close
no thumb

 

 

 

Ang hindi ko maintindihan sa mga Katoliko eh madalas hindi sila consistent. Laging nagbabago. Laging ginagawa kung anung convinient. Buti na lang, hindi na ko Katoliko. Kasi, kung nagkataon, eh kung kelan matanda na ko, saka ako maghahagilap ng bagong faith.

Ng minsang dumaan ako sa Gb5 nung isang linggo, me misa sa Greenbelt church. Ang alam ko, kahit inayos na ng todo ng mga Ayalas ang Greenbelt strip, ang hindi nila nagawan ng ayos e ung church nilang kasing luma pa ni Marcos. Siguro concept kung concept – siguro ibig nilang sabihin: binabago ng panahon ang lahat pero ang pananampalataya hindi. Bongga sana, kasi un consistent ang tingin sa relihiyon, di nagbabago.

Pero nung araw na dumaan ako, parang di ata tama sa hulog ang konsepto. Naglakad kasi ako along Gb4, dun sa pathwalk na malapit sa mga windows ng Ferregamo na me katapat na lagoon. While walking, I heard the priest intructing a congregation to "nod" the sign of peace. "May misa pala!" Sabi ko. Tumingin ako sa loob ng church, and true enough, may gig nga si father.

Di ganong puno ang simbahan, siempre Thursday un, hapon pa, either nasa work ang tao o nagshoshopping for Christmas. May mga vacant seats saka malakas ang dating ng mga speakers. Ang hindi ko lang ma-comprehend, e kung bakit sa labas eh may mga tao rin na wari mo'y nagsisimba din. Hindi lang actually sa labas, malayo from the entrance, nakasandal halos dun sa mga windows ng Gb2. Nakatayo, nakaharap sa chapel saka super solemn ng dating.

I would understand if the chapel was at an SRO status. E hindi naman. Madaming pwedeng upuan, madaming chances na mas makita ang kulay ng Christmas displays sa loob, at higit sa lahat – mas OK ang view para silayan si father. Pero andun sila sa labas. Iba't ibang klase: may mag jowa (straight magjowas naman), may mukhang galing office, may naka-casual, may family, may baklang pa-mhin, may bata (naglalaro pa) at may Senior Citizens.

Duda ko kung naririnig pa nila ung instructions ni Father. Kung narinig man, duda pa rin ako kung magagawa nila effectvely ung "nodding" ng peace kasi magkakalayo sila dahil nga mas malawak sa labas. Hindi rin ako sure kung mas nafi-feel nila ung ambiance ng samba, kasi ang daming dumadaan, mas maingay, mas makalat.

Ang lalong hindi ko mainitindihan, e kung bakit nauso yung ganun.

Malakas ba signal ng Diyos?

Alam naman natin na para sa mga naniniwala nga may Diyos, e talagang talo pa ng Globe at Smart ang signal Niya. Kahit nasaan ka, sabi sa Good Book, nandun siya. So hindi lang signal ang pinag-uusapan, Presence. Kasi pag signal lang – connection ang drama. Alam mo na, kahit wala, andun pa rin. Pero kapag presence,andun talaga! As in talagang andun!

Pero ung nakita ko sa Greenbelt Chapel last week, hindi naman un ang isyu. Para sa akin, simba ang pinunta nila dun. Hindi naman Diyos. Dahil kung Diyos talaga, e di sana, kahit sa bahay na lang o kahit sa Baywalk, keri na. Kung Diyos naman ang pinunta nila, bakit nandun sila sa malayo sa altar? Kasi andun din ang Diyos? Kung sabagay, nandun nga rin Siya, pero mas nandun din ang Demonyo. Ung mga naglalakad, ung ingay, ung mga naglalaro, ung mga kalat. Kung nasa loob siguro, mas konti ang Kaaway. Mas konti ang Kaaway, kasi nandun ang ambiance.

To each is own 'ika nga. Pero parang unfair naman sa pinaniniwalaan mong Diyos kung sa panunuod mo ng Batman sa Gb3 e pinipili mo pa ung 'da best na upuan; un bang nasa gitnang row sa gitnang aisle. Ung iba nagpapareserve pa. Sa pagbili mo ng ticket ng concert ni Regine, gusto mo bongga ang upuan mo kahit mahal. Hindi ka naman kukuha ng ticket sa labas ng Araneta at makikinig nalang mula sa Farmer's diba?

