close
no thumb

Ang pasko daw para lang sa bagets. Kasi, ito ung season ng pagkain, laruan, pamasko, bagong damit, StarCity, Enchanted Kingdom, two-week vacation, at paputok. Pero pag matanda ka na, unti-unti mo ng narerealize na di na bagay sayo ang Pasko. Habang patanda ka na ng patanda, dahan-dahan ng nawawala ung kulay ng season ng kapaskuhan. Napapaltan na lang ng paunti-unting Kris Kingle dito, konting additional beso dun, at nakakain na lang walang humpay na "Merry Christmas!" na lang ang dating bonggang mapalamuting okasyon.

Sabi ng pari, huwag daw kalimutan si Kristo kapag pasko. Hello?! E simba lang ang katapat n'yan! Isang sermon lang ng pari at isang masigabong pagkampana, e nawawala na rin ang Christian Concept ng pasko pag balik natin sa bahay. Aminin natin yan! Ayoko ng self-righteous!

Pero inisip ko rin: ano na nga ba ang pasko para sa 'kin? Is it still as colorful as my early years? If not, how can this be so different?

May mga nagbago for sure,. Pero ung mga pagbabago bagay na sa katulad ko. Wala na ngang pamasko na tig-bebente pesos pero may 13th month naman! Wala na nga namang StarCity moments, pero may sarili na 'kong Christmas shopping – ung tipong nabibili ko kung ano ba talagang gusto ko. Hindi man ako ang namamasko ngayon, at least ako na ngayon ang nagreregalo sa sarili ko.

Inisa-isa ko ang mga nagawa at gagawin ko this Christmas na hindi ko nagawa nung bata pa 'ko. May keri, may bongga, may laloz:

 

– Nagagalit na ko sa tunog ng paputok. Masakit sa tenga, at nakakawala ng poise pag nagugulat ako.

– Naiimberna na rin ako sa traffic. Aksaya na sa gasolina, aksaya pa sa oras

- Bumili ako ng dalawang pares ng tsinelas, ung mamahalin. Katumbas ng isa, e isa ng pair ng white shoes sa Aldo. Ang problema naman, nanghihinayang akong apakan, kasi nga mahal!

– Niregaluhan ako ng mga taong hindi ko inaasahang magreregalo sa akin. Masama kasi ugali ko, alam ko hindi ako appreciated ng lahat.

– Kaya kong hindi kumain ng sobra, para ma-maintain ang 29 ko na bewang! Kasi nung bata ako, nun ang masarap ang pagkain, kaya kain ako ng kain!

– I'll have an out-of-town trip with bebe. Ung kaming dalawa lang. Problema nga lang, wala kaming photographer na kasama. Sayang ang mga photoshoot opportunities.

- Natanggap ko ang nakakalulang 13th month pay. Hindi lang kaluluwa ang pwedeng bilhin. Pati puso!

 

Nagbabago nga ang pasko. Un e para sa 'kin. It may not keep getting better, but it stays better nonetheless. Kaya 'merry' pa rin!

Maligayang Pasko!

Read and post comments | Send to a friend

Tags : christmaslifescooppaskorandomtagalo blogs
Orly S. Agawin

The author Orly S. Agawin

Orly has been writing for The Jellicle Blog since 2008. He is a training and development consultant by day and an art enthusiast by night. He lives in Parañaque with his mom.

Leave a Response


Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426

Warning: Cannot assign an empty string to a string offset in /home/jellicle/public_html/wp-includes/class.wp-scripts.php on line 426