close
no thumb


Eko

Last night, a chat box opened in my Facebook profile. 


"Friend!"


"Hindi kita friend!" Hindi ko pa nakakalimutan kung papano n'ya kami inindyan sa Pride March two weeks ago. "Kahit kelan, hindi kita friend. Ex kita! EX!"

"Pwes, ex, listen to me. I need to ask a favor," sabi ni Jericho Baquial. 

"Ganyan ka! Galit kami ni Syme sa'yo!"

"Sige na ex, please lang, i really need your help." Parang wala yatang balak mag-apologize sa ginawa n'ya di pagsipot nuon. 

"…"

"Sige na nga, bahala ka. Thanks na lang!"

Bigla kong naisip, baka nga talagang me kelangan si bakla. Baka may mamamatay o patay na. Baka emergency. Baka talagang he "really needs my help."

"Dyan ka na," type ni Eko. 

"Ano ba un? Istorbo ka, nagbabasa ko"

"Friend, pa-share a load naman sa akin….20 pesos lang."

Napapikit lang ako sandali, pagdilat ko, nasa ilalim na ko ng upuan. Hindi ko namalayang tumatawa na pala ko ng malakas. Taenang 'to! May pang-intenet, walang pang-load?!

***

Nung nakarating sa kanyang aatak yung kanyang other ex sa Pride March last November, biglang walang humpay ang padala ng text sa akin:

  • cn i hve syme's #? 
  • frnd? did you reciv my SMS? i ws askng 4 syme's nmbr.
  • i rili nid syme's nmbr frnd. em planing 2 go to d march dis year. can i col u? sa landlyn? 
Sinagot ko na: cge, call me. 

Sasama daw siya sa March. Nung tinanong ko kung bakit, ang sabi n'ya dahil bagot na raw s'ya sa buhay. Wala na raw siyang ibang ginawa kundi ang kurtahin ang utak n'ya sa trabaho, gusto naman n'ya ng ibang dibersyon. Lokohin mo lelang mo ulol!

"Totoo nga, gusto ko lang gumimik rin. Wala na kong ibang gimikan lately kundi Starbucks!"

"Ang sabihin mo, darating ung Kristal kaya bigla kang naging aktibista ngayon. Ako pa lolokohin mo." Isa pang ex ni Jerico si Kristal.Kaibigan din ni 'be. Nagpost ng "GO" itong si Kristal sa FB sa invitation ni 'be sa March, kaya naman biglang naka-alala itong si Baquial. 

"Bitter?!" pang-asar ni Baquial.

"Gagu!"

"Basta sama ko. What time ba?"

"3."

"Huh? What 3? Me bukas na bang mga bar ng 3?"

'Tanga ka ba? Hindi naman gimik ang ipupunta namin dun e. Martsa! Anung akala mo, magpapakalasing kami dun? E papano na sang-kabaklaan? Gago ka ba, o sadyang gago ka na?"

"Tanga! Gimik ang sinasabi ko. I need a breath of fresh air! I need to see people again. Kung sa Martsa ako pupunta, anu namang mapapala ko dun?" 

"Mas malawak na karapatan 'pag nagkataon," sabi ko.

"Bahala na. Sino sinong kasama?"

"Kami ulit. Si Ianne, ung Kristal mo, si Syme, si Gerald, si Red." Hindi pa ko sigurado sa iba. Walang nag-coconfirm lately. 

"San tayo kakain?"

Anu daw? "Bahala na. After the March, tingnan natin kung saan."

"Basta ayoko sa San Mar ah!" bulas ni Baquial.

"Ano? Bakit naman nasama San Mar dito?"

"Kasi baka sa San Mar nila gustong kumain. Hindi na ko kakain sa San Mar. Dirty kaya food dun," saaaabeh ba naman?!

"Ay puta ka Eko! Maghanap ka ng mayayabangan mo!"

"Mayaman na ko dear! Hindi na ko pang-San Mar. Aanhin ko naman pera ko kung ipambibili ko lang ng mura."

"Kapal mo! Nung tayo, araw araw, sa San Mar mo ko pinapakain. Pag sa Penny's tayo nag-oorder, tatlo tatlong kanin ang tinitira mo!"

"Nuon un! Hindi na ngayon. Saka ikaw, pang San Mar ka lang!"

Tanginang 'to ah!

Mabait si Eko, mayabang lang. Un lang talaga ang kinawala ko ng gusto sa kanya nuon. Nukunukan ng kayabangan. Parang kanya lang dapat lahat ng kwento at bida. Pero kaibigan ko, ex ko pa, mahal namin siya ni Syme. Nuong kami naman e wala siyang masamang ipinakisama sa akin. 

Lumunok na lang ako. "Basta pumunta ka. Sa Rob na tayo kumain kung ayaw mo sa San Mar. Gusto lang naming makita ka ulit ni Simang."

Umaga ng Martsa, nagtext si Eko. Hindi na raw siya pupunta. He had a very long day from work and he can't wait to go to bed and rest. 

Sino bang hindi? Si 'be nga manggagaling pang school eh!

***

"Kala ko ba mayaman ka?! Ang mayaman, naka-LINYA, hindi naka-PRE-PAID!" tinype ko ng pagka-diin diin.

"Dear, napakarami kong pera. Pero aanhin ko naman yun kung sarado na mga tindahan?"

"E 'di magtayo ka ng sarili mo!" 

"Sige na ex. Please lang, I beg you," bulas ni Baquial.

"Sige, sige, papadalhan kita. Sa isang kondisyon….I-popost ko sa Facebook: The ultra-rich Jericho Baquial asked me for a 20 pesos load"

"Nooooooo!"

"Hahahahahaha (wicked laugh)."

"It will be such a disgrace!" type ni Eko. "Pag ginawa mo yan, hindi kita papapasukin sa CCP!"

"Ikaw ang hindi papapasukin! Wala ka pang ticket!"

"Libre kong makukuha ang ticket ko!" yabang mode na naman ulit.

"Pwes, bigyan mo kami ni Syme!"

"Wag na lang. Sige, I'll just brave the night to go to a store."

Hindi ko rin natiis. Sige na. Kahit for a night maging pasa-loader na din ako. "Mag-linya ka na kasi para di ka ganyan. Ang yaman mo naman kasi masyado e."

"Hindi ako pwedeng mag-linya."

"Bakit? Dahil naputulan ka na dati?" Tanda ko pa nuon ng ipinagmalaki n'ya sa aking dalawa ang mobile plans n'ya. Wala na pareho ngayon. Hindi na n'ya sinabi sa akin kung bakit. 

"Basta. Ano ba? Papadalhan mo ba ko?" tanong ni Baquial. "Hey, you sent me na!"

"Good night!"

Read and post comments | Send to a friend

Tags : friendslifescooppride marchrandom
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426