa ang bumalik sa mga ipinamigay ko bago magPasko. Talagang save the best for last 'ika nga. Sino ba namang mag-aakalang itong tatlo na 'to ang babansagang Most Favorite Gifts ko this Christmas!

Unahin na natin ang iniabot sa akin ni Butalid. VP ng Administration sa Aegis PeopleSupport, pero down-to-earth. Sobrang down-to-earth, sa kanya 'ko lumalapit kapag me mga tanong at problema ko. Hindi ko pa naman siya nalalapitan tungkol sa problema sa pera, pero problema sa lovelife, trabaho, buhay…Butalid lang ang sagot dyan. 
Ngayong paskong ito, sinagot din ni Butalid ang tanong ko kung sino nga ba 'ko. Kung tutuusin, sina Romi at Mother Domeng ang nagbansag sa akin ng bago kong pagkakakilanlan. Pero si Butalid ang nakahanap at nagbigay hugis, kulay at anyo (me mata pa at freckles) sa bagong bansag sa akin. 
Galing ako sa meeting ng makarecieve ako ng text galing kay Daniel. Nasaan daw ako, hinahanap ako ni Butalid. Miyerkules na, kinabukasan na ang bisperas ng Pasko mukhang wala pang balak magbakasyon si VP. Nang pumunta ko sa station n'ya nandun sina Daniel at Cors. Wala na si Mother Domeng; maagang umalis kasi pupunta pa raw ng Bulacan para kumanta ng "Papa Can You Hear Me?" sa puntod ng lolo n'yang ilang taon na rin nyang di nadadalaw. Dumating si Butalid, iniabot sa akin ang isang maliit na paper bag. Para daw sa akin. 
"Naku naman Nikki, gumanti ka pa!" sabi ko. Nag-iwan ako ng Christmas gift ko sa kanya nung isang linggo. Simple lang naman, but that the least I can do for a friend this Christmas
"Nakita ko lang yan last weekend. Nakasabit, ikaw na ang pumasok sa isip ko. Sabi ko, "this is the perfect gift for Orly!"
Hindi ko na pinatagal. Binuksan ko ang bag, at natawa sa nakita ko!
Akong ako! Orly-Dory. Lately, na ang dami kong iniisip, sumasabay pa ang ADHD ko, napakadali kong makalimot. Nakakalimutan ko halos lahat. Ang umapak sa break kapag paliko, ang magdala ng charger, ang kumain, ang sumagot sa email, ang magsalita, ang huminga, ang maglakad. Nakakalimutan ko rin ang susunod ko sasabihin lalo na't may umeepal habang ako ang bangka. Nawawala rin ako sa huwisyo kapag naii-stress. 
Orly-Dory. Swak na swak!!!
"Thanks Nikki!!! Ito hindi ko makakalimutan!"
Si Tita Babes, me regalo din. Sinabi na sa akin ni 'be kung ano pero umiyak pa rin ako ng makita ko. 
Bagong launch lang ang DVD na 'to last Saturday. Hindi kami nakapunta ni 'be dahil sa pagod at traffic dala ng Christmas rush last week. Sabi ko, hihintayin ko na lang sa mga records stores. Pero nakahanap s'ya for me. 
Thanks Tita! 
Si 'be nagbigay rin ng regalo. Usapan sana naming hindi na sana kami nagbibigayan this year dahil sa laki ng gastos. Pero nang makita n'ya ito, alam n'yang hindi lang ako matutuwa…maiiyak pa. 
Iniabot sa akin kahapon ni 'be ang nakabalot na biyaya. Aba! May dedication pa!
To Be:
For your 7 years 
of LOVE
From: Be

Binuksan ko na agad. 
Nang makita ko ang laman, lumigid ang luha ko. Matagal ko na 'tong hinahanap. Wala nito sa kahit saang tindahan. Umaasa na lang ako sa mga kwento ni Mother Domeng at saka sa mga paputol putol na mga eksena sa Ang Pinaka. Kasabay na ni-launch ng Bona, inaasahan ko na lang na ako ang bibili kapag lumabas na sa Astrovision. 
Pero si 'be na rin ang bumili. Binigay n'ya sa akin. In a way, he showed me that he, a blessing and a treasure in himself, gave me another artistic blessing that I will treasure. 
Thanks 'be! The best ka talaga!!!

Read and post comments | Send to a friend

Tags : christmaslifescooppaskorandomtagalo blogs
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

4 Comments

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426