close
no thumb

Tapos na ang Christmas Party ng team. Ung ibang trainers and managers, ngayon na ang last day. Wala ng balak magparamdam sa opisina, babalik na lang daw sa isang taon. Ako, kelangang pumasok. Sayang ang mga natitirang leaves, at madami pang reports na dapat pag-aralan at ihabol. 

Pero OK lang. Masaya pa rin naman sa opisina. Marami pa ring gawa, at hindi natatapos ang UTOPIA ni D.S.Papasok din si Mother Domeng. Walang hanggang chikahan na naman 'to. 'Me dalawa pang araw akong ipapasok next week. Buti na lang, nagkadikit dikit ang mga holidays after Christmas sa Sabado't Linggo kaya naman walang kapuknatan ang pahinga for sure. 
Ngayon ako namigay ng regalo sa mga taong naisip kong bigyan sa opisina. Nakakatuwa'; kasi sa wakas ay nasubukan ko na ring mag-gift wrap ng maayos. Nagpaturo ako kay nanay. Simula ngayon, alam ko na ang tamang tupi, higpit, kulot, at lapat ng pagbabalot ng biyaya para sa iba. Sa susunod na bibili ako ng libro sa Powerbook, hindi na ko magbabayad pa ng additional ng biente pesos para sa gift wrap. Ako na ang mismong gagawa. Tama si nanay at si 'be: "masarap magbalot ng regalo."
Namigay ako pagkadating ko sa opisina. Nagpadala rin ako ng regalo para kay Q kay Maan na nandito sa Manila for a certification. Nagbigay din ako kay Elaine, kay Nikki, Mother Domeng, Romi, Cors, Olive, Hazel at marami pa. Isang cheap na Toy Kingdom na plastic bag ang dala ko puno ng mga biyaya. Masarap nga ang pakiramdam. Nakakalula. Iba talaga ang nagbibigay in fairness. 
At may mga nagbigay rin. Naubos man ang laman ng malaking plastic bag na dala ko, umuwi akong para pa ring si Santa Klaus sa laki ng bitbit. Bukod sa mga naipong regalo na nagsidatingan nung isang linggo, nagkahuling abutan din kaninang umaga hanggang sa paguwi ko. 
Sa pagbubukas ko, nakita ko sa mga biyaya ang mga bagay na dapat sana'y ginagawa ko. Let me explain:
Inabot kanina ito sa akin ni Vahnee. Anak ni Cora Doloroso – dati kong boss. Ngayon, magkasama na kami sa team. Tinulungan ko siya nuon na makapasok sa team namin because I know her potential as a Lead. Now, she's hitting the clouds with her performance and has been delivering more than what is expected of her. 
Lumapit siya sa akin at nag-abot ng pulang kahon. "Orly, this is for you."
"Naku Vahnee, nag-abala ka pa! Bawal sa akin yan!" Ang bastos ko talaga!
"Basta sa'yo 'to," sabay yakap sa akin at biglang bulong, "salamat ah! Salamat talaga."
"Wala un. Konti pa lang un," sagot ko. Lalo akong nahiya kasi siya pa ang nagpasalamat.
Ito naman, galing kay Nhil. Ces na apelyido n'ya ngayon, hindi na Ocampo. Yumakap din sa akin. Humalik at bumulong, "Merry Christmas Orly! Eto para sa'yo. Pang relax!"
"Para namang lagi akong stressed!" Ang bastos bastos ko na talaga!
"Ahihihihi!"
"Salamat Nhil! Thanks talaga!"
Pagkatapos nun, bumalik ulit si Nhil at may inabot sa akin. "Orly, eto pa."
"Ano na namant 'to? May isa pa! Nakakahiya naman." 
"Wala 'to. Lahat meron nito. Pampa-fresh!" biro ni Nhil. 
Hindi ako natawa. So haggard ako ganon? "Thanks dear ah?"
Si Karen, nag-iiikot din. Namimigay ng maliliit na biyaya tulad ni Nhil. Nang lumapit sa akin inabutan din ako.
"O, Orly eto sayo. Merry Christmas!"
"Ikaw din! Nakakahiya naman! Ang dami n'yong regalo." 
"Wala un!" sagot din ni Karen. 
Nang bukas ko, narealize ko na 'di na ko dapat magreklamo at nanankaw ang isang kahon kong paper clips. May dako na kong paper clip na may pusa pa! Jellicle Cat ito for sure!!! Akong ako!
"Thanks Karen!"
Nag-exchange gifts kaming buong team. Ako si Quezo de Bola, baby ko si Ghost of Christmas Present. Kanina ko rin lang nalaman na ako rin ang baby ni Ghost. Ang nasa wish list n'ya, kahit gift certificate na lang daw ng Powerbooks. Inisip kong marami akong pwedeng i-recommend na libro kay Ghost and it will be better if I choose a novel for her. Kaya binili ko siya ng A Thousand Splendid Suns ni Kahled Hosseini para mas personal. 
Nang malaman namin na pareho kami ng baby, nagulat ako. Siya, alam na n'yang ako si Quezo. Nagulat din ako sa binigay n'ya. 
"Elynn! Ang mahal nito!" Three hundred lang ang budget namin para sa exchange gifts. "More than the budget ito!"
"OK lang sir. Ang hirap humanap nung isang nasa wish list mo e," sabi ni Elynn. 
Organizer ang other option ko for the exchange gift. Organizer na sosyal! 
"Naku salamat! Natutuwa talaga ko!"
Pagdating ko sa station ko sa opisina, may nakapatong na green organic bag na galing kay Elaine. Nang buksan ko, napangiti ako.
Isang Hydro Cultured Plant. Nakalagay sa kahon. Kung iniisip mo kung ano ang Hydro Cultured Plant, this uses water-absorbing pebbles called hydrocorns to supply water to the roots of the plant. Sosyal diba? 
"Elaine!!! Bongga naman 'to!" sabi ko pagkalapit ko sa station n'ya. 
"You like it?"
"Oo naman! Iniisip ko ballpen lang bibigay mo sa 'kin e!" Assuming?! "Thanks ah!"
"No problem!" Elaine said sweetly
Elaine talaga, kahit kelan, laging ang tamis!
***
As what I've said, in the past weeks, isa isang nagsidatingan din ang mga regalo. Ngayon lang ako nakapagbukas. Ung iba naman, nakabalot lang sa plastic. Lalo na't pagkain. Parang nagsasabing: Puta ka, kainin mo na 'ko bago ka pa maunahan ng daga!