Bakit un hindi magawa para sa Diyos? Un ang talagang di ko maintidihan. Hindi yan uso sa ibang sekta. Sa ibang sekta, unahan pa sila ng pagkuha ng upuan every Sunday morning. Mas malapit sa pulpit, the better! Ung mga Muslim, maayos ang arrangements bago sila maglulumuhod at a certain hour. Walang bakante, all kneeling areas taken. Pero ang Katoliko, laging kung anung convinient, kung anong mas komportable dun sila!

Dati, ang pagkain ng karne e bawal pag nagsimula nang pahiran ng abo ang noo ng mga gustong magsisi at magtikal. Ilang buwan din un. Gulay at isda lang ang pwedeng kariring lutuin ng mga nanay natin, tapos kung sakaling bigla kang makakain ng kahit isang kapiranggot na meat, e fly ka na agad kay father to confess. Pero nabago na naman un. Sa holy week na lang daw. Holy Monday to Black Saturday na lang bawal. Kung gusto mo raw talagang malinis ang mga kasalanan mo, e mag-fasting ka at karirin ung lumang tradisyon, kung di mo keri, keri pa rin naman kung gagawin mo ang penetensya sa holy week. Tapos, nabago na naman. Starting Holy Wednesday na lang daw. Mukhang nahirapan ung iba sa haba ng holy week. Mas malakas yata ang tawag ni Jollibee kesa kay Christ.

Ngayon, wala na. Di na siya cumpolsary. Kung feel mo na lang. Kung bet mong i-deprive ang sarili mo from burgers, adobong baboy, kaldereta, sisig at bopiz, keri na rin. Kung mag-oouting ka at balak mong mag-ihaw ng liempo sa beach, keri na. Di na naman cumpolsary eh. Kanya kanya na lang.

Dati, ang Simbang Gabi umaga…as in umagang umaga. Ung tipong di pa natilaok ang manok kasi masarap matulog sa ginaw, at di mo pa maidilat ang mata mo sa dami ng morning glory eh naka-sapatos na si father para sa early morning show niya. Siguro naman, natataandaan mo na dito nauuso ulit ang Bibingka at Puto Bumbong. May Christmas song pa nga 'to na Tagalog eh. Sabi ng song, ito raw ang "simula ng Pasko sa puso ng lahing Pilipino." Kasi tuwing madalaing araw, ang mga attendees daw ay "gumigising, sa tugtog ng kampanang walang tigil."

Penetence daw 'to. Sabi ng iba, pag nakumpleto mo raw ang siyam na misa e sa araw ng Christmas, eh pwede ka na raw mag-wish. Dito ko narealize, na sa Katoliko, di libre ang mangarap, kelangan, magpaka-puyat ka muna bago ka mag-ilusyon. Bongga no? Kayang kaya 'to ng mga call center agents!

Pero ngayon, iba na ang mga Simbang Gabi, 6 pm na. Gabi na talaga! Meron pa rin daw mga madaling araw na versions, pero pareho rin daw ang sermon ng nakaraang gabi. Nasaan na ung penance? Nasaan na ung tradisyon ng "lahing Pilipino?" May Puto Bumbong din ba kapag evening edition na? Pwede ka pa bang mag-wish kung ung 6pm ang nakumpleto mo?

Ang daming isyu, ang daming pwedeng pagusapan. Ganyan ang Katoliko, ganyan ang isip nila. Yun eh, sa pananaw ko lang. Nababago ang tradisyon kasi hindi na convinient sa kanila. Lumalawak ang maliliit na simbahan, habang nagiging extension ng chapel ang bakod at gate tuwing misa. Umiikli at nawawala ang times of penance kasi mahirap naman talagang gawin. Nababago ang oras ng nakasanayang tradiyson dahil impossibleng maka-attend ang mga taga-call center na graveyard ang shift.

Minsan, napapakamot na lang ako ng ulo. It's very hard to understand how some of these self-righteous people will bend rules just to adjust everything to their convinience. Hindi na Diyos ang mahalaga, ung oras nila at comfort. Un ang mas importante. Makakapaghintay naman siguro ung imaheng nakapako. Ung Diyos na naging tao at ginive up ung sarili n'yang convinience para maligtas tayo.

Un lang naman.

Read and post comments | Send to a friend

Tags : catholicschurchconfessionsobservationspersonal viewsphilosophyreligiontradition
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426