Ito ang unang dumating. Galing kay Irene. Dating RMC manager, nasa SM na ngayon. Mabait si Irene. Click kami. Though hindi kami masyadong nakapag-trabaho together nuong nasa APS siya, alam kong mag-kakasundo kami sa kahit anung bagay. 
Pumasok si Mae one day sa area namin. 
"Orly, I have something for you," sabi ni Mae. 
"Ano un?"
Iniabot sa akin ang candy cane. "From Irene."
"Oh my God! From Irene?!" gulat ko. "How is she? Kelan kayo nagkita?"
"We had a Christmas dinner with her last night. Namigay siya ng mga candies for you guys. Pinapaabot 'to n'ya for you."
"Katuwa naman. Sabihin mo kay Irene salamat. I-fe-facebook ko siya 'kamo."
"Sure!" Mae said smiling. 
"Thanks Mae. Na miss ko naman bigla si Irene!"
Hindi rin nagpahuli si Tiya O. 
"Orly!" sabi ni Tiya O sabay kalabit sa likod ko. "This is for you kasi mukhang walang magreregalo sa'yo ngayong Pasko!"
"Miss O naman! Nag-abala ka pa!" sabi ko. 
"Sana magustuhan mo at sana gamitin mo ah."
"Thanks Miss O! Babawi ako sa'yo. Sa'yo lang, kasi sinumpa mo na kong hindi mareregaluhan ngayon Pasko!" 
"O eto Orly!" banat naman ni Hazel sabay hagis sa akin ng isang plastic ng cookies. Para 'di ka naman kawawa!
Biglang nawala awa ko sa sarili ko. "Thanks friend! Pero 'di pa muna pwede 'to sa akin. Naka-second phase ako remember?"
"Ay wala na 'ko dun!" sagot ni Magno. 
"Hahahaha! Thanks pa rin. Si nanay hindi naman naka-South Beach e."
Isang beses pagkagaling ko from the Lung Center, nakita ko ang isang malaking cookie sa station ko.
To Orly from Pie ang sabi ng card. 
Katuwa naman si Pie, pati ako naalala. Siguro dahil sa ingay ko sa area nila, pumasok ako sa isip n'ya nung nagbabalot siya. In fairness, masarap ang cookie! Kahit naka-SB ako, tinira ko na rin. Sosyal ang lasa! Pang-mayaman!
"Pie! Salamat sa gift!" tawag ko sa kanya pagkadaan sa station n'ya.
"You're welcome!"
"Nag-abala ka pa," sinabi ko na naman. 
Isang gabi sa area ng mga trainers namin sa Manila, lumapit sa akin si Pammi. 
'Sir Orly, dahil wala kong pera ngayon, bibigyan pa rin kita. Swerte 'to!"
"Ay ang taray! One hundred dollars talaga!"
"Yan lang kaya ko po e," sabi ni Pamela. 
Oo nga, yun nga lang. Pero kung iisipin mo, bongga ang concept! "Thanks Pam!"
"You're welcome sir!"
Nagabot din sina Rominda, Sherwin and Potling. Hugis boteng nakabalot sa green crepe paper at may ribbon na halos mabali ang daliri ko sa pagtanggal. Sa loob ng crepe paper, isa pang layer ng bond paper na ni-recycle ang nagtatago ng laman. Parang ayaw atang magpabukas.
Human Nature na hand sanitizer. Sosyal! Pinag-isipan ng lola mo ang marketing ng mga produkto n'ya. 
Pagdaan ko sa station n'ya nakasubsob na naman si Rominda sa laptop n'ya – nakatagilid ang ulo – alam kong hindi pwedeng istorbohin. 
Inistorbo ko na rin. "Romi, I got your gift! Thanks ah!"
"Walang anuman," sabi ni Romi ng hindi inaalis ang pagkatagilid ng tingin sa monitor n'ya. 
Umalis na 'ko. Mahirap pag naistorbo at napikon ang kulot. At least nagpasalamat na 'ko.
Hi Orly. You have a package from STI here at the front desk. You can pick it up anytime. Regards, Frontdesk Officer. 
Aba pati naman STI naka-alala rin!
"Chicky!" sabi ko sa telepono. "I got your gift na! Grabe, nag-abala pa kayo!" ang sabi ko na naman uli.
"Op kors! Ikaw pa e malakas ka sa 'min!" sabi ni Chicky na tumatawa. 
Malakas talaga ko sa STI!
Kahapon, may nakalagay na box sa table ko. Galing kay Alec. Pill box. Cute
Matagal na kaming hindi nagkikita ni Alec. Nasa Foundation Training na siya. Bihira na lang kaming magkachikahan. Kung me pagkakataon man, madalian pa. Pero naka-alala pa rin siya. 
Pag uwi ko ng bahay kanina, may nakapatong sa taas ng TV ko. Orly ang nakasulat sa blue na gift wrap. Galing daw kay Ma Unyo sabi ni nanay. 
Lighter na sobrang laki hindi magkakasya sa bulsa ko, flashlight that charges itself and a compact 8-in-1 na mga screw drivers. Iba talaga si Ma Unyo! Alam n'yang mga kailangan ko 'to. 
***
Sa mga nagbigay sa akin, Elaine, Alec and Elynn wrote their dedications. Nakaka-touch talaga pag me message ang biyaya. Parang iyong iyo talaga. Inisip, isinulat at iniabot specially for you. 
Orly,
For another year
of good health 
and new and wonderful 
experiences…
Merry Christmas
and a Happy New Year

From: Alec
Another year of good health. Oo, kelangan ko un. Ngayong tumatanda na 'ko iba na ang pagtingin ko sa kalusugan. Kelangan ko nang simulan ang pag-aalaga sa sarili ko. Wonderful experiences, I am confident that I will have them again next year!
Dear Orly, 
Thank you for the guidance 
you've given me. 
Merry Christmas 
and
Happy New Year!

Ely
Christmas '09

It's nice to realize that you have guided some prodigies in the field of work. I have seen how Elynn and her team mates develop to become a new breed of trainers for PeopleSupport. Elaine and I are proud of them. We have indeed contributed to their growth in the company. 
Dear Orly,
Remember to see
the tree for the forest. 

Have a Merry Christmas!

Elaine

Ako ang boss ni Elaine, pero inutusan n'ya ko sa dedication n'ya. Remember daw. Napalunok ako. Oo nga, kelangan wag laging kalimutang tingnan ang mga maliliit na bagay ngayong lumalaki na ang grupo ko at mga responsibilidad. Sa kanila ako nagsimula at sa kanila rin ako aasa ng tulong pag-nagka-loko loko na. Sila ang babalikan ko kapag magkaka-problema ko – ang una kong pamilya sa Aspire. They're my trees. I must always remember. 
Thanks Elaine!
***
Ngayong gabi, habang isinusulat ko ito at nakikinig sa Love Radio, I can't help but smile when I count the blessings that I got so far from my collegues and friends. Mahal din pala ko ng tao, kahit masama ugali ko. Kahit hindi ako nakaka-alala, naaalala pa rin pala ako. 
Sa mga nagbigay sa akin: salamat talaga! Hindi sapat ang mga pagsasabing "nag-abala pa kayo," at "nakakahiya naman." Utang ito, hindi lang sa inyo, kundi sa sarili ko rin. Bagay na nagsasabing kelangang maging mabuti, hindi lang sa inyo, pati na rin sa iba.
Hindi man ako nakatanggap ng mga bonggang gadgets tulad ni Chuvaness, chika lang. Kaya kong bumili nun. Pero sa mga maliliit  na biyayang nakabalot natin makikita ang tunay na kaligayahan. Tama sina Kaplan at Koval sa libro nilang The Power of Small, nung sinabi nilang: "tiny gifts have more impact than big ones. They have easier access to the small and delicate pores of the human heart.
Maligayang Pasko po!

Read and post comments | Send to a friend

Tags : christmasgiftslifescooppaskorandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426